Seulgi's
Isang linggo nang nanliligaw si Wonwoo.
Gusto ko na nga siyang sagutin eh. Kasi ang effort niya talaga.
Lagi akong hatid sundo, may sweet message, tapos lagi pang may pagkain.
Balak ko siyang sagutin mamaya.
Pupunta kasi kami sa mall kasama yung tropa nila Wonwoo at si Wendy.
Nagbihis na ako dahil susunduin na ako ni Wonwoo in ten minutes.
Pagkabihis ko kinuha ko na yung gamit ko at bumaba.
Sakto pagbaba ko nakita ko na yung kotse niya kaya lumabas na ako.
"Hi Wonwoo~" sabi ko sakanya.
"Oh bababa na dapat ako eh. Sige sakay ka na Seulgi." sabi niya tsaka binuksan yung pintuan ng kotse niya.
"Andun na ba sila Wendy?" Tanong ko.
"Tayo nalang daw ang wala. Hayaan mo sila dun." sabi niya. Wow feel ko double meaning?
"Sira ka talaga, hmmp." sabi ko sakanya.
Natawa lang siya ng konti tsaka ngumiti.
After 20 minutes nasa mall na kami.
"Nasa time zone daw sila." sabi ni Wonwoo sa akin.
Gusto ko magbasketball, feeling player ako eh.
Pagdating namin naglalaro sila ng kung ano anong games dun.
"Wendyyyyy~ " sigaw ko paglapit ko kay Wendy.
"Oy seulgiiii!~ " sabi niya.
"San si Mingyu?" tanong ko.
"Ayun oh." sabay turo niya kila Wonwoo.
Ay hindi ko napansin. Si Wonwoo lang kase nakikita ng mga mata ko hehehe.
"Tara Wendy dun tayo sa may basketball." sabi ko sabay hila kay Wendy.
"Nga pala seulgi, kelan mo siya sasagutin?" Tanong niya sakin.
"balak ko nga ngayon eh. Kaso di ko alam kung pano eh. Tulungan mo ko Wendy~" sabi ko sakanya.
"Owemgi! hay magisip na tayo ngayon Seulgi!" sigaw niya. Ay atat na atat siya oh.
"Jusko wendy ang ingay mo baka marinig pa tayo eh." sabi ko sakanya.
"Ay sorry naman." sabi niya.
Nagusap kami kung ano ang gagawin namin mamaya at kakausapin daw ni Wendy sila Mingyu para isurprise si Wonwoo.
Excited na ako, na maging official girlfriend niya.
~~~~~~~~~~~~~
"Wonwoo bili lang kami ni Wendy ah." sabi ko kay Wonwoo.
"San kayo bibili?" tanong niya.
"Diyan lang, malapit lang naman." sabi ko sakanya.
"Samahan ko na kayo." sabi niya.
"Wag na Wonwoo. Babalik naman kami eh. Promise saglit lang talaga to." sabi sabay ngumiti sa kanya.
"Aish sige na nga. Bilisan niyo ah." sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
KINIKILIG NANAMAN AKO EH AWIT?!
Pumunta na kami ni Wendy sa isang jewelry shop.
Bibili ako ng necklace. Necklace na may Letter 'S'
Tapos isa sa akin na 'W'.
pagkabili namin bumalik na kami kila Wonwoo.
Pinuntahan agad ni Mingyu si Wendy at hinawakan ang kamay niya.
Jusko forever na ba dis?! Sana all?!
Pumunta ako kay Wonwoo.
"San tayo Wonwoo?" tanong ko sakanya.
"gutom ka na ba?" tanong niya sakin.
"Medyo lang naman, kaya pa tiisin." sabi ko.
"Tara kumain na tayo mag si-six pm na eh." sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka naglakad.
Sumunod naman sila samin pero sila wendy yata nahuhuli jusko naglalambingan pa, pda sa mall.
Dumiretso kami sa isang resto at syempre libre ng boys.
"Uhm Wonwoo, Mingyu. Una na kami may pupuntahan kasi kami eh. Sige kita nalang tayo sa monday ah. Byeee, ingat kayo" sabi ni sungcheol sabay umalis na sila agad.
"Bakit umalis agad yon? san sila pupunta?" tanong ni wonwoo.
"Hay nako bayaan mo sila baka mag gigirl hunting lang yon." sagot ni Mingyu sakanya.
Umorder na sila agad ng pagkain. Habang kumakain kami nagtitinginan kami ni Wendy.
Eto na talaga.
Kinakabahan ako jusko, ganto ba talaga??!
Pagkatapos kumain ni Wonwoo tinawag ko siya.
"Bakit? may gusto ka pa?" tanong niya.
"Oo eh." sabi ko.
"Ano yun?" tanong niya.
"Ikaw." sagot ko.
"Ha? anong ako?" tanong niya.
Kinuha ko yung necklace at inabot ko sakanya.
"Yes wonwoo. Gusto ko maging akin ka na." sabi ko sakanya.
Bigla siyang natahimik.
Kinakabahan parin ako shet.
Bigla niya akong niyakap.
"Sayo naman talaga ako Seulgi. Akin ka lang ha?" sabi niya.
"Sayo lang din ako, Wonwoo. " sabi ko sakanya habang magkayakap kami.
"I love you, Seulgi." sabi niya.
"I love you too, Wonwoo." sagot ko sakanya.
JUSKO SA WAKAS NATULOY NA DIN ANG LOVE LIFE KO!
KINIKILIG PARIN AKO. JUSKO NAMAN, JEON WONWOO!
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter