Chapter 22
Aileen's Pov
Sa wakas nakarating din kami sa Rockwell, bagal kasi niya mag patakbo eh. Actually hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa bagal niya mag patakbo, alam ko naman nag iingat siya dahil sa upo ko at wala pa akong helmet pero nakakainis kasi naman nag kakadistract yung abs niya.
Ai jusko, nakakawala ng poise ito ah. Hindi ko naman kasi alam na my abs yun eh, patpatin kasi tingnan eh. Anyways, siya ang nakipagusap sa mga saleslady at napakuha ng damit para sa akin. Hindi ko na din masyado initindi mga sinabi niya.
Bumalik naman yung kausap niya na my kasamang parang boss nila dun. "Sir, this is Ms. Katherine Galvez, our resident designer po" Lumapit naman ito sa amin at my dalang parang portfolio niya.
"Lawrence Villamerced, right?" Lumapit pa ito kay Rence at ngumiti. "I don't want to be rude Ms. Galvez, but do we know each other?" Pag susungit naman ng kasama ko. Napangiti ako ng patago dun, kala niya makakaligtas siya sa kasungit ni Rence.
"No, but we already met before. Its just that we not formally introduce to each other. I'm a friend of Pat..." Hindi na pinatapos ni Rence ang sinasabi nito. "Ok, we're on a hurry so can we now see your selection"
Wala ng nagawa yung designer at pinakita nalang yung mga catalouge nila for leather jacket and some casual attire. "Hey, I want that red one. Parang si Emma Swan sa Once upon a time" I commented upon seeing the red jacket na parehas na parehas dun sa bida sa series na pinapanuod ko.
"No, we will have this white one. Also give her some brown undershirt and a pair of jeans." Wala din akong nagawa dahil nakapagdecide na pala siya. At ang magaling nilang designer kinampihan pa siya na hindi daw sa akin bagay ang red and mas maganda daw yung pinili ni 'Lawrence' naku napaka arte at nagpapansin lang naman siya kay Rence eh.
From his instruction dinalhan kami ng iba't ibang design nila, thanks na din kay Katherine dahil siya na din ang namili ng mga susuotin ko but with Rence' approval pa din naman.
"Now, you're a prefect match. Kanina para kayong galing sa mga kabilang lupalop eh." Kumento pa ni Katherine, mabait naman siya eh at nawala din yung inis ko nung nakita ko magaling siya.
"Can we have some photos of you guys?" Paalam nito sa amin, agad naman umiling itong kasama ko. "Topman may sue you if you'll use our picture"
Natawa nalang si Katherine dito at napailing. "Hindi naman namin ilalagay sa ads and even sa brochures eh. You might also sue me eh. It's just that you look good together."
Ano bang sinasabi nitong isang ito, nahihiya na talaga ako pero itong si Rence parang wala lang sakanya eh. Umakbay pa bigla bigla. "Of course. Sige, you make take a photo na. Wag mo lang gagamitin sa ads ha" Tumango ito at nilabas ang phone niya. Anong nangyari nung nagfifit ako? Parang bigla silang naging ok eh
After some shot nag tataka ako kung bakit nakaakbay pa din ito sa akin. Kaya tumingala ako para tingnan siya. Tumingin din ito sa akin at ngumiti. Anong problema ng isang ito, kinikilabutan ako sa ginagawa niya.
"Oww.. sobrang cute niyo" napatingin ulit kami kay katherine, na tinitingnan sa phone niya yung picture at hinarap pa sa amin.
Oh crap! Nakunan niya yung tinginan namin, at ewan parang my something talaga sa picture.
"Here" Inabot nito ang phone niya kay Katherine. "Take some photos of us" Saka ako nito hinila sa harap niya at hinawakan ang balikat ko sabay patong ng baba niya sa ulo ko.