To love is to risk, not being loved in return.
To hope is to risk pain.
To try is to risk failure
But risks must be taken,
Because the greatest hazard in life is to risk nothing.- Bob MARLEY
***
Natulala siya.
Hindi na malaman ni Veronica kung ilang minuto siyang nakatayo habang nakatitig kay Wade while their professor was introducing him to the class. Just then she realized how much she missed him.
She's teary eyed. Gusto niya itong salubungin at yakapin kung hindi lang nasa harap siya ng kaniyang professor at ng buong klase.
Nakatingin din ito sa kaniya.
Blanko.
Nakatingin lang talaga.Walang ibang emosyong mababasa sa mga matang dati ay laging masaya tuwing magkasama sila. Poker face, ika nga.
He's still as handsome as she could remember. Napaka-neat at napaka-simpatiko nitong tignan sa suot na uniporme.
"Kahit sako lang siguro ang isuot mo, guwapo ka pa rin." bulong niya sa sarili.
Sa tangkad na 5 feet 10 inches at sa angking husay nito sa paglalaro ng basketball, no wonder na naging captain ito ng high school varsity team nila noon sa Bluemont Preparatory School.
Cliché man na sabihin, but he is a spitting epitome of a tall, dark and handsome type of guy. Maraming nagsasabing kahawig nito si Derek Ramsey. Kaya tuloy maraming girls na may gusto kay Wade ang nambubully sa kaniya during high school, noong sila pa.
Tama. Noong sila pa.
"Miss Ilagan...Miss Ilagan.", naulinagan niyang wika ng kaniyang propesor na siyang nagbalik sa kaniyang ulirat pabalik sa Earth.
"You may admire Mr. Oliveros later and proceed with your report." Nangingiting wika nito which caused the class to start whistling and teasing her.
Nag-init ang magkabilang pisngi niya na pakiramdam niya ay pulang pula na sa ngayon. Hiyang hiya tuloy siya na nagbaba ng tingin mula sa pagkakatitig kay Wade.
Kung nandito lang ngayon si Jen, malamang asar talo talaga siya.
"I'm sorry, Sir." natatarantang sagot niya while she grabbed her cue cards and tried very hard to get her composure back.
"Good morning, everyone." bati niya sa lahat.
"Today, I shall be discussing about the layers of the atmosphere and their relevance to Radio Communications." pagsisimula niya.
Nasa ika-apat na taon na siya ng kolehiyo taking up Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa St. Claire University. Next year ay graduating na siya. Dahil sa angking talino at diskarte sa buhay, she was able to get a full scholarship grant sa kanilang university. Kaya naman kahit pa siya ay isang working student at halos wala nang social life sa dami ng raket niya para kumita, hindi niya iyon iniinda.
Ang mahalaga ay ang makatapos siya ng pag-aaral.
She turned off the lights and fired up her slide show. Hindi na niya tuloy masyadong makita ngayon kung saan umupo si Wade. Pero kahit medyo distracted siya sa presence nito, hindi niya pwedeng i-compromise ang performance niya dahil 25 percent ito ng final grade niya sa subject na iyon. She wouldn't risk losing her scholarship dahil lang sa isang failed report. Bukod pa dito, one week niyang pinaghirapang i-research ito at gawan ng presentation kaya ayaw niyang mauwi lang iyon sa wala nang dahil lang sa apektado siya sa ex-boyfriend niyang kaklase na niya ngayon.
She tried to concentrate as much as she can. Hindi niya na mabilang kung nakailang buntong hininga siya all the time na nag-rereport siya. Gustong gusto na niyang matapos ang klase, dahil gustong gusto na niyang makausap si Wade.
"Questions?", ang tanong niya sa mga kaklase niya matapos siyang mag-report. As usual, walang nagtanong dahil 2 minutes na lang bago matapos ang period.
"Well, that was a good one." wika ng kaniyang professor to break off the silence habang binubuksang muli ang ilaw.
"I think you have done a great presentation, Miss Ilagan. Very good!" puri pa nito sa kaniya. "Okay, we shall have an in depth discussion about this topic next meeting, class dismissed."
Pagka-dismiss ay dali dali niyang in-unplug ang laptop niya, in-off ang projector at iniligpit lahat ng gamit niya. Humahangos siyang lumabas ng pinto upang habulin si Wade.
Ngunit paglabas niya ay wala na ito. Free period nila after ng Broadcasting at hindi niya alam kung kaklase pa rin ba niya ito sa susunod niyang subject.
Dumating ang sumunod na period. Hindi na siya nag-snack dahil gusto niyang makarating ng maaga sa classroom at abutan si Wade. Ngunit wala ito. Dahil transferee, naisip niyang malamang ay irregular student ito sa ngayon at hindi niya magiging blockmate.
Lumung-lumo siya habang bitbit ang bag at gitara niya. Hinayang na hinayang siya sa pagkakataon.
Seven words.
Seven words lang naman ang gusto niyang sabihin dito.
I am sorry. Mahal pa rin kita.
Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ilang gabi, ilang buwan, ilang taon siyang umasang magkikita pa silang muli. Heto nga't ibinigay na ni Lord ang kahilingan niya, pero napakailap ng pagkakataong magkausap silang dalawa.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Ni hindi man lang siya hinintay ni Wade. Ni hindi man lang siya pinansin. Kung tignan siya nito kanina ay parang hindi sila magkakilala. Wala na yata itong pakialam sa kaniya. Kinalimutan na yata siya nito ng tuluyan.
And it was ALL her fault.
Hinayaan na lamang niyang tumulo ng tumulo ang mga luha niya kahit pa nga pinagtitinginan na siya ng mga tao sa hallway habang naglalakad siya.
Hindi na niya iyon napansin, dahil ang alam lang niya ay gustong sumabog ng dibdib niya sa sakit na nararamdaman niya sa ngayon.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...