Introduction

353 7 6
                                    

"Shoot!" Bulong ko sa sarili ko ng eshoot niya ung bolang hawak niya. Ay sayang hindi na shoot! Pero alam mo pasok na pasok ka sa banga ng lola ko este ng buhay ko! Yun oh!

"Huuuy!" Ay banga! Nagulat ako sa kung sino mang istorbo na to sa magandang fantasy ko ngayon. "Ano ginagawa mo jan?" Tssh. Loko, bestfriend ko pala. Nagtanong pa eh alam naman niyang matagal ko ng ginagawa to. Parang hindi na nasanay? At hindi rin ako nasanay sa mga panggugulat niya.

"Manahimik ka nga." Sabay talikod sa kanya at bumalik sa dati kong gawi. Ang manilip. =D

"Sinisilip mo na naman yang crush mo!" Mismo! Clap clap for you bestfriend! Haahaha! Nakakahiya mang sabihin, tama talaga siya madalas ko gawin 'to, pero uy hindi sa CR ah, sa Basketball court ng school namen. Madalas kasi siyang pumunta dito tuwing hapon, nagbabasketball mag-isa. Ako naman, ito palagi siyang pinagmamasdan ng patago. Mula sa pintuan sa likod, pinagmamasdan ko siya. Ang galing niyang magbasketball, pero hindi siya sumasali sa mga team. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, CRUSH ko siya. Period!

 "Bat di ka na lang pumunta dun at malapitan siyang tignan ha?!" Pak! Sinapak ko siya, di joke lang, kutos lang, ang daldal eh. Muntik na kong mahuli. Kung hindi ko lang best friend to matagal ko ng binaon sa lupa dahil sa kadaldalan. "Aray ha!" sabay palo sa braso ko habang hawak ang ulong kinutos ko.

"Ang ingay mo kasi eh. Tahimik lang." Pabulong kong sabi sa kanya na nanggagalaiti sa inis tapos sumilip akong muli pero wala na siya. Umalis na. Kasalan ng babaeng to eh.  Imbis na mas matagal ko pa siyang matititigan wala na. "Yan tuloy wala na!" padabog akong tumayo tapos nagsimula na kong maglakad, pauwi na, tapos na duty ko eh, ang paninilip.

"Eh bakit kasi hindi ka na lang gumawa ng paraan para mapansin ka?" sabi ni Anica.

"Eh panu naman? Maging sikat? Ano ipapasikat ko? Hindi ako matalino, hindi ako maganda, hindi rin ako sexy. Mayaman lang ako." Opo, yaman lang ang tanging meron ako. Sana man lang kahit talino pinagkalooban ako, kahit mga 40% out of 100% man lang. And damot  ng genes ng magulang ko!>.<

"Gurang! Anong hindi matalino? Tamad ka lang! Hindi maganda? Mag-ayos ka lang! Hindi sexy? Tss, jologs ka lang manamit!" Eh? Makapagsalita to ah. Palibhasa meron sa kanya lahat yan. Upakan kita jan bestfriend eh! Inakbayan ako ni Anica at sinabing, "Alam ko kasi Samantha, gayahin mo ko."

Ugh? Anu daw? Gayahin ko siya? Eh kung manamit parang artista na malandi, kung mag-ayos ng buhok kulang ang isang oras. Hindi ko nga alam kung panu ko 'to naging bestfriend. Isang sikat na chic sa School ang bestfriend ko, si Anica Imperial. Habulin ng mga naggagwapuhang lalaki. Matalino, maganda, sexy, mayaman, fashionista, basta lahat ng maganda nasa kanya na

Samantalang ako, isang hamak na Samantha Madison lang. Spoiled pero hindi Brat. Tamad akong mag-aral, ewan ko, tamad lang talaga siguro ako. Hindi ako nag-aayos, hindi ako marunong. Ilang beses na kong pinayuhan ni Anica pero wala din. Kuntento na ko sa kung ano ako ngayon eh. Kuntento na rin akong pasulyap sulyap lang sa taong gusto ko, si Nethan Avalon. Sikat din sya, hindi dahil sa varsity siya o kung anuman, siya kasi ang anak ng may-ari ng school namen, Avalon Academy. Madalas ko siyang makita na kasama ang barkada niya, with other popular girls, minsan nakakasama niya rin si Anica pero they're not close. Pero mas madalas ko siyang makita sa Basketball court ng school, gaya nung ginawa ko kanina.

"Hoy!" Nasigaw na naman siya. May mens ba 'to? Masasapak ko na eh.

"Ano ba? Sigaw ka ng sigaw!" Sinigawan ko rin siya. Mababasag eardrum ko sa babaeng to.

"Pakinggan mo naman kasi ang mga sinasabi ko sayo. Sundin mo." Nagsusumamong sabi niya saken. Marami na kasing mga payo ang sinasuggest niya saken pero hindi ko ginagawa. Ayokong magbago. Kuntento na ko kung ano ako ngayon. Pero tama rin si Anica, baka tuluyan na niya kong hindi mapansin.

"Eh Anica, paano ba maging tulad mo?" Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko kinutos ako.

"Hindi mo kailangang maging tulad ko! You can be better than me, Sam." Natouch naman ako sa sinabi niya. Pero ano bang ibig niyang sabihin?

"Ano ba dapat kong gawin?" Sabay upo ko sa bench malapit sa canteen.

"You need a change." Change? As in pagbabago? Pagbabago saan? Paano? Puro ako tanong sa sarili ko! Bakit di ko nalang mismo itanong ito sa kanya, author? Tsss. Baliw kadin eh. :P "But never change the real Sam." Yan na naman siya.

"Ano ba ibig mong sabihin?" Pabitin kasi ito eh, di pa diretsuhin.

"Baguhin mo yang style mo! Ang bulok mo kasi! Mas bulok ka pa kay Maria Clara eh!" Kamuntik ko na siyang batukan, pinigilan ko lang. "Magpapansin ka sa kanya! Pero dapat hindi ka ganyan. You need a make-over."

Make-over? Aaaah, gets ko na siya. Pero kakayanin ko kaya ang magbago? Hmmm, ba't di ko subukan, diba? Malay naten, malay ko, mapansin na rin niya ako. I'll take every risk just to notice me, just to get his attention, his eyes on me. And his Heart, for me. <3

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon