Maybe it's not too late to learn how to love and forget how to hate.
- Ozzy Osbourne
***
"Where are you going to take me?"
Inis nang tanong ni Veron kay Wade.
"Not far." sagot naman nito sa kaniya.
Paglabas ng main gate ng campus ay dinerecho nito ang kahabaan ng St. Claire Drive at kumanan sa pangatlong kalye sa kaliwa. Ilang saglit pa ay huminto ito sa tapat ng isang row na may tatlong malalaking townhouses. He parked his car sa driveway ng pinakadulong bahay.
"Hold on." ani Wade. Pinatay nito ang makina ng sasakyan, bumaba and collected the bags at the back seat. Pagkatapos ay umikot ito papunta sa passenger's seat at pinagbuksan siya ng pinto.
Hinawakan nitong muli ang kamay niya and guided her to the door.
She knows that it is wrong to let him treat her this way but she can't help it. The feeling is too familiar and both of them couldn't deny it.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay sumigaw ito ng "I'm home! I have a surprise for you, people!", habang inilalapag ang mga gamit nila sa ibabaw ng black leather sofa na nasa maluwang at maaliwalas na sala ng bahay.
Walang anu-ano'y nakarinig na lamang si Veron ng mga yabag mula sa taas ng bahay na animo'y tumatakbo pababa ng hagdanan. It's Tilly.
"Ate Veroooonnnn!" at patakbo itong yumakap sa kaniya.
"Hello, sis." nakangiti namang sagot niya dito.
Ilang sandali pa ay nakita naman niyang papalapit din si Ate Linda, Yaya ito ni Tilly simula pa noong bata pa ito. Matagal na rin itong namamasukan sa mga Oliveros, kahit pa noong nasa Bulacan pa ang mga ito kaya na-recognize din ito ni Veronica.
"Veruuun, ang ganda-ganda mu pa rin talaga! Ay nakakatuwa naman at nakapunta ka ditu." sabi pa nito at yumakap din sa kaniya.
"Naku, Ate Linds, ang tagal na nating nagkita, ah? Kumusta na, nag-asawa ka na ba?" curious na tanong niya dito.
"Ay naku, bi. 'Wag mu na itanung, nalipasan na yata aku. Pero uki lang, mas gusto ku naman alagaan itong si Tilly bebilab ko, kaysa sumakit ang ulo sa mga lalaking yan." at inamoy amoy pa nito ang buhok ni Tilly na parang baby pa rin kung ituring nito.
"Ouch ha." biglang sabi ni naman ni Wade nang marinig ang sinabi nito.
"Ay suri naman, Wade pugi. Simpri, eksimptid ka duun ah." ani Ate Linda.
"O sige, ipaghanda mo na lang kami ng fresh orange juice tsaka sandwich Ate Linda, para makabawi ka tapos bati na tayo." pabirong request ni Wade dito.
"Ukiduks!" magiliw naman na sagot.
"Ate c'mon, I'll show you my room. You'll like it!", yaya ni Tilly sa kaniya.
"Hep! Hep! She's mine for today. So back off muna, bunso. Maybe next time." awat naman ni Wade dito.
"Daya mo talaga, Kuya. Well, basta pagkatapos niyo mag-bonding, tayo naman ha." sabi pa nito kay Veron na kunwa'y nagtatampo.
"I'll just go help Yaya in the kitchen. Wala si Mom nasa office pa, but she'll be happy to hear you came over. Just feel at home, Ate ha." wika pa nito sa kaniya.
"I will, thanks Tilly.", sagot niya.
"Let's go." Wade took her hand once more and led her to the backyard. May bonsai garden pala ito sa likod. Sa paligid ay may iba't ibang halaman din at mga orchids. Mayroon ding maliit elevated infinity pool at may barbecue grill sa isang sulok. On the other corner is where you'll find a cozy white garden set made of raucord.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...