There is never one sunrise the same or one sunset the same.
- Carlos Santana
***
Two weeks later...
"Wow, ang cute cute naman ng baby na yan. Takaw, takaw pa. Koochy-koochy-kooch!"tuwang-tuwang sabi ni Veron habang kinikiliti ang maliliit na kamay ng bagong silang na sanggol.
Anak ito nina Kuya Junior, na kaibigan niyang vendor sa tapat ng cafeteria na pinapasukan niya at ng asawa nitong si Ate Vangie. Kasalukuyang pinapa-breastfeed ito ng kaniyang ina.
Kahapon ay nabalitaan niya sa kasamahang vendor ni Kuya Junior na si NikNok, na nanganak na ang misis nito at nasa lying in clinic na di rin kalayuan sa eskuwelahan nila.
Kaya naman dinalaw nila ito nang hapong iyon upang ihatid ang regalo niyang tig-iisang dosenang baru-baruan, pyjamas, booties at mittens pang- baby na binili niya pa sa divisoria kasama ang sampung set ng cloth diapers na pinag-ambag-ambagan naman ng mga kabanda niya.
Ginawan naman ito ni Jenny ng dalawang bonnet at dalawang pares ng wrap around button baby boots na ilang linggo din nitong ginantsilyo.
Ito ang isa sa pinakahihiligang libangan ng bestfriend niya. Lahat na lang ng sulok ng dorm room nila ay may ginantsilyong kung anu-anong mga bagay. Mga coaster ng baso, placemats, sapin ng lampshade, dekorasyon sa upuan, balot ng powerbank niya, maging mga kurdon ng mga earphones, tv, electric fan at mga charger ng cellphone ay ginantsilyuhan din gamit ang mga makukulay na yarn.
Mayroon din itong online business kung saan nagbebenta siya ng mga made-to-order na iba't ibang crochet products pang baby gaya ng bonnet, button boots, head dresses at foot ribbons. Kamakailan ay nagbebenta na rin ito maging ng pambalot sa headset ng mga call center agents at mga bonnets and headbands for grown ups.
Siyempre, si Jillian ang number one na suki nito dahil lagi din itong nagpapagawa kay Jen ng bonnet at headband pang-cover sa dreads na buhok nito. Kahit alam naman niyang dahilan lang din iyon ni Jillian para laging makita at makausap ang kaibigan niya.
"Mag-bestfriend nga tayo. Pareho tayong raketera." sabi niya pa nga minsan dito.
Naging ka-close nilang mag bestfriend si Kuya Junior ng minsang tinulungan sila nitong habulin ang truck driver na muntik nang makahagip sa kaniya habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada ni Jen pabalik ng SCU campus matapos silang sabay na mag-lunch sa isang kalapit na establishment. Tinulungan pa sila nitong dalhin ito sa presinto para masampahan ng reklamo. Biglang ganti ay lagi silang bumibili sa mga tinda nito at kalaunan ay naging kaibigan na rin nila ito pati ng mga kabanda niya.
"O, Ate Vangie medyo naninilaw pa si baby ha. Kaya wag niyong kakalimutan ni Kuya J na paarawan siya every morning. Maganda niyan siguro mga bago mag- alas nuwebe ng umaga, sakto lang ang init 'nun. Di pa masakit sa balat. Para madaling mawala iyang jaundice niya." bilin pa nito sa ina ng bata.
Tumango lang ito at matipid na ngumiti dahil halatang latang-lata pa ito sa pagod sa panganganak.
"Kuya J, kailan daw sila makakauwi?" curios na tanong niya dito habang nilalaro pa rin ang malilit na mga daliri ni Baby JJ.
"Ay ika ng doktora ay bukas ng umaga. Kaso naman ga ay kinulang ng dalawang libo aniya ang hawak naming pambayad kaya naman ikot ang puw-it ko ngay-on kung kanino man makahiram at todo na yaong aming naipon." nababahalang sagot naman nito habang nilalaro din ang anak.
Nagkatinginan sila ni Jenny ng marinig ito. Pagkatapos ay walang dalawang isip na kumuha sila ng tig-isang libo sa wallet.
Iniabot nila ito sa mag-asawa.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...