Seulgi's
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, si Wonwoo, andito siya!
Nakatayo siya katabi ni Daddy sa dulong part ng red carpet, wait totoo ba to?!
Inalalayan ako ni Mommy sa paglalakad sa red carpet papunta kay Wonwoo.
Wait ikakasal ba kami? Bakit may pari? Baka prank lang to?
"Mommy, I'm getting married?!" tanong ko sakanya.
Ngumiti lang siya at tumango ng sunod-sunod.
Nanlaki naman ang mata ko at napanganga ng konti.
Parang nasa isang panaginip lang ako! Parang fairytale na may happy ending.
Nakarating na kami sa harap ni Wonwoo at hinawakan niya ang kamay ko.
"Babe believe me, gulat din ako kagaya ng pagkagulat mo." Sabi niya at natawa ng mahina.
"Are we really getting married?" tanong ko sakanya.
"Yeah, ayaw mo ba babe?" tanong niya.
"No! Of course gusto ko babe, ikaw lang naman ang balak kong mahalin hangga't huling hinga ko eh." sabi ko sakanya.
Humarap na kami sa pari at sinimulan na ang kasal pero kahit nagsisimula na ay wala akong maintindihan dahil lumilipad ang utak ko.
Napatingin lang ako sa kamay naming magka-hawak at sakanya.
This is too good to be true.
Bumalik lang ang malay ko ng iabot na samin ang singsing exchange of vows na pala.
"I, Jeon Wonwoo, take you, Kang Seulgi to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." he said then nilagay niya ang singsing sa daliri ko. Naiiyak tuloy ako.
"I, Kang Seulgi, take you, Jeon Wonwoo, to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." sabi ko at nilagay ang singsing sa daliri niya.
"I now announce you husband ang wife, you may now kiss the bride." Sabi ng pari at nagkatinginan naman kami ni Wonwoo.
I'm officially Mrs. Jeon now!
Hinawakan ako sa pisngi ni Wonwoo at unti-unti siyang lumapit. Hala totoo na talaga to.
Pumikit ako, waiting for our lips to meet.
"Seulgi!"
"Seulgi!!"
"Hoy Seulgi!!"
Bigla akong nahulog sa kung saan, shit ang sakit ng pwet ko.
Unti-unti naman akong napadilat, nahulog ako sa sahig!
Wait?! Bakit ako nasa sahig sa loob ng bahay?! Kinakasal kami ni Wonwoo!
"Mommy! Kelan pa tayo nakauwi?!" Tanong ko sakanya.
"Ha? Hindi naman tayo umaalis dito eh?! Ayos ka lang ba?" Tanong niya at hinila ako patayo.
"Bakit ako nahulog, mommy? tinulak mo ba ko?" tanong ko sakanya habang hinihimas yung masakit na parte ng pwet ko.
"Panong hindi ka mahuhulog eh nakatulog ka dyan sa upuan? ginigising kita tapos bigla kang nalaglag. Mag-ayos ka na at baka ma-late ka na sa school niyo!" sabi ni mommy at lumabas ng kwarto ko.
Tumayo naman ako galing sa kama at lumapit sa upuan, bat ako dito nakatulog?
Napatingin ako sa nagkalat na papel at ballpen sa lamesa ko.
May isang papel na nakalapat at may ballpen sa gilid na nakabukas.
' Dear Wonwoo,
Hi! Nagustuhan mo ba yung binigay ko sayo na cupcakes? hehe ako gumawa niyan! Alam mo crush na crush talaga kita eh, kaso hindi ka naman namamansin tsk. Pero wag kang mag-alala, I won't give up on you!
Love,
Kang Seulgi '
Napaupo ako sa sahig pag-kabasa ko non, panaginip lang lahat? Walang Jeon Wonwoo na mahal ako? Walang kami? Hindi kami kasal?Bigla akong tinamaan ng presence of mind at naalala ko ang huling ginawa ko bago ako matulog.
Nagsusulat ako ng 5th letter ko para kay Wonwoo ng bigla akong natulala at nagdaydream, I guess nakatulog na ako after.
Nanlumo naman ako sa realization ko, shit walang kami. Isang panaginip lang lahat!
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter