Seulgi's
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tita at tito ko, ang alam ko lang ay wala na kami sa Pilipinas.
"Tita saan po ba tayo pupunta?" tanong kay tita na katabi ko ngayon sa sasakyan.
"May ime-meet ka seulgi, wag kang magalala dahil papunta na ang mommy at daddy mo." sagot niya habang nakangiti pa ng sobrang lawak.
May kamaganak ba kami na magb-birthday?
o baka na deads?!
After ng ilan pang minuto ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang hotel.
bakit kami andito?
"Pumasok na tayo Seulgi." sabi ni tita tsaka bumaba ng kotse.
Bumaba kami at pumasok sa hotel, ang gara ng loob kumpara mo sa labas na simple lang ang mga design.
Dumeretso sila sa elevator kaya sumunod nalang ako.
Bumaba kami sa 13th floor at dumeretso sa isang kwarto.
"Mommy! nauna pa po kayo?" Nagulat ako dahil andito na agad sila mommy, ano ba kase ang meron?
"Napaaga ang flight namin eh, magbihis ka na anak at mag pupuntahan tayong party." sabi niya.
May kinuha si mommy na isang white na dress na di naman masyadong mahaba.
May kinuha rin siyang white sandals na parang may takong ng konti at flower crown.
"Mommy parang pangkasal naman yang damit na yan." sabi ko at natawa ng mahina.
Mukha naman kase talagang pang kasal eh.
"Hindi Seulgi, ang theme kase ay floral kaya ganyan ang damit mo. Parang white roses."
Kinuha ko nalang yung damit at dumeretso sa bathroom at nagbihis.
"Seulgi magapply ka ng make up ah, wag mo kapalan masyado anak." Sabi ni mommy at abot sa akin ng makeup kit niya.
Di ako sanay sa kolorete sa mukha eh, pero ayos lanh, I'll give it a try.
Sinunod ko nalang si Mommy at tinapos lahat ng inutos niya.
Napansin ko ang suot nila tita ay puti rin pero hindi dress kundi parang gown sa straight lang.
Bumaba kami at hindi ko parin nakikita si Daddy, asan siya?
"Mommy asan po si daddy?" tanong ko kay mommy habang pasakay kami sa isang puti na van.
"Nauna na siya doon anak, may kakausapin daw siya." sagot ni mommy.
Habang bumabyahe kami ay napansin ko na malapit na kami sa dagat.
So sa tabing dagat pala ang party??
Tumigil ang kotse sa isang private resort, parang sobrang yayaman ng nagpupunta dito dahil sobrang gara ng itsura.
Inalalayan ako ni mommy sa pagbaba at pumasok kami sa resort, naglakad kami hanggang sa may tabi ng dagat at nagulat ako sa nakita ko, wait, what?!
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter