Chapter 6
"Ano nanaman?" nabigla ako nung biglang bumukas ung kabilang pinto.Kapal tagal ng mukha at pumasok pa sa sasakyan ko. Minsan talaga hindi ko maiwasang magsungit eh, nakakairita kasi yung bigla bigla nalang my sumusulpot sa loob ng sasakyan ko.
"Well, pinauwi ni Sean ung driver ko kasi akala niya mahahatid niya ako. So, to make it short you will bring me home boyfie" sabay lock pa ng seatbelt.
"Pwede ba? I'm not your boyfriend, stop pestering me. Layo layo ng bahay mo. Magtaxi ka nalang" I press the lock of the seatbelt para maunlock ito.
"Kakasabi mo lang malayo bahay ko, mahal un pag nagtaxi at delikado pa" sabay lock ulit ng seat belt niya. Just give some patience, baka my magawa akong masama dito kahit babae pa ito.
Saka pakialam ko ba kung marape siya o makidnap, mas ok pa nga ng matahimik na buhay ko eh. She never fail na asarin ako at sirain araw ko. She's really a nightmare.
"The hell I care? Magkano ba taxi hanggang sa inyo ako na magbabayad." Kinuha ko ung wallet ko to giver her cash pang taxi. Baka sa kamalasan nito madamay pa ako at maaksidente kami eh.
"You're to arrogant." Naoffend ata kaya biglang tinanggal ung seatbelt niya.
"D.amn! Hanggang Finance Road lang ako. Dun ka na sumakay ng mas malapit sayo" Pinaandar ko na sasakyan ko bago pa niya mabuksan ung pinto. Nakita ko sa peripheral vision ko ung pag ngisi niya. Bwsit lang eh. Kala ko naman totoo na, medyo naguilty ako pero acting lang pala.
"Pwede magtanong? If you don't mind" Basag nito ng katahimikan sa sasakyan. Pag ganitong badtrip ako ayoko ng makulit, bakit pa kasi ako pumayag isabay ito.
"Ano nanaman ba? Alam mo dami mong alam na paraan para inisin ako noh?" Sagot ko dito. Nakakaasar lang talaga siya. Kumukulo talaga ang dugo ko dito sa babaeng ito eh.
"Bakit ka tinulungan ni Troy? Close kayo?" yan pa talaga nakuha niyang itanong. Hindi man lang tanong kung nasaktan ba ako o kung ok lang ba ako. Sabagay mukhang nastunned ito kayTroy eh.
"Stupid question! Malamang sinuntok ako ng manliligaw mo. Ano gusto mo gawin nung tao? Suntukin din ako?" Pabalang kong sagot dito. Nakita ko naman medyo umismid siya.
"Natatanong ng maayos eh. Hindi naman yun mangingialam kung hindi kayo close, as far as I know hindi naman siya mahiig makigulo o makisali sa mga away eh. " Ano ba ito? Avid fan ba ito ni Troy? Napailing nalang ako sa mga pinag sasasabi nito.
"Dami mong alam. Isa ka ba sa Fans nun? Nakaklase ko siya noon sa ilang minors ko and nirerecruit niya ako sa team before" I lied to her. Mahirap na, sikat un eh. Ayoko madikit pangalan
"Sabagay mukha nga kayong close." Sabi nito habang nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Bakit ba masyado kang interesado kay Troy ha? Crush mo yun noh? Kaya nung kaharap natin siya para kang maamong pusa dyan" Napabaliktad naman ito ng upo.
"Ang chismoso mo. Malamang sikat kaya yun. Hindi normal yung nangialam siya sa ganong gulo kahit kilala ka niya." Sabay irap ulit sa akin. Ibang klase talaga ito, natawa nalang ako sa inasal niya. Malamang pikon nanaman ito sa akin.
Hindi ko na lang ito kinibo ayoko din naman kasing kausap siya ngayon eh, badtrip pa din ako sa ginawa niya kanina. Malamang laman kami ng chismisan sa school lalo na't umeksena pa si Troy.
"Shit!" Bulong niya habang panay pindot ng phone niya. Ano kaya problema ng isang ito, nakakunot pa ang noo habang nakatuon sa cellphone niya.
"Problema mo?" Tanong ko dito, dahil mukhang problemado talaga eh. Feeling ko kasi about sa nangyari kanina kaya naglakas loob na ako magtanong.
"Madami kasing tulad mo eh, chismoso't chismosa" Tugon nito.
Hindi na ako nagtanong dahil hindi ko din gusto mga sinasagot niya. Concern lang ako naging chismoso pa. Sarap sakalin ng isang ito, pasalamat siya eh babae siya.
Bigla naman nagring ang phone niya kaya tuluyang natapos usapan namin.
"What? Ano bang balita ang kumakalat?...
.. Shit! Can you deactivate my fb? I'll send you my account info."
Hindi naman nasasarado ang tenga para hindi madinig ang usapan ng iba. Hindi tulad ng mata na pwedeng ipikit. Ilong na pwedeng pigilan ang paghinga at bibig na pwedeng itikom. Kaya hind maiiwasan na marinig ko ang sinasabi nito.
"Is that about ung mga nangyari kanina?" Tanong ko dito pagkatapos niyang ibaba yung phone niya.
"Unfortunately.." Sagot nito na may kasamang malalim na buntong hininga.
"Its your fault by the way. Ano ba kasi ang nangyayari? Baka my magawa pa ako."
Kwenento niya na kami daw laman ng chismis sa campus ngayon at madami daw siyang basher, na nagpopost sa wall niya at pati daw wall namin ni Sean eh nagiging maingay na din. Ibang klase talaga, lalo daw kasing naging usap usapan kasi nakasama sa eksena si Troy at my video pang kumakalat.
"Let me handle this."
Aileen's Pov
"Let me handle this" Ang cool ng pagkakasabi niya. Ewan ko ba I feel that solve na ang lahat sa simpleng sinabi niyang iyon.
Itinigil niya sa tapat ng isang milk tea house ang sasakyan niya. Pero imbes na bumama eh nilabas niya yung phone niya at my tinawagan. Nakatingin naman sa sasakyan namin yung nagbabantay dun sa shop, siguro papaalisin kami dahil for costumer parking lang ito.
"Hello Bro.... Can you settle the issue sa social media?" Masyadong commanding ang tono niya at parang napaka dali naman gawin ng gusto niya.
Kumatok naman sa binata namin yung isang empleyado sa shop. Baba na sana ako, para bumili pero agad niyang hinawakan ang braso ko at binaba ang bintana.
"What?" Siya pa ang my ganang magsungit, malamang papaalisin siya dito dahil hindi naman siya bibili.
"Sorry sir" Napakamot nalang sa ulo yung kumatok at bumalik na sa shop. Siguro natakot dito kay Rence, kung makapagsungit eh feeling mo siya pa ang naargabyado.
Binalik niya ulit sa tenga niya yung phone. "Yah just block out that issue, I don't want to dragged my name on that on. Saka patahimikin mo na din pati yung dun sa dalawa."
Possible ba yung gusto niya mangyari? I think nagyayabang lang ito at wala din naman magagawa. Bahala nga siya, kung my magagawa d maganda kung wala, eh ganon talaga eh.
After matapos ng call ay pinaharurot nanaman niya sasakyan niya. Hindi na din naman kami nag usap, wala naman din siyang sinasabing maayos eh, lagi lang pagsusungit ang napapala ko sa kanya.
"Ihahatid na kita sa inyo." tumanggo lang naman ako bilang sagot. Para talagang napa commanding niya magsalita paminsan minsan eh.
Nalimutan ko pang isend kay Aira yung email at password ko. Kaya agad ko itong sinend sa kanya.
Aira Lopez: I think hindi na kelangan yan. Biglang nawala mga post sa wall mo eh. I don't know what happened pero wala ng bashers.
Pagkabasa ko ng reply niya eh napatingin nalang ako say Rence na seryoso sa pag ddrive niya. Paano niya kaya yun nagawa? Possible ba talaga yun? Paniniwala ko kasi sa social media, hindi mo pwedeng controllin mga tao. Freedom of rights nga daw kaya kahit presidente ng bansa walang magawa pag my mga naninira.
"Hey wala kang balak bumama?" natauhan lang ako nung bigla siyang magsalita.
Wala sa sarili akong bumaba at gulong gulo sa nangyari. I can say its been a long day for us.