Chapter 17

26 1 0
                                    

Chapter 17

Nagising ako ng tulog ang bantay ko, sa sofa pala siya natulog. Bakit naman kasi ang liit na room na kinuha niya pwede naman sanang yung my extra bed para sa mga bantay eh.

Kinuha ko ang phone ko sa my side table at kinunan ko pa siya ng picture, paano naka nganga pa habang natutulog. Pigil na pigil pa ang tawa ko habang pinipicturan ko siya eh.

As I checked my inbox madaming ng text from my friends at pati mga body guards namin ay hinahanap na ako, malamang nalaman nilang hindi ako umuwi at wala pang paalam sa kahit kanino.

I send a group message to them kasama na ang mga body guards na naghahanap sa akin.

Me: I'm at the hospital right now. Mamaya na kayo pumunta, my bantay pa ako.

Nilagay ko na din ito sa ilalim ng unan ko dahil baka makita pa ni Aileen yung lock screen preview pag nagtext sila habang tulog ako. 

Matutulog na ulit sana ako ng tuloy tuloy na my nagtext sa akin. Natawa nalang ako nung nalaman kong nasa labas ang mga guards at hinahanap pala nila ako. Pati mga barkada ko eh gising pa mag uumaga na. Sinabihan ko lang sila na umuwi na at puntahan ako dito ng mga tanghali.

"Aga mong magising. Saka my katext ka ng ganitong oras?" Nagising pala ang bantay ko at nung sinilip ko siya nakatingin lang ito sa akin.

"Hinahanap lang ako ng kasama ko sa bahay." Nilagay ko na ulit sa ilalim ng unan ko at tinalikuran siya para matulog.

Hindi ako makatulog kaya humarap ako ulit sa kanya, mukhang hindi din naman siya makatulog kasi ang likot likot niya sa sofa.

"Hey! Dito ka na matulog sa kama. Dyan na muna ako sa sofa" Offer ko dito, agad itong nag mulat at umupo.

"Baliw. Ikaw ang pasyente, mamaya ako pa mainjectionan pag natulog ako dyan eh"

"Mas baliw ka, wala akong sakit kaya hindi ako iinjectionan ng kahit anong gamot. Bahala ka nga."

Minsan nalang mag magandang loob, tatanggihan pa. Bahala na siya dun sa masikip na sofa. "Tumabi ka na nga lang, ang sakit na ng katawan ko kakabaluktot sa sofa eh."

Bigla akong napatabi pero mas nabigla ako nung tumabi ito sa akin at naki kumot pa. "Hey what are you doing?" At hinarap ko ito, bigla naman itong humarap kaya halos maglapit na ang mukha namin, sabay din kami nag iwasan ng tingin.

"You can take the bed for awhile. Nakakatulog ka naman atang bukas ang TV. Manunuod muna ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot nito and I'm about to step down to the bed nung bigla ito kumapit sa braso ko. "Thank you. I didn't expect this"

"Alin? Na magpapakagentleman ako at papahigain ka sa kama?"

"Isa na din yun, pero what I mean is yung nangyari sa inyo ni Sean"

Tumango lang ako at binitiwan niya din ako saka ako tuluyang tumayo. Kahit ako naman eh, hindi ko inexpect napapabugbog ako para sa babaeng yun. Kung isa isa lang silang sumugod malamang hindi ganito ang lagay ko ngayon pero swerte pa din naman at hindi ako napilay.

Siguro nung bumagsak ako dahil sa pag pukpok nila ay tinigil na din nila ang pag bugbog sa akin. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv, dahil madaling araw na I end up watching cartoon network dahil yung ibang station either spg or sobrang makaluma ang pinapalabas nila.

Habang pinagmamasdan itong nakatalikod sa akin at natutulog, napapaisip ako kung siya ba talaga yung dating nabangayan ko. Parang ang harmless kasi niya pag ganyan eh. Napapaisip din ako kung bakit ko ba ito ginagawa, kung para ipakita lang kela Henry na ok na ako pero madami pa naman iba dyang babae eh, yung hindi na ako mabubugbog pa.

Dealing with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon