Papansin 1: Model

373 11 5
                                    

"Oh ano, kasya ba?" Sabay katok ni Anica sa pinto ng fitting room. Nasa mall kami at pinagsha-shopping niya ako ng mga damit. Yung damit na gaya ng mga sinusuot niya. Dahil Monday to Wednesday lang ang schedule ng uniform namin, kaya kelangan ko daw ang mga damit na ito during thursday and friday. And guess what? Pati ung uniform ko binago rin ni Anica. Ginawa niyang mas maikli yung skirt ko, dati hanggang tuhod lang pero ngayon konti na lang masisilipan na ko. Ah mali! Masisilipan na talaga ako. Pero buti na lang nagshoshort ako, ung maiksi lang. Lumabas na ko ng fitting room na nahihiya, ang ikli kasi nung skirt na tinernuhan ng longsleeve na damit.

"Ayos lang ba?" Tanong ko sa kanya na pilit ibinababa ang laylayan ng palda. 

"Hahaha! Ayos pala sayo ang ganyan eh! Eh di sana ngayon napansin ka na niya!" Puri niya saken habang tumatawa. Kita mo to, pupuri na nga tatawanan pa. Hindi ko tuloy alam kung totoo o hindi ang sinasabi. Pero para makasigurado ako, tinignan ko ang sarili ko sa salamin, at Ola! Tama siya, maganda akong tignan. For the first time nagandahan ako sa sarili ko. Sana pala noon ko pa to sinubukan, baka sakaling kilala na niya ko. "Osya! Balik dun! Marami ka pang isusukat na mga damit!" Pinagtutulak ako pabalik sa fitiing room at saka binato ang isa pang damit.

Tumagal kami sa mall ni Anica. Marami siyang pinasukat kaya marami akong bitbit ngayon pauwi. "Suot mo ung huling pinasukat ko sayo! Bye!" Sigaw ni Anica habang binababa ang bintana ng kotse niya. Tumango na lang ako saka kumaway sa kanya. Hinatid niya ko sa bahay dahil wala yung kotse ko, iniwan ko kanina sa school dahil at ipinauwi ko na lang sa driver ko.

----------

"Oh honey! You look so gorgeous!" Bungad saken ni Mommy pagkababa ko sa hagdan. Tila nabigla na natutuwa siya sa evolution na ginawa ko. 

"Really Mom?" Tanong ko sa kanya. Feeling ko namumula yung pisngi ko kasi hahihiya parin ako, kahit kay Mommy. Friday kasi ngayon kaya ang suot ko isang pink simple dress yet elegant, tapos nakalugay lang ako. Tapos nakaflat shoes pero agad ring napalitan ng mapansin ni Mommykaya binigay niya sakin ang isang sapatos na may taas 3-4 inches na ireregalo niya sana sa inaanak niya pero mukha daw mas kailangan ko ito ngayon. Bibili na lang daw siya ng bago.

Pagbaba ko ng kotse hinihintay na ko ni Anica sa mismong pasukan ng school. Halos matigilan na akosa paglakad ng mapansin kong pinagtitinginan na pala ako. Ano ba schoolmates, ganun nab a kalaki ang nabago sa kin? Damit, buhok at sapatos lang nabago saken. Hello??! May naririnig pa kong bulungan nila, negative and positive. Magbubulungan na nga lang rinig pa. Haaay! Ginawa ko naman to para sa taong gusto ko hindi para sa inyo no! Lalo akong nahiya ng matalisod ako. Hindi ako sanay sa mga taking. Nakarating na rin ako sa kinaroroonan ni Anica.

"Aray naman!" Sigaw niya matapos ko siyang kurutin sa tagiliran niya.

"Walanghiya ka, bat hinintay mo pa kong makapunta ditto? Bat di mo sinalubong? Gustong gusto mo talagang natatanga ako no?" Nanggigigil kong bigkas sa kanya at inirapan ko siya. 

"Uy hindi ah. Gusto ko lang magkaroon ka ng confidence para sa new look mo! At saka, moment mo un no. Eepal pa ko? Tsss!" Sagot niya saken, with action pa. Para tuloy siyang nagdedeclamation. Sabagay, may point naman siya. "Halika! Bilisan mo!" Bigla niya kong hinigit papunta sa kung saan. 

"Sandali lang uy!" Pagrereklamo ko sa kanya. Hinihila niya ko eh alam niyang nakaheels ako. Saka lang kame huminto ng nasa pintuan na kame ng canteen.

"Andun sina Nethan, malapit sa counter." May tinuturo siya gamit ang nguso. Tinignan ko at andun nga sila.

"Oh tapos?" Tanong ko sa kanya na kunwari wala akong pakialam pero bigla niya ko ulit hinigit at nagtungo sa table na malapit sa amin. 

"Bili ka ng maraming pagkain. Bilis!" Tinulak niya ko papalayo pero bigla rin ulit ako hinila pabalik, "Ayusin mo lakad mo! Gaya ni Tyra Banks. Go!" ANU DAW? Eh bihasa un sa pagrampa eh. Model! Eh model ba ko? Model ng Bagoong, oo! Haha! Joke lang! Nagsimula na kong maglakad ng ewan. 

*Step.....step.....step....* Nakabobo naming maglakad alamodel! Bobo na nga ko mas mabobobo pa. *Step...step...step...* Naku malapit na ko sa kanila! Enhale, exhale! Naglakad na ako ng gaya kay Tyra, ewan ko lang kung kagaya nga talaga nung kanya. Pero hindi nila ako napansin, walang sumulyap ni kuto nila.

"Pabili po ng dalawang fries, dalawang C2, 2 Carbonara, 10 pesos Bubble Joe at 2 bote ng mineral water." Sabi niya marami daw, kaya ipapakain ko lahat to sa kanya. "Ate, separate mo ah. Bale dalawang tray." Hahaha! Para babalik ulit ako ditto. Kinuha ko na ang isang tray at naglakad na gaya na naman ni Tyra pero wala pa ring napansin.

"Yan lang binili mo?" Gulat na gulat na tanong niya. Pag ito talaga hindi niya nakain lahat ibabaon ko sa limot este sa lupa.

"Meron pa dun. Kunin ko lang." Pabalik na sana ako ng higitin niya kamay ko.

"Bili ka pang burger. Lima. Hahaha!" Kung siya natawa, ako napanganga. Akala mo nman kung kakainin niya talaga lahat. Pero para kay Nethan gagawin ko mg autos ng impaktang bestfriend ko.

 *Step.....step.....step....* Nalagpasan ko na naman sila pero wala parin. Bago ko ipunta sa table ang isa pang tray hinintay ko na lang muna yung 5 pang burger na pina-order ni Anica. Naisip ko, kapag nag-stay muna ko ditto, baka sakaling mapalingon siya. Ilang minute lang ang nakalipas dumating na ang order ko pero wala paring Nethan ang nalingon.

*Sigh* Kaya bumalik na lang ako sa table hawak ang dalawang tray. Pero nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Oh my God! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Pero agad ring nawala ng ibang tao ang nalingon ko. 

"Sukli mo daw." Pinatong niya ang pera sa space ng isang tray. Ang suplado naman nun. 

"Thank you!" pabalang kong sagot sa kanya, pero nginitian ako. Ang weird ah, kanina mukhang suplado ngayon anghel. 

"You're welcome!" Saka siyatumalikod at umalis. Nagtungo na ko sa table at sermon ang nasalubong ko. 

"Shunga, wala na siya. Nakipagchikahan ka pa kasi dun kay Zoren." Saka niya kinuha ang isang burger at kumagat rito. Sino tintutukoy niyang Zoren? Ah, baka siya ung lalaking nagbigay ng sukli. Iba na talaga kapag sikat. Pero teka, sikat din kaya un? Bakit di ko alam? 

"Sikat ba un?" Yun agad ang natanong ko kay Anica. Tumango lang siya habang ngumunguya ng burger. Ang takaw!

"Oh panu ba yan? Mission failed ka ngayon? Ano next?" Ngumunguya paring tanong niya. Mission talaga? Hmmm, ano nga ba susunod kong gagawin? Hihingi na lang kaya ako kay Papa Jack ng advice? Mas matino yun magbigay ng payo kesa kay Anica eh. Hahaha! Bahala na si Ben10! Go Samantha! Wag kang susuko, mapapansin ka rin! Unang subok pa lang yan, marami pang paraan. AJA! 

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon