Papansin 3: Hello Tutor!

380 11 8
                                    

"I'm glad pumayag ka na." Sambit sakin ni Miss Samonte, my tutor.

"Hehe. I want a change na kasi Miss Samonte." I cal her Miss kasi bata pa siya, single, mga 27 lang.

"Oh change? For whom?"

"For Nethan."

"What???"

Sabay pa kameng napabigkas. Omay! Nadulas ako. Nasabi ko na ba? Pinsan niya si Nethan. Pero hindi sila close, buti na lang. Hoho.

"No miss Samonte, I mean, gusto ko lang maging katulad niya, lageng nasa toplist. Ganun." Ewan ko kung papasa tong palusot ko. Sana!

"Ah see. So if you really want that, you must study hard." Mukhang napaniwala ko naman siya. Nagsimula na siyang kumuha ng mga libro sa plastic bag na dala niya. "Read all of this." Naglapag siya ng isa, ng isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa at isa pa.

"Seven? Lahat?" Miss, ano ka ba ha? Sa tingin mo kaya ko yan? Ang kakapal pa. Sa school nga natamad na kong basahin ung manipis na libro, yan pa kaya? Gustong gusto kong sabihin yang mga yan sa knya pero kilala ko na siya eh, dadagdagan lang niya ng dadagdagan. Naging tutor na siya ng isang pinsan ko at nakwento siya nito saken.

"Don't worry Samantha. We'll just be together for a month." Natigilan ako sa pagtingin sa mga libro ng marinig ko yun kay Miss Samonte. Ang alam ko kasi eh hanggang sa mtapos ang school year niya ko tuturuan, September pa lang, so matatagalan pa.

"Just a month? Bakit?"

"I'm going to Canada. To study again." Nakangiti niyang sambit sa akin na aakalain mo talagang masaya siya.

"Again?" Napakasipag naman niya. Kung ako yan kuntento na ko sa pagiging isang private tutor. 

"Yes. Alam mo kasi Samantha, hindi talaga ito ang gusto ko, ang gusto maging isang fashion designer. Since nasa Canada na ang parents ko and pumayag na sila, dun na ko mag-aaral." Bumaling ang tingin niya sa bag niya at may kinuha at inabot sakin. "Take this." Isang pendant. "That's my lucky charm." Pinagmasdan ko to at ewan ko dahil nakaramdam ako ng tuwa nung pagmasdan ko to. Pero kung lucky charm nya 'to, bakit niya binibigay saken?

"Your lucky charm? Then why you're giving it to me?" Buong puso kong tanong sa kanya. Oo buong puso talaga. Naku-curious kasi ako. Bakit niya binibigay saken to? Para saan?

"I don't need that anymore. You will need it the most."

"But Miss--.." Magsasalita pa lang sana ako pero nagsalita siyang muli.

"Can I share to you my story?" Tumango na lang ako. Gusto ko rin kasi malaman. Hindi kame close ni Miss Samonte pero now, I feel like she's my sister. But sad to say she's not. I'm the one & only daughter of my parents. But now, I really wanted to hear her story.

"Someone gave that pendant to me. A friend of mine. At first, kagaya din kta, nagtataka kung bakit binibigay ang bagay na importante sa kanya. Sabe niya saken, lucky charm niya yan, pero dahil nasa kanya na daw ang puso ko, ibibigay na lang niya saken. Nakuha na daw niya ang pinaka-inaasam niya sa buhay at ako yun. Tinanggap ko ang pendant at sinabi ko sa knya na ang pendant ang magsisilbing tahanan ng puso nameng dalawa." Natgilan siya ng mapansin niyang umiiyak na pala sya. Simula nung magkwento siya unti-unti ng pumapatak ang mga luha niya. Hindi ko mawari kung natutuwa ba siya o nasasaktan. Pero nakakatuwa ang story niya. Naisio ko tuloy buti pa siya mahal ng taong mahal niya. Ako, bokya. "Sorry. Hehe. Umiiyak na pala ko. Nakakahiya." Sabay punas niya sa mga luha niya gamit ang mga kamay nito.

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon