Chapter 14

37 3 1
                                    

We thought that we had the answers, it was the questions we had wrong.

- Bono

***

Kinabukasan...

Hindi mapakali si Veronica sa upuan niya habang nasa klase.

Unlike last Friday, isinabit na lang niya ang backpack niya sa likuran ng armchair niya instead of leaving a spare seat beside her. She finds no reason to do so anymore. Seeing Wade with Kitel last time confirmed Wade's betrayal.

His note would be irregardless. She decided not to trust him again. What is there to talk about anyway? Ano pa bang closure ang kailangan nito? Veron doesn't feel that they have something in common anymore.

She knows it wouldn't be easy. Dahil sobrang apektado pa rin siya sa tuwing nakikita ito. But today will be the best time to start. Wade will just become a memory of her past. Ipinangako niya sa sariling she will move on with her life completely ---without him.

That's what she thought, at least.

Dahil hindi man sa tabi niya umupo si Wade ay pumuwesto naman ito sa mismong upuan sa likuran niya. Kaya tuloy kahit hindi siya lumilingon, pakiramdam niya ay lagi itong nakatingin sa kaniya.

'Wag kang asumera.' she scolded herself.

For the rest of the period, she just tried to hyperconcentrate para hindi niya maisip na nasa likod niya lamang ito.

Bigla niyang naalala ang jacket ni Wade. Nakalimutan niya palang dalhin iyon samantalang pinaalala pa sa kaniya ni Jen ito earlier habang nasa dorm sila.

'Shit. Now there is a reason to talk. Baka isipin pa niyang nananadya ako. Bad trip.' naisip niya.

After class, ay nauna itong lumabas. Hahabulin niya sana ito para sabihin na sa susunod na bukas niya na lamang isasauli ang jacket nito pero hindi na niya ito inabutan. He was on his phone and was almost running when he went out. Mukhang he was into something urgent. Nagpasya siyang itext na lang si Tilly later at padaanan na lang iyon sa cafe bukas pagtapos ng klase nito.

Break niya, so she decided to go to the school pantry. She remembered na hindi pa pala siya kumakain ng almusal.

Paglabas niya ng pinto ay nakita niyang nag-aabang sa tabi ng pintuan si Andrei.

Pareho sila ng free period tuwing Lunes. After ng first subject ay may isang oras din itong break bago ang susunod na klase. Niyaya siya nitong kumain.

Veron agreed and they both headed to the pantry. Naabutan nila doon si Jillian at Gibo na nag-uusap at kumakain ng tapsilog.

"Veronipot, andiyan ka pala repah!" sabi ni Jillian at nakipag-fist bump pa sa kaniya. Gayundin naman ang ginawa ni Gibo.

Ibinaba nilang pareho ni Andrei ang mga bag nila at umupo din kasama ng mga ito.

"Veron, ano'ng gusto mong kainin?" tanong ni Andrei sa kaniya.

"Tapsi na lang din sa'kin. Natakam ako sa kinakain nitong dalawang to eh." sagot niya habang kumukuha siya ng pambayad sa wallet niya.

Pero pinigilan siya ni Andrei.

"Ako na'ng bahala." sabi nito sa kaniya.

"'Wag na, Drei. Nakakahiya naman." tugon naman niya.

"I insist." at ngumiti pa ito sa kaniya bago bumili ng pagkain.

Nagkatinginan ang Gibo at Jillian. At saka sabay na naghiyawan at nag-apir pa.

"Aba, aba, mukhang nakaka- base 1 na ang manok natin, pre!" ani Jillian habang kumikindat-kindat pa kay Veronica.

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon