Chapter 17

36 2 6
                                    

Risk is trying to control something you are powerless over.

- Eric Clapton

***

"What did you do to her?!"

Galit na galit na sinugod ni Andrei at aambahan niya sana ng suntok si Wade nang makita niya ang hitsura ng walang malay na si Veron.  Mabuti na lamang ay naawat siya ng pinsang si Gibo.

"I swear I'm gonna kill you kapag nalaman kong may ginawa kang masama kay Veronica!" he barked at Wade habang pinipilit humulagpos sa hawak ni Gibo.

Halos paliparin niya kanina ang kotse niya nang malamang nasa Emergency Room ito ng SCU Hospital.

Pagkagaling sa Joey's Bar upang kunin ang extra nilang kinita kagabi sa gig ay tinawagan niya ito upang ihatid sana ang share nito.

Ngunit kinutuban siyang may nangyaring hindi maganda dito dahil hindi nito sinasagot ang cellphone nito kahit naka- dalawampung missed calls na siya at hindi rin nagrereply kahit pa naka-labinlimang text na siya rito.

Tinext niya si Jen at inalam kung magkasama sila. Naka-duty daw ito at hindi pa sila nagkikitang muli ni Veron simula kaninang umalis ito ng dorm bago pumasok sa school.

Sumunod ay tinungo niya ang AM Cafe.  Wala din naman daw itong shift ngayon ayon kay Phoebe at hindi rin daw ito napadaan doon buong araw. 

Wala din silang rehearsals ngayon dahil halos madaling araw na silang nakauwi kagabi. Dumaan siya sa dorm nito. Hindi pa rin daw umuuwi ito sabi ng guwardiya sa may entrance ng building.

Nakita rin niya ang note ng prof ni Veron na nakadikit sa labas ng room nila sa major ng daanan niya ito. Kaya alam niyang wala na rin itong klase.

Bumalik siya ng SCU at sinilip ito sa pantry at sa library, kahit saan na madalas nitong tambayan kapag walang klase.  Ngunit wala rin ito doon.

Tinawagan naman ni Gibo si Jillian. Nakauwi na rin daw ito sa bahay at hindi rin niya nakita si Veron after nilang kumain kanina ng sabay-sabay. Maging ang nobya nitong si Marga ay pinagtanungan na rin nila, nakaduty din daw itong katulad ni Jen at wala ring alam kung nasaan si Veronica.

Saka niya naalala ang calling card na ibinigay ni Kuya Joey. Susubukan niyang kunin ang numero ni Tilly kay Ms. Erica para matanong din ito kung magkasama ba sila ni Veron.

Si Ms. Erica mismo ang nakasagot.

"Sorry, Andrei ha, but I'm not authorized to give out Tilly's number, medyo classified information ang hinihingi mo. Pero nasa bahay na iyon malamang, if you want I will just call her sa landline, mag two-way call na lang tayo sa kaniya para makausap mo." sabi pa nito.

"Sige po ma'am. Salamat po." sabi niya.

Maid nila Tilly ang nakasagot ng telepono. Wala daw ito sa bahay sa ngayon dahil sinamahan nito ang kuya niyang si Wade na itakbo si Veron sa ospital. Mabilis siyang nagpaalam kay Ms. Erica nang malaman niya kung saang ospital dinala si Veron. Tinext niya agad si Jen para ma-check na rin  niya ito habang nasa duty.

Wala pang sampung minuto ay narating niya na ang emergency room at tinakbo niya agad ang Triage para malaman kung saan ang bed ni Veronica . Alalang-alala na talaga siya dito.

And now, he is face to face with the man who was the reason why she has been hurting for years.

"Easy ka lang, pare.  Hindi kita papatulan. Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan iyan." diplomatikong sagot ni Wade sa kaniya.

Hindi na siya sumagot pero nagtatangis ang mga bagang niya. Ayaw na rin niyang mag-lure ng attention ng mga nurses kung sakaling magkagulo silang dalawa dahil baka pareho pa silang palabasin ng ER.  Pero one wrong move lang ay hindi siya magdadalawang isip na padapuin ang kamao niya sa panga nito.

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon