Chapter 15
Hinayaan ko nalang ung kaibigan niya.Halos paalis na din ako ng biglang nagring ang phone ko. Sus si Aileen nanaman. Ano kayang problema ng isang ito, agad ko din sinagot.
"Oh bakit?"
"I told you, It's not how you answer calls" Sigaw nito sa kabilang linya.
"Fine. Ano bang problema mo nanaman?"
"Nagkita pala kayo ni Aira, I think we need to talk about sa deal natin." mukhang seryoso na ito ah.
"What? Don't tell me aatras ka?"
"No, not that. We must polished it. I mean lagyan natin ng mga limitations at obligations. You know? Masyadong broad ung just pretent"
"I agree. Lets talk about it tomorrow? Ok lang ba? Saka ung dinner with my friend pag uusapan na din natin"
"Ok, that would be fine. And next time wag mo sungitan kaibigan ko!" Kala ko pa naman ok na siya, ngayon sumisigaw nanaman.
"Oo na. See tomorrow baby"
Sabay putol na ng line, bahala siya mapraning kakaisip. Hindi ko din alam kung bakit yun lumabas sa bibig ko eh. Bahala na.
Bigla naman naboost ang mood ko, pasipol sipol pa akong pumasok sa school. Pumunta na ako sa room ko, buti hindi ko kaklase si Sean ngayon, now I have a break.
"Pare totoo ba ung issue sayo last day? Balita si Gomez daw yun. Totoo ba?" Tanong nung kaklase ko. Chismoso talaga itong lalake ito, huli nga lang sa balita.
"Hindi ba kayo makamove on sa mga chismis tungkol sa akin? Wala yun kay Gomez, chismis lang yun. I don't know her by the way" Mariin kong tanggi dito. Ngumiti naman ito, siguro type niyo un eh.
Nagpatuloy pa siya sa pag sasalita. Ang daldal talaga nito kahit kelan, pero hindi na ako sumagot. Nagkibit balikat lang ako at sakto din naman na dumating yung prof namin. Buti nalang, para umalis na din ung chismosong yun.
Hindi ko talaga mapigilan hindi maka idlip man lang sa management class na ito.
"Ui Rence mahuli ka ni Sir, papahiya ka nyan" bulong sa akin ng katabi ko, buti nalang my mga katabi kang concern sayo.
Pinilit ko ng hindi matulog hanggang sa matapos. Nasa likod naman ako kaya hindi masyadong kita ginagawa ko.
Nilabas ko nalang ang phone ko, and guess what? Sabog nanaman inbox ko. Bakit ba biglang kumalat number ko.
Halos iilan lang talaga galing sa kakilala ko. Isa na dun ung kay Aileen.
Aileen Tenggco: Nakikipagkita si Sean mamaya daw pag uwian ko. Can you join me?
That is the same time nung nangyari ang lahat last week, break time ko uwian niya.
Pumayag naman ako. Mahirap na, nawalan na ako ng tiwala sa Sean na yun.
Me: Ok, Saan ba?
Saglit lang naman siguro yun.
Buti malapit lang naman, sa loob lang ng campus. Isa sa tambayan ng mga inactive orgs.
Bakit ba parang ang bagal bagal ng oras sa klaseng ito, sumasabay sa bagal mas salita ng prof ko.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo, hindi bibilis oras sa ginagawa mo." Pansin ulit ng katabi ko, umiling nalang ako buti hindi na nangulit.
Pag katapos ng klase na un nag madali na akong pumunta dun, malamang late na ako nag extend ung prof ko eh.
Pagkadating ko dun nakita ko na silang dalawang magkasama. Hindi ko pa madinig pinaguusapan nila dahil masyado pa akong malayo.
"Oh Sh*t" yun nalang nasabi ko at nag madaling tumakbo papalapit sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit ko un ginawa pero dahil na din sa pagkabigla, sinuntok ko si Sean.
"What are you doing to her?!" Sigaw ko dito, nakatumba na siya at hindi pa tumatayo.
Gusto ko pa sana siyang suntukin pero hinawakan ni Aileen ung kamay ko. Sobrang inis ko nung nakita ko siya pilit hinalikan si Aileen eh.
"What? Ok lang sayo ginawa niya?" Pati siya nasigawan ko na sa galit ko.
Hindi ito sumagot, halatang shocked pa sa mga nangyari. Hindi din makagalaw at medyo teary eye na din.
Imbes na tuluyang magalit, I pulled her into hugged. Ewan ko kung bakit ko nanaman ito ginawa pero yun naging reaction ng katawan ko nung nakita ko ang mukha niyang mangiyak ngiyak.
Habang yakap ko siya, I felt that she hugged me back at biglang humagulgol ng iyak.
Ngayon ko lang siya nakitang ganon, usually pinapakita niyang malakas siya at madalas nagtataray.
Habang nakikita ko siyang umiiyak parang nasasaktan at nagagalit ako at the same time. D'amn bakit ko ba nararamdaman ito?
Siguro dahil na din sa inis ko kay Sean this past days at hindi ako sanay na my nakikitang umiiyak na babae. Oo tama yun nga lang ang dahilan.
