Papansin 16: Playground

168 3 0
                                    

 Sam's POV

Matapos naming kumain ay nagpunta kami sa isang playground. Kung saan abandonado ng playground. Kinakalawang na ang swing, yung slide pwede pa naman pero parang bibigay na, yung seesaw, sira na, yung monkey bar, putol putol na.

"Anong ginagawa natin dito Nethan?" Bakit niya ko dinala dito?

"Sa tingin mo ba Sam pwede pa ang lugar na ito?" Inikot niya ang tingin niya sa lugar, ganun din ako.

"Hindi ko alam. Siguro?"

"Sa tingin mo kung maaayos ang mga yan," Tumigil siya sandali kaya napatingin ako sa kanya, mukha siyang malungkot. "sa tingin mo may maglalarong mga bata?" Tumingin siya bigla kaya iniwas ko ang tingin ko. 

"Bakit hindi natin subukan?" This time ako na ang tumingin sa kanya na may kasamang ngiti pero siya nakatingin parin.

"Subukan?" Nagtatakang tanong niya.

"Ayusin natin to. Tutulungan kita, namin."

"Talaga?" 

"Oo. Hehe."

"Yes! Thank you, Sam! Thank you!" Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ko. Aish! Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko, sasabog siya. Ugh! Air! I need air! Hindi ako makahinga! "Sam, okay ka lang?" Kumawala na siya sa pagkakayakap pero mabilis parin ang kabog ng dibdib ko, at hindi parin ako makahinga dahil sa kilig.

"O-oo, ayos lang ako. Hehe." Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Parang lumalala pa ata ang nararamdaman ko para sa kanya. 

"What makes you nervous?"

"Ha?"

"Lakas makatibok ng puso mo eh, dama ko nung yakap yakap kita."

"Ha?! Ano.....ganun lang talaga kapag, niyayakap ako." Ugh? Tama ba yun? Bakit yun ang sinabi ko? Ay, engot!

"I see. Sorry, pinakaba pa tuloy kita."

"Naku, ano ka ba, ayos lang yun." Gustong gusto ko pa nga eh. Mehehe.

Kahit masakal ako sa yakap mo ayos lang. ^____^

"Una, bumili tayo ng pintura."

"Tapos?"

"Tapos....hindi ko na alam. Hehe." Nagpaplano kasi kami ni Nethan para sa kasal namin. Syempre biro lang yun, dahil ang totoo pinaplano namin ang gagawin para maayos ang playground na 'to. Pintura lang kasi ang alam ko, para kung sakaling matapos na, ako magpepaint. Marunong naman ako eh.

"Siguro kailangan nating maghire ng mag-aayos dito." Saad niya habang iniikot ikot ang tingin sa lugar at nagsimula siyang maglakad, kaya sinundan ko. "Itong swing, kalawang lang ang problema. Yung seesaw, pwede na ang kahoy na pamalit. Yung slide, konting semento lang at yung monkey bar, papalitan na lang. Yun lang naman pala."

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon