Papansin 14: Joke

179 5 1
                                    

Para akong isang bata na nakakuha ng award at sinabitan ng medalya. New memories daw? Kyaaaaaah! >///////<

"Thank you also, Nethan."

"For what?"

"For.....this." Pinakita ko sa kanya ang tuhod ko na may gasgas gawa ng pagkadulas ko.

"May sugat ka?!" Nabigla siya at the same time may halong concern. 

"Hindi naman masakit eh. Ayos lang ako." Kumunot yung noo niya.

"You sure?" Tumango lang ako. Pero sa totoo lang, mahapdi siya. "Okay then, why are you thanking me for that wound?" Nagtataka talaga siya kung bakit.

"Kasi sayo lang ako nasugatan. Nung bata kasi ako hindi yun hinayaan ng parents, ah mali, ng yaya ko." Pero wala na yung yaya ko na yun. Isang araw na lang kasi paggising ko wala na siya. Iyak ako ng iyak nun. Pero sandali wag yun ang pag-usapan natin.

"Tapos?" Biglang tanong ni Nethan. Hindi ko pa pala natatapos yung sasabihin ko. Heto na.

"Para sakin nakakatuwa yun. Ang sarap sa pakiramdam masugatan, may sakit at hapdi man, at least may natututunanY yun nga lang hindi ako marunong manggamot."

". . . ." Nakatingin lang siya sa akin, na akala mo'y isang taong hindi niya kilala.

"Tanda mo noon nung umalis tayo sa party nila Monique? Nung naputol yung hills ko? Hahaha. Nagsearch pa ko kung pano maglinis nun ng sugat. Hahaha." Natatawa ako 'pag naaalala ko yun. Pinapamukha kasi sakin nun na napakabobo ko at pati yun ay di ko pa alam gawin. Haha.

"Halika." Nabigla ako nung hinawakan niya ko sa wrist ko at dinala sa bench. "Tayo ka diyan." Tumayo naman ako sa ibabaw ng bench. At tumayo rin siya sa harap ko saka hinawakan ang binti ko.

"Teka, anong ginagawa mo?"

"I'll give you a ride." Tama ba 'to? Aangkas ako sa likod niya? Omegeee! Magpapasugat na ko araw-araw basta aangkas ako lagi sayo! Hehe. Hindi na ko nagsalita at sumakay na sa likod ni Nethan. Pangalawang sakay ko na nito sa likod niya. I hope it won't be the last.

Walang umiimik sa amin, patuloy lang sa paglakad si Nethan. Hindi ito daan papunta kina Monique. Mukhang papunta kami sa isang park. 

"Nethan, saan tayo? Sa park ba?" Tanong ko. Tumango lang siya. Pagod na kaya siya? Oo siguro, kanina pa niya ko buhat buhat eh. "Nethan, ibaba mo na ko." Pero hindi niya ko pinapansin. "Hmm. Nethan, kaya mo pa ba?" Tumango lang siya. Weh? Kaya mo pa ba talaga? Hindi na eh! Ibaba mo na ko. "Uhmmm... Nethan, nauutot ako." Tumigil siya bigla at......

*tugsssshh*

Aray!

Pero ang engot. Imbis na ako lang ang mabagsak pati siya nasama. Eh paano naman, nakapulupot yung mga braso ko sa leeg at balikat niya. Kaya ayun, nakapatong siya sa akin pero patalikod.

"Ouch!" Sakit ng pwet at likod ko. Tumayo na ko nang tumayo na si Nethan. Pati siya may iniindang sakit.

"Okay ka lang?" Tanong niya pero sinasapo parin niya ang likod niya. Tumango ako. "Bakit mo kasi ginawa yun?" Naiinis na tanong niya.

"Ang alin?" Tanong ko naman.

"Yung umutot. Kadiri!" 

"Biro ko lang naman yun eh. Ikaw naman kasi, ayaw mo pa kong ibaba. Sinabi ko yun kasi alam kong mandidiri pero di ko naman akalaing bibiglain mo ang pagbitaw." 

Yung naiinis na mukha niya kanina tumatawa na ngayon. Tsss. Bipolar?

"Ano nakakatawa dun?" Tanong ko.

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon