Seulgi's
"Irene ano kamusta na kayo?" tanong ko kay Irene pagkapasok namin sa class room.
"Wala talaga Seulgi. Mukhang ayaw na talaga niya." Sabi ni Irene sabay ngumiti, pero alam kong peke ang ngiti niya dahil nasasaktan siya ng sobra.
"Hays, ano ng balak mo ngayon?" tanong ko sakanya.
"Mas mabuti pa siguro kung itigil nalang namin to, iba naman na ang gusto niya at ako lang ang nasasaktan kaya mas mabuti nang ako nalang ang tumapos ng sakit na to." Sagit niya.
"Basta pag kailangan mo ng kasama andito lang kami nila Wendy ah? Samin ka lang naglabas ng sama ng loob mo." Sabi ko sakanya at hinimas ang likod niya.
"Salamat sayo Seulgi, mahal ko naman siya eh, kaso tama na siguro to." sabi niya at nag-sigh.
Sana maging okay na si Irene, hays taehyung ano ba tong ginawa mo?
"Seulgi!!!!" may biglang sumigaw.
Sigurado ako si Wendy to kahit di ako nakatingin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Tara samahan mo kami ni Irene dun sa coffee shop, malapit lang yon"
Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.
"Tara na."
pagdating namin sa coffee shop andun na si Irene at nakaupo na siya sa isang table.
"Naiorder ko na kayo, antayin nalang natin." sabi samin ni Irene.
Umupo na kami ni Wendy at nagkakwentuhan kami.
"Nga pala, break na kami" sabi ni Irene sabay tingin sa kamay niya.
"Kinausap mo siya harapan?" tanong naman ni wendy.
"Hindi, dapat sana harapan eh kaso nung sinabi ko sakanya na magusap kami saglit ang sabi naman niya busy siya. Kaya tinext ko nalang sa kanya ang mga dapat sabihin ko."
"At ano naman ang sinabi niya? " tanong ko.
biglang nakuyom ni Irene ang kamao niya.
" 'Okay, sawa naman na rin kase ako sayo, sa wakas naisip mo rin yan. ' yan ang sinabi niya sakin. Ang saya nga eh, grabe. "
Pagkasabi niya yon ay biglang tumulo ang luha niya.
Nagkatinginan naman kami ni Wendy bago siya lapitan.
Pagsawaan din kaya ako ni Wonwoo?
Nasaan na kaya siya? Di na siya nagmemessage sa akin.
Sawa ka na ba Wonwoo? Mag-kakaganon din ba tayo?
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter