Dads are most ordinary men turned by love into heroes, adventurers, story tellers and singer of songs.- Pam BROWN
***
"Yes Mom, I'm okay."
Ito ang tugon ni Veron sa inang si Melissa. Tinawagan niya ito pag-uwi niya mula sa band rehearsals upang kumustahin.
Himbing at nagpapahinga raw ang Daddy niya dahil napagod ito sa biyahe papunta at pauwi mula sa bayan para sa check up nito kaya't ang kanyang Mommy na lamang ang kinausap niya.
"Anak, 'wag kang magpapagutom diyan ha. Baka naman sa sobrang dami ng activities mo, hindi ka na kumakain. Huwag mong pababayaan ang sarili mo at baka ikaw naman ang magkasakit niyan." ang bilin pa nito.
"Don't worry about me, Ma. I'm good, trust me. Basta sa makalawa, magpapadala po ako. Miss na miss ko na po kayo nina Daddy." wika niya.
"We miss you, too, anak. Pasensiya ka na talaga. I know this has been the hardest for you. If only I can do something. If only I can still work, paano wala namang akong mabibilinang mag-aalaga kay Arturo." wika nito.
Hindi man niya nakikita ang ina, she knows that she is holding back tears.
Her mom is a strong woman, but when it comes to family, she becomes fragile. Kay Veron lamang ito kumukuha ng lakas.
"O basta, huwag kang makakalimot na umuwi dito sa piyesta, ha. Bilin din yan ng lolo at lola mo para makapaglibang libang ka naman daw at madalaw mo kami dito. Isama mo si Jenny." paalala ni Melissa sa anak.
"Oo nga po pala. Sa susunod na buwan na iyon. Sige po sabihan ko po si Jen at magpapaalam na ako kina Ma'am April bukas pagpasok ko sa cafe. Para makahanap na sila ng magpi-fill in sa shift ko kapag nagbakasyon po ako diyan." sagot niya.
"Mabuti naman kung ganoon. O pa'no anak, gisingin ko na muna si Daddy mo at oras na ng pag-inom niya ng gamot. Sasabihan ko na lang na tumawag ka, okay? I love you, take care, anak." sabi pa nito.
"I love you, too Mom. Bye."
Nangingilid ang luha na ibinaba niya ang cellphone na hawak matapos makausap ang ina. Ganito siya lagi tuwing nakakausap niya ang pamilya niya. Lagi siyang nagiging emosyonal ngunit hindi niya ipinahahalata pag kausap niya sila sa telepono dahil ayaw niyang dumagdag pa siya sa alalahanin ng mga magulang niya.
Ilang buwan niya nang hindi nakikita ang parents niya. Bihira din kasi siyang lumuwas ng Nueva Ecija. Masakit para sa kaniyang nakikitang nakaratay sa higaan ang Daddy niya. All that she wants to remember is her Mom and Dad's happy faces. That's what makes her go on.
She can't face the truth that her Dad's condition is not getting any better. Pero kailangan dahil kung hindi siya magpapakatatag sa pagsubok, walang na ring paghuhugutan pa ng lakas ang kaniyang ina.
Minsan sa buhay kailangan mong magmistulang bato para lumaban. Anurin ka man ng baha o tumama ka man kahit saan, magkakaroon ka ng tipak ngunit hindi agad agad mawawasak, hindi agad matitibag.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...