Wonwoo's
Masaya ako na masaya siya ngayon, kitang-kita yon sa bawat ngiti ng mata niya.
Ayokong nalulungkot ang babaeng mahal ko.
Pag malungkot siya feeling ko wala akong kwenta kase hindi ko siya mapasaya manlang.
Aalis pa naman ako, pano ka na seulgi?
"Babe~ ano ba iniisip mo? Parang kanina ka pa natutulala bigla." Sabi ni seulgi.
Andito kami ngayon sa isang fast-food chain kumakain kami ng merienda.
"Ah wala babe. May naisip lang ako na kung ano, don't mind me, kumain ka lang." sagot ko.
Ayoko kase sabihin sakanya na aalis na ako the day after tomorrow.
Di ko alam kung bakit, biglaan din kase dahil may emergency doon sa New York eh. Kailangan ako ng tita ko ngayon kaya hindi ako pwedeng humindi.
Kahapon ko lang nalaman na nabangga yung sinasakyan niyang kotse at tumama sa isang bahay.
Di pa daw gumigising si tita hanggang ngayon.
"Babe tapos ka na? Tara uwi na tayo" Sabi ko kay Seulgi.
Tumayo na kami at lumabas, naglakad nalang kami pauwi dahil malapit lapit naman na to sa bahay nila Seulgi, di pa rin naman ako uuwi eh.
Pagdating namin sa kanila deretso na kami sa kwarto niya.
"Babe palit muna ako ng damit ah, dyan ka lang wag kang sisilip!" Sabi ko seulgi.
Syempre naman hindi ko gagawin yon, mabuting boyfriend ako.
"Opo, di ko naman gagawin yun babe. Sige palit ka na" Sabi ko sakanya.
Biglang nagvibrate ang phone ko.
Nagtext pala si Tito, asawa ng tita ko, he said na kailangan ako dun dahil siya ang mga magaasikaso ng mga kailangan ni tita at ako naman ang magbabantay at sasama kay tita sa hospital.
Okay na daw ang tickets ko napadala na daw sa bahay.
Ayoko sanang iwan si Seulgi kaso wala eh, kailangan ko eh, kadugo ko sila.
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter