Chapter 14

30 2 0
                                    

Chapter 14

Hinatid ko lang siya sa kanila at medyo late na ako nakauwi dahil na din sa layo ng bahay nila, agad din akong nakatulog pag dating ko sa condo.

"Hhmmm"

"Hmm ka dyan! Gising na alas dose na kaya" sabay hampas ng unan sa akin nitong abala sa tulog na ito.

"Ano ba Lance? Anong problema mo at nanggugulo ka dito?" Bumangon na ako at hinarap ang nakangising si Lance.

"Maligo ka na, nag iinvite ang barkada ng lunch. Hahaha gigisahin ka ata" biro nito.

Ano nanaman kaya ang problema nila? Pumunta na din ako sa bathroom at naligo. Narinig ko pa ang nagdadaldal na si Lance habang naliligo ako.

"Maganda siya, huh?"

"Cool nga niya eh, masaya kausap."

Madami pa siyang sinasabi pero hindi ko naman sinasagot. Mabilis lang naman ako naligo kaya naka alis din kami agad.

"Hindi ako pumasok sa next class ko para makasama sa lunch na ito, kaya it's better be good"

Hindi ko na siya pinansin, sila naman nag set nito eh. Ang daldal talaga nun kahit kelan.

Pumasok na kami sa sari sariling sasakyan namin. "Dude sa Crisostomo's tayo." Sigaw nito bago tuluyang umalis.

Pag dating namin dun, halos kumpleto barkada. Wala pa si Hanna pero hula ko late lang un.

"Anong meron at my palunch lunch pa kayong nalalaman?" Bati ko sa mga itong kung makatingin sa amin ni Lance eh wagas.

"Umupo muna kayo. Nag order na kami ha, if you want something mag order nalang kayo" Sambit ni Patrick. At tumuloy na din kami ni Lance at umupo sa bakanteng upuan.

"Did you order some seafoods?" Yun lang, ok na sa akin eh. Tumango naman si Gwen. Siya madalas nag oorder para sa amin eh.

"Yah, we have gambas, calamares and sizzling sea feast" Pag isa isa pa niya. Tumango nalang ako. Ok na un sa akin eh.

Pinagtinginan naman ako ng mga ito, lintek siguro totoo sinabi ni Lance na ako iho-hotseat ng mga ito. Effort mga ito, nag prepare pa ng lunch.

"Bro, what is this all about?" Sabay pakita ni Troy sa phone niya na my picture namin ni Aileen. Ung last shot pa ung naka ambang magkikiss siya with my epic face.

"Wala lang yan, mga loko kayo! Nag set-up kayo ng lunch to ask about her?" at pinagtawanan ko pa talaga sila. Tiningnan naman nila ako lahat at hindi man lang nakitawa.

"Weh? My pakiss-kiss pa kayong nalalaman tapos wala lang?" Pangbabara nanaman ni Lance.

"Remember my deal tayo. Ano, talo ka na ba?" Pang aasar pa ni Gwen.

Mahihirapan akong lusutan itong mga ito. Kung mautak ako, mas mautak itong mga ito at alam na alam nila kung anong takbo ng utak ko.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga tanong nila. Sasabihin ko nalang ang totoo dahil hindi naman din ako makakalusot sa mga ito.

"Listen first, I don't want any interruptions. Wala lang talaga yan, we negotiate about that matter. Kelangan niya ng magppretend na boyfriend niya at kelangan ko din ng magppretend na girlfriend ko. Yun lang yun. And that picture is scripted"

Kahit sinabi ko na totoo parang ayaw pa din maniwala ng mga ito. Iba pa din mga tingin sa akin ng mga loko.

"Seryoso? Bakit ka naman makikipag kasundo dun at my mga pictures pa?" Tanong ni Troy kahit siya nag sabi na kausapin ko ung tao tapos ngayon magtatanong siya na parang walang alam.

Dealing with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon