Prologue
Monday nanaman, ito na siguro ang pinaka ayoko na araw. Simula nanaman ng isang linggong pag pasok sa school pero hindi lang iyon ang dahilan. Dahil Coding ang sasakyan ko tapos loaded pa ako sa school pag monday. 10:30-7:30 ang klase ko tapos wala pa akong service.
I’m Lawrence Villamarced, My friends used to call me Rence. 3rd year college, taking up Business Management. Walang choice eh, I’ll take over yung mga business ng magulang ko. They are into Petroleum, family naming ang nagdidistribute ng mga petroleum products sa mga malalaking Gasoline Company.
For now, wala pa ung bago kotse ko kaya commute nalang muna. Nakakainis lang kasi hassle ang magcomute ng ganong oras eh. Mahirap maghanap ng taxi kaya bus ang sunod na option ko. At kung mamalasin ka pa, kung kelan ka baba ng Bus eh saka umulan ng malakas.
Nag madali akong bumaba ng bus dahil malalate na din ako. Agad kong binuksan ang payong ko at tumakbo na papasok. Bahala na mabasa, matutuyo din naman yan.
"Aray. Ano ba?" Sa pag mamadali ko may nabangga ako. Paano ba naman kasi ang bagal bagal mag lakad hindi pa marunong tumabi.
"Sorry" Hingi ko ng tawad dito at nagmadali ulit maglakad. Nakakailang hakbang palang ako narinig kong sumigaw ito.. "Hoy Mister, Napaka gentleman mo. Salamat ha" Napalingon ako dito. Nakakahiya din kasi gumagawa pa ng eksena.
Nilapitan ko siya para tulungan. "Sorry, Nagmamadali lang talaga ako." Pinulot ko ung ibang dala niya.
"Lahat tayo nag mamadali. Sa tingin mo may magagawa pa yang sorry mo? Tingnan mo ito, nasira ang plate ko. Alam mo bang pinagpuyatan ko ito" Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan, eskandalosa kasi itong babaeng ito.
Kung mamalasin ka nga naman. Late ka na naeskandalo ka pa. Hindi ko naman kasalanan na tatanga tanga siya d b? After ko magpulot tinalikuran ko na din siya, late na talaga ako eh.
"Hep hep. Saan ka pupunta?" Pigil nito sa akin nung nakita niya paalis na ako. "I still have class to attend" kaswal ko sagot dito. Medyo naiinis na din ako eh at ngayon para na talaga akong basang sisiw dito.
"At ganon nalang iyon?" Ano pa ba naman ang magagawa ko sa plate niya. Nabasa na un kahit mamaga pa lalamunan niya kakasigaw hindi na mamaayos iyon.
Kinuha ko ang wallet ko at kumuha 1k. "Here miss, bayaran ko nalang. Nagmamadali talaga ko at wala na tayong magagawa dyan. Kung kulang tawagan mo lang ako" Binigay ko sa kanya ung pera at calling card. Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis na ako.
As expected late na ako. Hindi na ako nakapagtake ng short quiz. Ano bang meron sa lunes na ito at lahat ng kamalasan eh nakuha ko na ata. "Anong nangyari sayo? Nagpayong ka pa, basang basa ka din naman" pansin sa akin nung kaibigan kong si Sean.
"Ang dami kasi tatanga tanga sa mundo eh." sa sobrang inis ko un nalang nasabi ko, ayoko na maalala pa ung nangyari. Hindi na din siya nagtanong, alam niyang badtrip ako eh.
Dahil medyo maulan ngayon maaga din kaming pinauwi, buti nalang kahit papano my maganda pa din nangyari. "Brad wag ka na mabadtrip dyan. Sumabay ka nalang sa akin alam kong ayaw mo nagcocommute" Alok sa akin ni Sean. Buti nalang may mabuti ka kaibigan at kahit papano eh nababawasan pag kabadtrip ko.
Hindi na ako nagpapilit pa. Sumakay na ako sa sasakyan niya. On the way naman sa kanila ang condo ko eh kaya ok lang din dito. Magshshare nalang ako sa gas niya. "Nagmamadali ka ba?" Tanong nito sa akin. "Nope, 7:30 pa naman dapat talaga uwian natin eh" dahil hindi ako magcocommute ok lang sa akin kahit late pa umuwi.
"Good. Sasabay ung Bestfriend ko eh" Sabi nito at ngumiti pa. Kalalaking tao parang kinikilig pa, alam ko naman na my gusto siya sa bestfriend niya eh. Madalas niyang kinikwento yun pero hindi ko pa siya nakikita ibang department un eh. Natulog muna ako habang naghihintay.
"Ui. Sunduin ko lang sa building nila. Ikaw muna bahala dito" Ginising pa ako, para naman mawawala kotse niya. Tumanggo lang ako at tiningnan oras sa phone ko. Almost 7:30 na din pala, walang sense ang early dismissal.
Maya maya narinig ko ng nag bukas ang pinto. Napatingin ako dito, "What are you doing here?" Tanong nito. Hay kala ko ok na pero andito nanaman ang eskandalosang ito. Hindi na ako nagulat nung nakita ko siya dito, I figure out na siya ung bestfriend na tinutukoy nun.
"Magkakilala kayo?" Pagtataka pa ni Sean. "Siya ung sinasabi ko sayo nung naglalakad tayo" Sagot nung babaeng yun. "Wag mo sabihin siya din ung sinabi mo kanina pag dating mo?" tanong naman niya sa akin. Buong sigla akong tumanggo. Para alam niyang tatanga tanga itong babaeng gusto niya.
Natawa nalang ito. "Yan bestfriend hindi mo na siya kelangan hanapin, andyan na siya sa harap mo si Rence" Biro pa nito. "Bwsit! Hoy ikaw lalake, pag ako bumagsak dun sa subject ko humanda ka sa akin"
Ayoko sa lahat ng maingay kung mamalasin ka nga naman sana nag bus nalang ako o taxi baka nasa bahay na ako by now at tahimik pa buhay ko.
"Don't worry I'll pay for the whole course" Pagsusungit ko dito. Nakakairita na din kasi eh. Nangyari na, hindi pa makaget over.
"Napaka arrogante mo, mayabang at walang kagentle gentleman sa katawan!"