Seulgi's"GO WONWOOOO!!! GO WONWOOOO!!" sigaw ako ng sigaw dito.
Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw pero syempre ayoko tumigil.
"MINGYU ANG GWAPO MOOO!!"
Tili ni Wendy. Si Irene naman inaantay yung group ni Taehyung. Bati na daw sila eh.
Edi sila na may forever. Mapapa-sana all ka nalang eh.
Omg ang galing ni Wonwoo magrappp!
Pagkatapos nila mag-perform bumaba na sila sa stage dahil yung grupo naman nila taehyung ang magpe-perform.
"GO JAGIIIII!!! "
Tumingin naman si Taehyung kay Irene sabay flying kiss.
Sweet nila noh?! Sana all talaga eh.
" Seulgi! Bigyan natin sila Mingyu ng tubig. Tara." Sabi ni wendy.
"May dala ka?" Tanong ko sakanya.
"Oo may dala akong dalawa dito, tara."
Hinila na ako ni wendy papunta kila Wonwoo.
Di pa nga ako nakakapag ayos eh.
"Mingyu! Eto tubig oh." Sabi ni wendy sabay abot kay mingyu.
"Thank you, Wendy." sagot naman ni mingyu sabay wink pa.
Palapit na dapat ako kay Wonwoo kaso, may nagbigay sa kanya ng tubig. Isang babaeng maganda ang nagbigay sa kanya.
Girlfriend ba niya yon??
"Uy Seulgi, iinomin mo ba yan?" Ay si Jun pala.
Inabot ko sakanya yung tubig.
"Hindi, eto oh. Mukhang napagod ka ah." Inabot ko sakanya.
"Medyo. Salamat dito ah. " sabi niya habang binubuksan yung tubig.
"Bawi ko nung binigyan mo ako ng mogu-mogu."
Lumapit na ako kay wendy na kausap si Mingyu. Ano ba meron na kanila?! Sila ba?
"Uy Wendy, tara na. Baka tapos na sila Taehyung." sabi ko sa kanya.
"Ah sige. Sige Mingyu una na kami." Paalam niya kay Mingyu.
"Sige, salamat ulit ah. Ingat ka." Sagot ni Mingyu sabay ngiti.
Naglakad na uli kami papunta kay Irene.
Hindi ako masaya ngayon. Magkatabi kasi si Wonwoo at yung babae habang tumatawa.
Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan. Saklap magmahal sa taong walang pagasa. Tch.
Buti pa sila Irene may forever, ako muntik na naging bato pa.
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter