44

67 11 0
                                    

Seulgi's

"Babe ako nalang kukuha ng juice dyan ka lang." Sabi ni Wonwoo.

Lumabas na siya ng kwarto, wooh ang gwapo niya talaga.

Biglang may nagvibrate sa may braso ko.

Phone pala ni Wonwoo.

Inopen ko dahil sinabi naman niya dati pwede ko pakialaman ang phone niya.

Si Mingyu lang pala.

Nagscroll ako sa messages niya, wala gusto ko lang.

Napansin ko agad yung message galing sa Tito niya.

Shet, aalis si Wonwoo?!

Tapos di manlang niya sinasabi sa akin?!!

Biglang pumasok si Wonwoo dala dala na yung juice.

Hindi ako nagagalit sakanya pero naiinis ako dahil girlfriend niya ako tapos di ko manlang alam na aalis siya?! Naiinis ako sakanya dahil di manlang siya nagsabi sa akin.

"Eto na babe oh." sabay abot niya sakin ng juice.

"Wonwoo," tawag ko sakanya ng seryoso ang tono.

"Bakit babe?" Tanong niya .

"Aalis ka nang di ka manlang nagsasabi sa akin?!"

Hindi ko napigilan na taasan ang boses ko. Sinong girlfriend ba naman ang matutuwa sa ganyan diba?!

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

"Oh ano?! Wala kang masabi?! Wonwoo dapat sinabi mo manlang sa akin hindi yung magugulat nalang ako nasa ibang bansa ka na?! Wonwoo naman eh."

Bigla nalang akong naiyak.

Pano kung di ko nalaman na aalis siya tapos may nangyaring masama sa kanya?! Mamamatay ako pag bigla nalang siyang nawala sa akin.

Lumapit si wonwoo sa akin at niyakap ako.

"Seulgi sorry.. mabilis lang naman ako dun kaya ayokong sabihin sayo eh. Saglit lang ako dun. Wag ka nang umiyak please. Sorry Seulgi.." Sabi niya.

"Di mo manlang naisip yung maiisip ko kung bigla kang nawala eh. Pano kung may mangyaring masama sayo ha? Tapos wala manlang akong alam kung nasaan ka." sagot ko at umiiyak parin.

"Sorry na seulgi please wag kang magalit oh? Please? Sorry na sa susunod na may pupuntahan akong malayo sasabihin ko na, sorry." sabi niya ng malambing na tono.

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Yumakap din ako pabalik sakanya

"Di naman ako galit eh, naiinis lang ako kase wala ka manlang balak na sabihin sa akin yon." Sabi ko sakanya.

"The day after tomorrow pa naman ang alis ko eh. May time pa tayo bukas oh. Tsaka saglit lang ako dun babe, promise." Sabi niya.

"Promise mo ah?"

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo .

"Yes babe, promise ko yun " Sabi niya sabay yakap ulit sa akin.

Dear Wonwoo, || Seulgi✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon