Papansin 25: Secret is Out

97 1 1
                                    

Tinatamad akong iedit. Kkaepsong ~ haha chuchu story lang ito! :D

- - -

"So what's your surprised?" Tanong agad ni Zoren pagkasundo ako sa room namin. 

I'm sorry Zoren. Hindi ko muna pwedeng sabihin. "Uhmm..you haven't meet my parents right?" Wala akong maisip na ibang bagay eh.

"You mean..." 

I nodded "Ipapakilala kita sa kanila kapag both of them ay nasa bahay at kapag..ano, alam mo na." 

Malapad na ngiti ang gumuhit sa mukha niya. "Okay, I get it. I feel excited, huh. That was really a surprise."

"Hi Ate Sam! Hi Kuya Zoren!"

"Uy, Dianne." Awww, ang cute talaga ng dalawang 'to kapag magkasama. "Hi Blake."

"Maglalunch na kayo?" Tanong ni Dianne samin. Tumango naman ako. "Sabay na tayo. Let's have a double lunch date. Right, Blake?"

"Malay ko. Aray!" Siniko na naman siya ni Dianne. "Sorry na, nagbibiro lang. Oo, sabay sabay na tayo."

Natatawa na lang ako sa kanila. Kung kelan sinusubok nila ang isa't isa saka naman sila naging aso't pusa. 

So ayun nga, nasa canteen na kami. Magkatabi kami ni Zoren at sa harap namin magkatabi rin sina Dianne at Blake. Sina Blake at Zoren ang umorder ng kakainin namin. Parang hindi talaga gusto ni Blake si Zoren. I'm glad hindi un ginagawang issue ni Dianne.

"So, kamusta na kayo?" Pagtatanong ko. 

Bigla biglang lumapad ang ngiti niya at wari ko'y kinikilig siya. "Ate Saaaam. Isa lang ang masasabi ko, sobrang kinikilig ako. Hihihi"

Halata nga sa mukha niya, "Mukhang mapagtatagumpayan niyo ang mission ah." Nakangiting sabi ko.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagsalita, "Haaay, sana nga Ate Sam." Pero hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya.

"Excuse me lang Dianne ha, magcCR lang ako." Lumas na ko ng canteen at nagpunta sa ladies room. Sa di inaasahang pagkakataon ay nandun si Marianne naghuhugas ng kamay.

"Hi, Samantha." Bati niya sakin. Ngumiti lang ako bilang ganti. Pumasok na ko sa isang bakanteng cubicle. Lumabas na rin ako pagkatapos pero nagulat ako ng madatnan kong nandun parin siya. Tila hinintay ata akong matapos.

"Birthday ni Zoren sa December 5. What's your plan?" Kumunoot ang noo ko sa tanong niya. Bakit niya biglang naitanong yun?

"B-bakit?" Pagtatanong ko.

Tumingin siya ng diretso sa mata ko, "Zoren is a good friend of mine. And he is your suitor, aren't you suppose to do something for him bilang manliligaw mo?" Mas lalong napakunot ang noo ko dun. Bakit...bakit biglang ganito ang attitude ni Marianne? Its like, ang sungit niya pati ang aura niya. Ibang iba sa unang impression ko sa kanya.

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon