54

21 4 0
                                    

Seulgi's

Tatlong araw na akong lutang, hindi na rin ako nagbibigay ng letter kay Wonwoo, hindi naman niya ako pinapansin eh.

Hanggang ngayon hindi ako maka-move on na panaginip lang lahat, iniyakan ko pa yun nung isang araw.

Nakaupo lang ako ngayon sa classroom, nagaantay ng susunod na subject.

Napatingin ako kila Irene at Wendy, hindi naghiwalay si Irene at Taehyung. Sa panaginip ko lang sila nag-away. Si Wendy naman yung tropa pala ni Taehyung na si Suga yung naging boyfriend.

Napatungo nalang ako, nasobrahan ata ako sa  pag-dday dream at buong libro na ang nagawa ng panaginip ko.

May pumasok naman na prof pero sinabi na wala pa daw kaming modules para sa bagong lesson kaya gawin nalang daw muna namin kahit ano wag lang lumabas at mag-ingay.

Pagalis ng prof ay naging zoo na ang classroom kaya pinili ko nalang na umupo sa tabi nila Irene.

"Oh ang tamlay mo yata? ilang araw ka ng ganyan ah." Sabi ni Wendy at hinipo ang noo ko kung mainit.

"Wala to, pagod lang sa mga bagay." sabi ko at nag-sigh.

"Hmmp, dahil lang yan kay Wonwoo. Gusto mo sumama samin mamaya? Kakain kami dyan sa bagong cafe sa tapat kasama yung kaibigan ni Taehyung." Sabi ni Irene.

"Sige, tutal I need distraction din naman." Sabi ko at tumungo nalang ulit.

Buti pa tong sila Wendy masaya na, tsk sana all.

Dumating naman ang breaktime kaya lumabas na rin kami ng classroom para mag-snack sa canteen.

Umupo kaming tatlo sa isang table at habang kumakain napansin ko na nakaupo sa medyo malayong table sila Wonwoo at tropa niya.

Napaiwas ako ng tingin at napadiin ng pikit. Normal pa bang maalala yung panaginip palagi? tsk.

Pagtapos namin kumain ay nag-cr muna ako para mag-hugas ng kamay.

Habang pinupunasan ko ang kamay ko at naglalakad may tumigil na lalaki sa harap ko.

Pag-angat ko ng tingin ay si Mingyu, tropa ni Wonwoo.

"B-bakit?" tanong ko at pinagmukhang mataray yung tono ng boses ko.

"Buti naman at tumigil ka na sa kakasend ng letter kay Wonwoo?" sabi niya. Wait bat niya alam?

"Pano mo nalaman yon? Kay Wonwoo ko yon binibigay ah?"

"Well sabihin nalang natin na ako ang checker niya." sabi niya.

What the hell? checker?

"Anong checker? ang sabihin mo tsismoso ka kase!" sabi ko sakanya, daming palusot tsk.

"Hindi ako tsismoso dahil ako ang boyfriend niya!" sigaw niya.

Pagkasabi niya non ay nabitawan ko ang panyo na hawak ko at nanlambot ang tuhod ko.

"B-boyfriend? i-ikaw? pa-paano?" prank ba to?

"Matagal na kami ni Wonwoo at nasisiguro kong ako lang ang gusto niya kaya hindi ka niya magawang pansinin dahil may mahal na siyang iba at ako yon! Si Kim Mingyu!" sabi niya at sabay umalis.

What the hell was that?! Shit akala ko mag-bestfriend lang sila?!

Naglakad nalang ako papunta sa classroom ulit, lutang parin.

Naunahan ako ng lalaki kay Wonwoo?! Awit naman!

Dear Wonwoo, || Seulgi✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon