Papansin 27: The New Day

46 1 0
                                    

Umuwi ako sa bahay at hindi sa condo. As usual, wala na naman ang parents ko. Okay na rin yun, ayokong makita nila kong umiiyak o nasasaktan dahil sa love na yan. Buong gabi puro mga text at tawag nila Zoren at Ani ang natatanggap ko. Siguro ay nasabi na ni Monique na alam ko na. Wala naman akong galit na nararamdaman eh. Masakit lang talaga kasing malaman na may nilihim pa sayo ang best friend mo at kailangan mong itigil ang nararamdaman mo sa isang tao. Inisip ko ring wag pumasok kaya lang naalala ko ung mga sinabi ko kagabi. Na uumpisahan ko ang lahat sa dati at mag-aaral ng mabuti at kakalimutan ang pag-ibig na yan.


Pumasok ako ng school na buo sa loob ko ang pagsisimula. I am really starting over again. Wala ng urungan 'to. Aja! Paakyat ako ng hagdan ng makasalubong ko sina Dianne at Blake, ngumiti ako at binati sila, "Hi."

Nagtaka ako ng batiin rin ako ni Dianne pero nilagpasan lang ako. Napasunod ang tingin ko sa kanila na nagtataka at ganun din sila, "Wait! Ate Sam?" Gulat na tanong niya.

"Dianne," Ngumiti ako sa kanila pero sila puno ng gulat at pagtataka sa mata.

"Ate Sam, ikaw yan? Anong nangyari sayo? Bakit...bak-"

"This is the real me." Pagpuputol ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang mas confident na kong sabihin na ganito ako. Yung simpleng babae na may salamin, nakapusod, mahaba ang palda at walang kahit ano mang make-up.

"Grabe Ate Sam, hindi talaga kita nakilala agad. Pero infairness, kung titigan ng mabuti makikita parin ang ganda mo." Walang tigil na satsat ni Dianne. Natatawa na lang tuloy ako. Niyaya ko sila sa canteen tutal ay maaga pa naman para sa kanya kanyang first subject namin.

"Binobola mo ko eh." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ah, promise!" Tinaas pa niya ang kanang kamay niya. "Diba Blake?" at saka sinagi si Blake na noo'y nakatingin lang sakin.

"Ha? Hindi."

"Anong hindi?! Maganda kaya siya!" Inis na sumbat naman ni Dianne.

"Ha? Ano bang tinanong mo?" Haha. Haay, Blake halatang wala ka sa sarili mo.

"Tsss, ang sabi ko maganda si Ate Sam." Saka niya inirapan si Blake. Buti pa tong dalawa, haaay.

Umalis na rin ako ng mag-alas-otso na ng umaga dahil may klase na ko. Pero habang nasa daan ako papunta sa room ko ay nakita ko sila. Yumuko para hindi nila ako mapansin pero si Ani, alam kong pansin na pansin niya ko. Diretso lang ako sa paglalakad pero nung halos magkatapat na kaming lahat ay may bumigkas ng pangalan ko kaya sabay sabay kaming napatigil.

"Sam, let's talk." Nakatalikod ako sa kanila pero ramdam kong nakaharap silang lahat sa akin. Siguro ay puno na rin ng gulat at pagtataka sa mukha nila.

"Sam? Where's Sam?" Narinig kong tanong ni Monique. Pero hindi siya pinansin ni Ani.

"Please." Pagmamakaawa pa nito sa akin.

"Sorry may gagawin pa kasi ako." At saka na ko nagpatuloy sa paglalakad. Mas mabilis na ang lakad ko ngayon compare kanina. Baka kasi habulin ako nun pero thanks God, hindi.

Hindi sa ayoko siyang kausapin dahil gusto ko pero wag muna ngayon, pinapakalma ko pa ang lahat. At kapag kalmado na, ako na mismo ang pupunta sa kanya at kakausapin siya. Best friend ko si Ani at kahit anong mangyari, best friend ko parin siya kaya aayusin namin ang lahat.

* *

"Samantha,"

"Uy...Blake." Tumabi siya sa akin at inabutan ako ng tubig. "Salamat."

"Anong nangyari?" Nagtaka ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon