Wonwoo's
Nakatingin lang ako sa mga bituin na nasa langit ngayon, sana mga mata nalang niya ang tinititigan ko ngayon.
Miss na miss ko na si Seulgi, di ko siya matawagan o kahit message manlang dahil kinuha nila tita ang lahat ng gadgets ko.
Hindi naman pala kase totoo lahat ng sinabi niya, pinapunta niya lang ako dito ay para sa pera.
Nung una akala ko ay totoo dahil si tito ang kasama ko sa bahay nila pero makalipas ang dalawang araw ay nalaman ko na ang totoo.
Gusto pala nila akong ipagkasundo sa isa nilang kasosyo dahil malulugi daw ang negosyo nila dito, at dahil wala silang anak at ako lang ang pamangkin nila ay ako na ang napagtripan.
"Wonwoo bumaba ka na at kakain na." Sabi ni tito pagkabukas niya ng pinto.
Simula ng nalaman ko yon ay hindi ko na sila kinausap pa ulit, nakakasama kase ng loob na nagsinungaling na nga sila tapos ay sisirain pa nila ang tahimik ko na buhay kasama si Seulgi.
Di ako tumingin sa kanya at narinig ko siyang bumuntong hininga sabay sinarado ang pintuan.
Kahit gutom ako ay hindi ako kakain kasama sila.
Umiinit lang ang dugo ko eh.
Sa susunod na araw daw nila ipapakilala sa akin ang ipagkakasundo sa akin.
Parang may pakialam ako don.
Gustong gusto ko na makausap si seulgi, kahit sandali lang dahil miss na miss ko na siya.
Kahit tuloy sila Mingyu ay hindi ko makausap.
******
"Naku Wonwoo hindi daw makakarating ang mga kasosyo namin ngayon dahil may inasikaso daw dun sandali. Baka daw sa sabado pa sila makadating dito. "
"Tita pwede po ba na wag na?? Una po sa lahat may girlfriend po ako sa pilipinas at mahal na mahal ko po kase siya, tita. Pangalawa po ay hindi po ba pwede na wag na kaming ipagkasundo? tulungan nalang nila kayo? At ang panghuli po ay pwede ko po ba makuha ang cellphone ko?" Sabi ko na pinipigilang samaan sila ng tingin at magtaas ng boses sa kanila.
Kamag-anak ko parin naman sila kahit papano.
"Pasensya na Wonwoo." sabi ni tita sabay umalis.
Kapasepasensya ba to?!
Pumasok lang ako sa kwarto at umupo sa kama.
Nakakabwisit naman oh!
Siguro kung makikita nila na masasaktan ang anak nila sa akin ay hindi na sila papayag.
Tama, tama.
Gagawin ko ang lahat maturn-off lang sa akin ang mga kasosyo nila.
Panigurado pag nangyari yun ay sila na mismo ang aalis.
BINABASA MO ANG
Dear Wonwoo, || Seulgi✓
Short Story"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, try mo kase imulat yang mga mata mo." And Seulgi tried-- [Wonwoo X Seulgi] 07/13/16-05/13/20✓ highest rank; #34 on letter