Seulgi's
Hay nako miss na miss ko na talaga si Wonwoo, ldr na talaga kami ngayon.
"Seulgi! Tara kain na tayo sa canteen, gutom na gutom na ako eh." sabi ni Irene.
Sus, kahit naman di ako sumama kasama naman niya si Taehyung niya, sana all.
"Hoy Wendy tara na kakain na tayo. Mamaya ka na ulit manood diyan aba."
Nababaliw kase si wendy ngayon sa k drama, nako nako. Ang sakit kaya manood ng k drama sa phone. Ewan ko ba kung pano niya natitiisan manood ng buong araw gamit lang phone niya.
"Teka sabihin mo five minutes lang, matatapos ko na tong episode 6 eh. " sabi niya habang tutok parin sa phone niya.
Yung totoo five minutes nga ba talaga? Parang tatlong bese na niya sinasabi yun ah.
"Tara na nga Seulgi pabayaan mo muna siya gutom na talaga ako eh. Hoy Wendy mauna na kami sumunod ka nalang kung susunod ka man, 'kay? " sabi ni Irene sabay hila na sakin papunta sa canteen.
" kamusta naman si Wonwoo mo? kelan uuwi?" Tanong habang nakaupo na kami.
"Hindi ko parin alam eh, di pa kami ulit nakakapagusap eh. Mukhang busy siya doon. Pero sana umuwi na siya agad." sagot ko sakanya.
"Sigurado uuwi na agad yun dahil sigurado miss na miss ka na non." sabi niya at natawa ako.
"Nasaan nga pala si Taehyung mo?" Tanong ko sakanya, di ko kase nakita ngayon.
"Nagaway kami eh. Di pa kami nakakapagusap dalawang araw na rin. Pabayaan nalang yun, tss." Sabi niya at halatang badtrip.
"Ha? bakit naman kayo nagaway?" Tanong ko, nag-away nanaman sila?
Kumagat muna siya sa kinakain niya bago siya tumingin sakin.
"May kinakausap siya lagi sa phone niya eh, hindi ko alam kung sino. Yung barkada naman niya ayaw sabihin sa akin kung sino yun eh. Aba pag kausap niya sa call laging nakangiti tatawa tawa, pero ngayong mga nakalipas na araw ang sungit na niya sa akin. Hindi ko nga alam kung ano na ba nangyayari sa amin eh. "
"Basta tandaan mo Irene nandito lang kami para sayo, pwede mo kaming pagsabihan ng mga problema mo palagi, okay?" sagot ko at nginitian siyam
"Salamat Seulgi. Pababyaan ko muna siya, dapat siya naman ang lumapit sa akin ngayon hindi yung puro ako nalang lagi."
Habang wala si Wonwoo tutulungan ko muna sila Irene sa problema nila.
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter