37

90 12 0
                                    

Wonwoo's

"Nasan po si Seulgi???" Tanong ko kay tita.

"Nasa emergency room pa sila eh. Salamat at dumating ka." sabi ni tita.

"Ano po ba ang nangyare?" tanong ko.

"Pagdating namin sa bahay ng tita niya nagring yung phone niya ang sabi niya tumawag daw yung kaibigan niya pinapapunta daw siya sa park malapit sa bahay ng tita niya kaya pumayag kami na umalis siya." Sabi niya

"After mga two hours tumawag siya sakin pero hindi na niya number, ang sabi niya lowbat na daw siya. Andami niyang sinabi tapos naririnig ko na yung hikbi niya " biglang umiyak si tita. Naluluha na rin tuloy ako.

"Tapos nakarinig kami ng boses ng babae habang kausap namin siya, ang sabi nung babae tapos na ang oras niya! Nagsabi pa siya ng mahal na mahal niya kami at pakisabi daw sayo na mahal na mahal ka niya. Pagkatapos nun nawala na yung linya."

"Pano niyo po siya nahanap?" Tanong ko.

"Pumunta kami sa pinakamalapit na park, tapos napansin namin na may bahay na abandunado malapit dun kaya pinuntahan namin, maglapit namin nakita namin na nasa gitna nung bahay si seulgi at nasusunog yung paligid niya." Napahagulgol na siya ng tuluyan.

Tumulo na ang luha ko sa mga sinabi niya.

"Yung cellphone na ginamit niya nung tumawag siya nakuha namin at mukhang yun yung number nung gustong pumatay kay Seulgi." Sabi ni tita.

Naaawa ako sa lagay ni tita ngayon. Si tito naman nakalagay ang mukha sa palad niya.

"S-sino po???" Tanong ko.

"Siya rin yung bumugbog kay Seulgi..."

Si annie.

Makita ko lang talaga siya di ko mapipigilan na saktan siya! Makakapatay ako kahit babae pa siya.

"Tita may tatawagan lang po ako saglit. Para po mahuli na nila agad si annie." sabi ko.

Tumango lang si tita tsaka ako tumayo at pumunta muna sa may tabi ng pinto ng emergency room.

Calling Mingyu...

"Oy dude! Bakit?"

"Nasa ospital si Seulgi, please pakisabi sa lahat at paki contact na rin yung tito mo."

"Tangina sige sige. Teka eh pulis si tito ah?"

"Huhulihin nila si annie! Pakisabi na agad Mingyu please lang. Pakisabi rin sa tito mo na pakibilisan ang paghahanap at salamat rin"

" sige dude sasabihan ko na sila ngayon pati sila Wendy."

"Sige salamat"

Call ended

Pag-end ng tawag pumunta na ulit ako kila tita.

"Tita, tito pinahahanap ko na po si annie. Sisiguraduhin ko po na makukulong siya."

"Maraming salamat Wonwoo, maswerte si Seulgi sayo" sabi ni tito.

"Ako po ang maswerte sa kanya." Sabi ko sakanila.

Panginoon sana po maging maayos na si Seulgi at mahanap na po agad si annie.

~~~~~

"Wonwoo bibili lang kami ng kape , diyan muna kayo ah." Sabi ni Wendy.

Nandito sila lahat pati yung tropa ni Taehyung nandito din.

Nailabas na si Seulgi sa emergency room pero di pa namin siya pwede puntahan.

Dalawang araw na rin, miss na miss ko na siya.

Gustong gustong gusto ko na siya kausapin.

Mukha na nga akong bading sa kakaiyak ko pero wala akong pake dahil mahal ko naman ang iniiyakan ko.

Sobrang bugbog daw ang ginawa kay seulgi at may mga hiwa din daw siya sa katawan lalo na sa mukha sabi ng doctor, meron din sa pulso niya, naburn din daw ang ibang parte ng balat niya at may malaking hiwa sa likod niya at muntik na siyang kulangin ng dugo.
Tangina yan! Bwisit na annie yan kung makita ko lang talaga siya nako baka mapatay ko na siya.

"Wonwoo, "

"Goodmorning po tita, may kailangan po kayo?" Tanong ko.

" Si Seulgi..... " sabi ni tita sabay umiyak

Anong nagyare kay seulgi??

Dear Wonwoo, || Seulgi✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon