Chapter 20
Rence's Pov
"Bakit ba kelangan pa bumili ng bago? Madami pa ako sa closet kong hindi nagagamit ah" Humarap ako kay Gwen para makausap siya ng maayos, kanina pa kami nag tatalo dahil kinukulit niya akong pumunta sa mall para bumili ng damit na gagamit ko daw sa saturday.
"Pumayag kang ireinvent kita d b? Aminin mo, madaming pumuri sayo kanina" Pag mamayabang pa niya, pero tama naman siya eh. Madami ngang pumiri at nanibago sa akin kahit simula pang daw yun ng make over niya sa akin.
"Fine, lika na nga" Dumeretso na kami sa sasakyan at pumunta na sa mall.
Kaya ayoko din kasama ang isang ito eh, pinagtitinginan kami sa mall at hindi ako kumportable sa nangyayari. Kaya nauna akong maglakad sa kanya para makaiwas kahit papano, pero bigla ako nitong hinila at nag tago sa isang poste.
"What the hell Gwen? Ano bang problema mo?" Masungit kong tanong dito, siguro nagtatago ito sa mga manliligaw niya. Imbes na mag salita tinuro niya sa akin yung isang store at nanlaki ang mata ko nung nakita ko yung tinuturo niya.
"Planado mo ba ito?" I suspectedly ask her.
She frowned at me before she answered "Stupid! If I planned it bakit tayo nag tatago ngayon?" Napatango nalang ako, sabagay my point naman siya.
"Ibig ko lang sabihin, tingnan mo nga siya pinag hahandaan niya yung date niyo tapos ikaw magttreasure hunting lang sa closet mo?" Tumango tango nalang ako, ayoko na siyang patulan tutal nandito na din kami sa mall eh.
Nung nakalabas na sila sa mall saka lang kami lumabas sa pinag tataguan namin at pumunta na kung saang store ako dalhin nito. Buti naman my couch dito sa pinuntahan namin kaya I stay there habang siya nag iikot ikot, hindi na din siya nag reklamo kasi magtatalo lang kami.
"Here" She handed me a black leather jacket, I confusely look at it then tiningnan ko ulit siya. "Gagawin mo ba akong action star?"
Nakita kong natawa nalang din yung sales lady na nag aasist sa kanya at dala pa ang ilang mga damit. "You will use your bike on that date kaya yan ang susuotin mo"
"W-what?" she just smirked with my reaction. Kahit kelan talaga, alam niya kung paano ako bwusitin. Wala pa akong nasasakay dun kahit sila ni Hanna at kahit sila Troy, Lance at Patrick hindi pa nagagamit yun ganun ko kamahal yun.
"Ok, dalawa lang choice mo. Your baby or your Audi? Hindi pwede yung SUV mo, hindi bagay sa date noh saka naka camarro si Henry, atleast my pang laban ka man lang." Hindi na niya ako hinintay mag sagot at tinapunan ulit ako ng copper brown na leather jacket.
"Tingnan mo kung anong babagay sayo" She just crossed her arms to each other at hinintay akong isukat yun. Wala na akong nagawa dahil parang lahat ng sales lady dun naka abang sa gagawin ko, yan ang mahirap sa mga boutique eh walang masyadong tao kaya nasayo lahat ng attention.
Una kong nasuot yung Copper Brown, pag tingin ko sa reaction nila parang hindi nila gusto. "Try the black one" Agad na utos ni Gwen, sumunod naman ulit ako.
I actually don't like this idea, baka magmukha akong action star o mapakamalan pa akong yung isang sikat na teen actor na ganito pumorma or worst mapakamalan akong fans niya. Hell, no!
"I like that one. Hmm miss..." Bumaling ito sa sales lady. "Give him the next smaller size" Sumunod naman ito sa kanay at hinubad ko na yun jacket. Actually ok lang naman kasi hindi siya mainit gaya ng inaasahan ko.