51

55 6 0
                                    

Wonwoo's

Natanggap ko ang sulat ni Seulgi, gustong gusto ko na siyang makausap at makasama pero di sumasangayon ang tadhana saming dalawa.

"Wonwoo, halika na at kailangan na nating umalis."

Ngayon na ang araw na mamemeet ko na talaga ang pamilya ng sinasabi nila tita.

Ayoko mang sumama pero wala na akong magagwa para pigilan sila, basta ang alam ko sa sarili ko ay mahal ko si Seulgi at Seulgi lang ang mamahalin ko kahit na kailan.

Bumaba na ako at sumunod nalang kila tito at tita.

Matapos ang ilang minuto na byahe ay nakarating na kami sa lugar kung saan ko na sila makikita.

Pumasok kami at umupo sa isang table na may pang 6 na tao na upuan at nagantay sa pagdating ng mga kikitain namin.

Nakayuko lang ako at inaantay ang pagdating nila, parang ayoko silang makita na gusto ko.

Nakarinig na ako ng mga yapak papunta sa table na inuupuan namin pero ayoko paring magtaas ng tingin sa kanila.

"Good afternoon Mr. and Mrs. Kang" bati sakanila nila tito at tita.

Kang??? kasurname to nila Seulgi ah?

Nagtaas ako ng tingin sa kanila, hindi ko sila kilala.

Tinanguan ko lang sila at nginitian naman nila ako.

"Nasabi niyo na ba sakanya na sila ang ikakasal?" tanong ni Mrs. kang kay tita.

Ha? kakilala ko ba yung mapapangasawa ko?

Dear Wonwoo, || Seulgi✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon