Papansin 8: Walk Out

238 6 6
                                    

"Bilis hawakan mo kamay ko." Inalok niya ang malambot niyang kamay sa akin. Inabot ko ito at hiinigpitan ang hawak.

"Sandali lang Nethan natatakot ako." Nginitian niya lang ako siya naman ang humigpit ng hawak sa kamay ko. Nasa hanging bridge kame, sa masikip na hanging bridge. Magalaw ito dahil sa malakas na bugso ng hangin kaya natatakot ako.

"Wag kang matakot, kasama mo 'ko." Ngumiti siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Samantha." Bigkas niya habang nakatitig sa akin. 

"Samantha." Inulit niya ito. Pero nagulat na lang ako nang sumigaw siya ng, 

"Samantha Madison na patay na patay kay Nethan!" At sa sigaw na 'un, nagising akong nasa kama ko. 

Walanghiya! Panaginip lang pala! :< Pero kung ganun rin lang ang panaginip ko ayos na sa akin ang di magising.

"Hoy!" Napangiwi ako sa sigaw na 'un. 

 "Ani?" Dumating na siya! Akala ko after ng September pa siya babalik? Pero I'm glad nandito na siya! :")  

"Miss me Sam?" Pagkasabi niya nun agad ko siyang yinakap. Miss na miss ko siya. Matagal rin kaming hindi nagkausap sa phone eh. 

Pagkalipas ng 10 seconds binatukan ko siya saka ako kumawala sa pagkakayakap.

"Aray ha! Kababalik ko pa lang batok na agad inabot ko?!" Reklamo niya habang sinasapo ang bandang binatukan ko. 

"Istorbo ka kasi eh ng panaginip eh." Hindi pa ko nakuntento at binato ko sa kanya ang unan ko pero nasalo naman niya.

"Sus! Nethan again! Eh wag kang mag-alala mangyayari rin yang panaginip mo!" At siya naman ang bumato ng unan saken, at iba ang unan na binato niya saken. Unan ng sofa sa kwarto ko, eh medyo matigas 'un. Ang masama pa, hindi ko nasalo kaya sapol ang mukha ko.(>.<) 

Nakwento ko Sa kanya ang tungkol sa mga nangyari between me and Nethan. Nung una nga natatawa siya kasi daw hindi ko kinailangang gumawa ng paraan para mapansin niya ko kasi madalas na niya kong napapansin dahil sa ginagawa kong kaengotan. Ang supportive ng best friend ko 'no?

- ♥ -  ♥ - ♥ - 

"So what's your next move?" Tanong ni Ani sa akin habang nakapatong ang mukha sa dalawang kamay niya sa lamesa. 

"I don't know. Nakuha ko naman na ang "pansin" na inaasam-asam ko." Ginaya ko rin ang pose niya. Bakit ganun? Saka lang ako napansin nung binago ko ang sarili ko? Ang unfair ah! 

"So tapos na? Ganun na lang 'un?" Iniangat niya ang mukha niya at uminom sa Iced tea niya at saka kumagat ng Pizza. Nasa Pizza Hut kami ngayon, namiss daw niya ang Pizza dahil sa probinsya nila, puro gulay, prutas, ganun ang pinapakain sa kanya. 

"Actually, ngayon, gusto ko namang magustuhan niya ko." Hindi parin nagbabago ang pose ko, nakaismid parin ako habang nakatitig sa pizza sa gitna ng table namin. 

"Then go for it!" At kumagat na naman siya sa pizza. Sa sinabi niyang 'un, kumawala ako sa pagkakaismid at tinignan siya. 

"You really think it's a good idea?"

"I don't know. Maybe?" Nagkibit balikat siya saka kumagat ulit sa pizza. Tsss. Takaw! 

"Just try it Sam." Tinapik niya ang kamay ko. 

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon