Chapter 19
Aileen's Pov
Halos tatlong araw lang yung lalakeng yun sa hospital kaya hindi ko na din siya na balikan, gulo rin kasi kausap ng isang yun eh. Kumusta na kaya ang isang yun, hindi man lang nakuhang magtext kung nakauwi na siya kung hindi lang ako tumawag sa hospital para icheck siya hindi ko pa malalaman.
"Hey, lutang ka nanaman!" Bati sa akin ni Aira, nandito na pala siya sa tabi ko hindi ko man lang napansin. "Hindi, masakit lang ulo ko." Palusot ko dito.
Alam kong hindi naman ito naniwala sa sinabi ko at tiningnan ako ng masama. "Ilang araw ka ng ganyan ah. Saka..." Saka ako muling sinuri nito. "My iba ata sayo... Wala kang make up?" Bahagya pa nitong pinahid ang mukha ko para makasigurado.
"Stop interrogating me Aira." Pag susungit ko dito.
"Ok lang naman aminin mo kung nag aalala ka sa boyfriend mo, bakit kasi hindi mo puntahan?" Napatingin ako dito, paano naman kaya nalaman ng isang ito ang nangyari dun.
"Oo alam ko, nasa disciplinary office ako diba?" Inunahan na niya ako bago pa ako mag tanong, wala naman kasi kumalat about dun sa issue na yun eh.
"Nag reklamo si Rence?" tanong ko dito.
Umiling naman ito. "Nope, Sean did. Pero ewan ko ba, parang my connection yang boyfriend mo dahil madaling nasettle ang case eh. Nilabas ang mga kuha ng cctv at nakitang si Sean at mga outsider na kasama niya ang nag simula. Yun nabaliktad tuloy, si Sean pa ang nadiin."
Kahit talaga kelan basta chismis si Aira lang ang tanungin mo, mabilis pa sa kidlat makakakuha na siya ng information. Pero sa akin lang naman yan madaldal, hindi siya nag kakalat kung kanikanino.
"Napanuod mo yung cctv? Ano bang nangyari, hindi kasi nag kkwento si Rence eh."
Sa totoo kasi na guiguilty ako sa nangyari dun eh, alam kong kung hindi ko siya dinamay sana hindi nasira pagkakaibigan nila at hindi na umabot pa sa ganon.
Tumango naman ito. "Hindi malinaw pero kita na pinagtulungan nilang isakay sa Van si Villamerced, madami sila at nakita din naman na halos hindi ito makakilos dahil sa dami ng nakahawak sa kanya. Pero hanggang dun lang, sa labas ata nangyari ang bugbugan eh"
"So walang case against him?"
Bigla naman itong tumawa sa tanong ko, naninigurado lang naman ako dahil nakita ko yung lagay ngayon ni Sean at masasabi ko talagang mas malala ang lagay nito. "Ui concern siya. Hahaha wala, malakas ata ang kapit nun sa loob eh."
Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa kakatawa niya, sa totoo hindi na ako nag taka dun sa connections niya. Alam kong pasimple lang siya pero madami siyang kayang gawin. Sa dami kong nawithness, tulad nung pag pahupa niya nung chismis dati sa amin sa social media. Yung mga pag aayos niya ng issue at sa kasunduan pa namin, impossibleng simpleng tao lang siya.
Nagkkwentuhan kami ni Aira sa tambayan ng mapansin ko na parang my pamilyar na dumating sa parking lot, medyo tanaw kasi dito yun eh. Inabangan ko itong bumaba para makasigurado at hindi nga ako nagkamali, nakatingin din ito ng diretso sa kinakatayuan ko. Hindi ko sigurado kung sa akin ba ito nakatingin o nag kataon lang parang impossible ding makita niya agad ako eh.
"Sino ba yan?" Napatingin din si Aira sa tinitingnan ko na kung saan nakatalikod siya kanina. "Oh si Villamerced pala, parang hindi naman nabugbog ah, para ngang nag bakasyon lang."