Some people come into our lives, leave footprints on our hearts and we are never the same.
- Franz SCHUBERT
***
"Veron, okay ka lang ba?"
Bati ni Andrei sa kaniya. Ni hindi niya namalayang dumating na pala ito. Umupo ito sa stool na nasa tabi niya at ipinatong ang dalang bag sa lamesang nasa harap nilang dalawa.
Nasa loob sila ngayon ng booth ng Lester's Studio kung saan laging nag-eensayo ang grupo. Pina- reserve nila ito mula alas tres hanggang alas singko ng hapon para makapag-rehearsals for their gig sa darating na Linggo. Two blocks away lang ito mula sa main gate ng SCU. Tuwing Lunes sila nagpa-praktis dahil pare-parehong maluwag ang schedule nilang apat sa araw na ito.
Inabutan siya ni Andrei na nagtotono ng acoustic electric guitar niya.
"Uy, andiyan ka na pala, Drei." sambit niya."Ano ulit iyon?"
Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito kanina dahil sobrang engrossed siya sa pag-iisip tungkol kay Wade.
"Tinatanong ko kung okay ka lang ba." pag-uulit ni Andrei na nakatingin sa kaniya ng may pag-aalala habang kinukuha sa loob ng backpack nito ang isang makapal na notebook.
Dito nito isinusulat ang mga composition nila. Nababalutan ito ng isang paper mosaic na gawa sa tagpi- tagping litrato ng mga music influences ng banda nila gaya ng Gin Blossoms, Nirvana, Oasis, Toad the Wet Sprocket, Arkarna, Eraserheads, Parokya ni Edgar at iba pa. Acoustic Alternative ang genre ng tugtugan nila.
Silang dalawa ni Andrei ang madalas na nag-aayos ng kanilang line up at nagko-compose ng mga kanta ng grupo. Bukod sa kaniya ay nag-bobokalista din ito, ngunit dahil likas na mahiyain, he prefers to be behind the limelight most of the time.
"Oo naman, noh? Ba't naman hindi ako magiging okay?" pagtatanggi niya. She even gave a weak chuckle to make her happy face seem authentic.
Naningkit ang mga mata ni Andrei na halatang hindi naniniwala sa kaniya.
"You're the worst liar, you know that, don't you?" sabi pa nito.
"C'mon what is it?" Andrei insisted. "Tungkol ba sa Dad mo? Is he alright?"
Umiling siya. But made sure to make a mental note na tawagan ang parents niya pagtapos ng rehearsals nila. Ilang araw na pala niyang hindi nakakamusta ang Mommy at Daddy niya.
"May bumagsak kang exam?" tanong ulit nito. Umiling siya ulit.
Hindi lingid dito ang pagiging grade conscious niya. Inaalagaan niya kasi talaga ang kaniyang full scholarship dahil magiging napakabigat para sa kaniya kapag nawala ito.
"Hmmm, tatlo lang naman 'yan eh. Kung hindi si Tito, hindi rin school...malamang problema yan sa TOTGA mo, noh?" sabi nito.
"What? Ano'ng TOTGA?" natatawang tanong niya.
"The one that got away." sambit ni Andrei.
"Ano daw?" natatawa pa ring sagot niya. "Kanino mo naman natutunan yan? Haha."
"Kay Jenny. Ang daldal ng bestfriend mo, eh. Na-chismis na niya sa'min 'yung tungkol diyan." wika nito.
"Siraulo talaga iyong babaeng iyon. Napaka-chismosang wagas." sabi niya.
"Teka, teka. Wag mong ibahin ang usapan. So,ano? Tungkol nga ba dun, kaya kanina pa parang Biyernes Santo ang mukha mo diyan?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomantiekShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...