"Its ok, andito na ako" Pagpakalma ko dito sabay haplos ng likod niya. Patuloy pa din ang pag iyak nito pero hindi na tulad kanina.
"Lumayo ka na dito Sean, Baka kung ano pang magawa ko sayo." Kalmado na pagkakasabi ko pero I'm Goddamn serious with it.
Dahil siguro sa patuloy na pag iyak ni Aileen na alam niyang kasalanan niya eh hindi na siya nagdalawang isip umalis.
Pinaupo ko naman muna ang isang ito, halos hindi pa makausap ng matino pero tumingil naman na siya umiyak.
Kinuha ko ung tumbler sa bag ko at inabot sa kanya. "Oh uminom ka, wag ka na mag inarte ha"
Alam ko naman hindi lahat ng tao papayag makishare ng inuman pero sa lagay na ito wala siyang choice. Wala sa sarili itong uminom at medyo kumalma kalma din.
"Thanks" at binalik ung tumbler ko. Pinilit pa ngumito para ipakitang ok siya kahit halata naman na fake ito.
"Saan? sa tubig?" biro ko dito. I have to break the tension kahit papano.
"Sa pagpunta" simple sagot nito. Ngayon ko lang talaga siya nakitang ganito. I always see her as a brave woman eh ung kahit ako nagagawa niyang kalabanin at walang kinakatakutan.
"Bakit ba ganyan nalang iyak mo?" Tanong ko dito, parang kiss lang naman kung tutuusin eh kung umiyak parang narape pero hindi ko na sinabi, hindi naman ako ganon kasama.
"He threatens me, I know he's on to frat or gang whatsoever" Pagsimula nito ng kwento, humarap ito sa akin.
Pero I looked away, ewan ko para bigla akong nailang sa kanya. "Wag ka matakot dun, as long as I'm here magagawa sayo un"
Gusto ko lang mawala takot niya at alam ko kaya ko naman siyang protektahan eh. Alam ko na my mga nakaenroll dito sa school na body guard para sa amin at nasa tabi tabi lang sila.
"What about the kiss?" Kaswal kong tanong dito. Napatingin naman ito ng diretso sa akin at pinandilatan ako ng mata.
"Wag mo na paalala, I now realized na mali ako ng kinaibigan. I treated him as my guy bestfriend but he didn't show me some respect at all" Parang bilang nairita at mukhang bumabalik nanaman siya sa dati.Hindi na ako umimik at naging tahimik ang paligid.
Nakatingin lang ako sa malayo at maging siya ay ganon din ng bigla itong nagsalita. "Sweet ka din pala, hindi ko inakalang my tinatago ka palang kabaitan" Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya, parang insulto un ah pero napangiti ako kahit ganon.
"Hindi ko din inakalang papatalo ka dun, kala ko amazona ka eh, you still have a soft side pa din naman pala" Ganti ko naman dito, I see her eyes rolled. Natawa nalang ako sa ginawa niya.
"Mas ok ka ng ganyan, kesa ung lagi kang nagsusungit. Don't be too grumpy" And she gives me a sweet smile.
"Ikaw din mas ok ka ng ganyan, kesa lagi kang makulit at nagtataray" ganti ko ulit dito.Totoo naman eh, kung ganyan siya katahimik at kaseryoso baka magkasundo pa kami.
"Tuloy tayo bukas ha, thanks ulit sa lahat" Paalam nito sa akin at tumayo na din siya.
"Hatid na kita" tumayo na din ako.
"Wala ka na bang klase?" Pagtataka nito, hindi ko naman sinabing sa bahay nila ah. Labo niya.
"Meron, I mean hanggang sa sasakyan mo. Baka masisante na driver mo niya pag lagi kitang ihahatid sa inyo" Biro ko dito, pero padinig na din na madalas na niya akong ginagawang driver.
"Hmp, wala kang magagawa kasama sa kasunduan yun noh" irap nito sa akin.
"What? Wala pa kaya tayong kasunduan" bukas palang naman namin paguusapan ng maayos un ah.
"Yan ang una sa kasunduan natin" ngumiti ito at tumakbo na papunta sa sasakyan nila. Kumindat pa ito ba tuluyang umalis.
Hinatid ko nalang siya ng tingin, natanaw ko na din kasi yung sundo niya, hinintay ko nalang siya makapasok bago ako pumunta sa next room ko, malapit na din kasi mag time eh.Bago pa ako tuluyang pumasok icheck my phone. Wala namang text pero nung itatago ko na sana ito bigla naman my nag pop up na message.
Aileen Tenggco: Thanks again for saving me. Don't forget our date baby.
Gumaganti pa ata ang isang yun sa pang aasar ko sa kanya. "Hoy! Anong nginingiti ngiti mo dyan?!" Bati sa akin nung nakasalubong kong kaibigan.
Sasagot na sana ako nung bigla itong tumawa, nakahawak pa ito sa tyan niya dahil todo ang tawa nito na hindi ko alam ang dahilan.
"Inlove ka nga talaga. Hahaha congrats Rence... Pare!! Wala na, akin na mga pusta niyo." Sigaw pa nito sa mga kasama niyang paparating. Lintik na mga ito, pinagpustahan pa ata ako.