Seulgi's
"Hoy wendy bilisan mo naman dyan please." sabi ko sakanya.
Antagal kasi magayos jusko, siya nalang ang inaantay ko kanina pa eh.
"Eto na oh. Tara na alis na tayo, baka kung ano na meron don." sabi niya.
Bumaba na kami at naglakad papunta sa court.
Di naman yon ganon kalayo kaya lalakarin nalang namin.
After ilang minutes nasa court na kami.
"Wala naman atang tao dito seulgi eh. Di kaya niloloko ka lang ni Wonwoo??" Tanong niya.
Oo nga walang tao dito. Antahimik pa.
"Hoy di ko niloko yan Wendy ah. Andito na nga kami oh." Biglang may nagsalita.
Si Wonwoo kasama yung barkada nila.
"Oh ayan ka na pala eh. Ano ba meron?" Tanong ni wendy
" Basta. Tara Seulgi upo tayo dun" sabi ni Wonwoo
Hinila niya ako at umupo kami sa gilid ng court.
"Tara Wendy."
Biglang hinila ni mingyu si Wendy paalis. Ehem may something talaga dito eh. Siguro torpe lang si Mingyu.
"Seulgi..." Sabi ni wonwoo.
"bakit? " tanong ko.
"wala. Pustahan pag dating nila mingyu magkaholdimg hands na yon." sabi niya.
"bakit naman? Ano ba kasi meron ngayon?" Tanong ko.
"Basta pag tama ako ahm mamaya sasabihin ko kung ano kapag tama ako. " sabi niya.
Jusko ang gwapo talaga ng taong to. Lalo na sa malapitan.
After ilang minutes dumating na sila Mingyu.
And guess what,
Magkaholding hands nga sila at ngiting ngiti pareho.
Sila na ba????!
"Oh ano na ??" Tanong ni Wonwoo kay Mingyu.
"Kami na ni wendy." Sabi niya sabay ngiti nanaman.
Ganyan pala itsura kapag inlove na inlove jusko. May glow sila eh.
Lumapit ng konti si Mingyu kay Wonwoo parang may binulong sabay lumayo kasama si Wendy.
"Ehem, sige Wonwoo dun muna kami kila Mingyu iwan na namin kayo diyan, goodluck~" sabi ni Sungcheol tsaka sila umalis.
Pag alis nila walang nagsasalita sa amin. Ang awkward jusko.
"Ah seulgi. Ano kase uhm may sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Wonwoo pero nagiiwas siya ng tingin.
"Ano yon???" tanong ko.
"Kase..... Gusto.. K- gusto ko ng chips. Oo yon gusto ko non. Ano bili tayo? Tara." sabi niya sabay tumayo.
Kala ko pa naman kung ano, umasa pa naman ako. Awit.
Sumunod ako sakanya palabas ng court.
"San tayo?" Tanong ko.
"Sa mini stop nalang tayo bumili mas malapit." sabi niya.
Sumusunod lang ako sakanya habang naglalakad siya.
Wala ako sa mood magsalita kase umasa talaga ako kanina eh. Kala ko magcoconfess na siya sa akin eh. Sakit talaga umasa nako naman.
"Hey seulgi, bakit ang tahimik mo yata?" Tanong niya.
"Umasa kase ako sayo." sabi ko ng pabulong.
"Ano? Anong ako? " tanong niya.
"Wala, sige bilisan na natin miss ko na yung mga alaga ko sa bahay eh. Wala naman pala tayong gagawin dun sa court." Sabi ko sakanya.
Pag kadating namin sa mini stop kumuha lang ako ng pringles at binayaran agad.
Pagkabayad ni wonwoo lumabas na kami ng mini stop.
To: Wendyyyy
Una na ako umuwi ah. Pahatid ka nalang kay Mingyu baby mo HAHAHA
"Wonwoo uuwi na ako. Nagtext na ako kay Wendy." Sabi ko kay Wonwoo.
"Hahatid kita sa inyo. Tara na." sabi niya.
Sabay kaming naglalakad papunta sa bahay ko.
Pagdating namin sa harap ng bahay ko humarap ako sakanya.
"Sige na Wonwoo pasok na ako. Ingat ka." Sabi ko.
Tumalikod na ako at papasok na ako ng bahay.
"Teka seulgi..." Sabi niya.
"Ano nanaman yon?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Hindi ako nakaharap kaya di ko alam kung anong ginagawa niya.
Biglang may yumakap sa akin patalikod.
"Seulgi.. Kanina pa kita gustong yakapin.." Sabi niya.
"Wonwoo.." nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.
"Seulgi, gusto kita.. Pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya
ABA JUSKO KINIKILIG AKO OHMYGADDDDD!! LIGAW DAW SHETTTT.
"Oo naman wonwoo. " sabi ko. Syempre tinatanong pa naman ba yon.
"Aimula ngayon bawal ka nang magpaligaw sa iba dahil ako lang dapat okay?" Sabi niya.
"Oo naman, una palang naman ikaw lang talaga eh." Sabi ko.
Humarap ako sa kanya. KINIKILIG AKO LALO OHMYGADDD !
"Sige na pumasok ka na sa loob. Aalis na rin ako." Sabi niya tsaka ako hinalikan sa noo.
Cause of death: Forhead Kiss
"Ingat ka ha? Sige pasok na ko sa loob." Sabi ko at nginitian siya.
"Syempre naman para sa nililigawan ko." sabi niya.
ABA MAY WENK WENK PANG NALALAMAN KYAHHHHH! KINIKILIG TALAGA AKO.
Pagpasok ko sa bahay tumakbo agad ako sa kwarto ko.
"KYAHHHHHHHHHHH!!!"
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter