Papansin 22: The Other Side

108 1 0
                                    

"Wanna know why?" Napalingon ako sa kanya at naghintay ng sagot. "I'd just try you. Kung kakagat ka. But then, narealize kong hindi ko dapat ginagawa yun bilang isang kagrupo ko. Kaya binawi ko." Ito talaga ang great. Ang pinakagreat sa lahat ng great sa mundo. 

 

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Pero isa lang ang masasabi ko, ang sakit pakinggan. At ang sakit malaman.

 

"Don't take everything too serious. It might hurt you." At wow, wow talaga. Nagawa mo pa kong bigyan ng advice. Hindi ko alam na may side ka palang ganyan, Nethan. Sabagay, puro mabubuting gawa lang kasi ang ipinapakita mo sa mga tao.  

 

Bakit ba ang tanga ko? Di ko naisip yun? Grabe lang. Sobrang grabe. Tamo, grabe na sobra pa.

 

"Nethan," nilingon ko siya at nakita kong tumigil siya matapos akong lagpasan. "don't take everything just for fun.." lumingon siya sakin.  "..baka ikaw ang magmukhang funny sa huli." Then I walked out. Papalabas na ko ng playground ng huminto ako at nagsalita ulit.

 

"Siya nga pala, may aaminin ako. Crush kita noon, buti na lang hindi na ngayon."

 

-----

"What? Sinabi mo yun???!!" Ouch! Lakas makasigaw. Kinwento ko kasi sa kanya ung nangyari kagabi at tungkol sa mga sinabi ko.

 

"Oo nga sabi. Mali ba?"

 

"Syempre hindi! Hahaha! Ang tapang mo, Samantha Madison!" Ganito talaga kapag pinupuri ako ni Ani ano? Buong pangalan ko.

 

"So, tama lang yung sinabi ko?" Tanong ko ulit. Para kasing hindi tama. Ewan.

 

"Of course! Dahil dyan, ako ang maghuhugas ng pinggan! Haha!" Yes! Haha, pero seryoso siya? Tama?

 

"Pero Ani, matanong ko lang. May side ba talaga si Nethan na ganun?"

 

"Sa totoo lang Sam, meron, pero dati yun. Hindi ko alam na babalik siya sa ganun. Pero alam mo, buti na lang hindi niya itinuloy ung balak niya sa'yo." So, dapat pa pala akong magpasalamat? Nasaktan parin ako dun. "Kasi kung itinuloy niya yun, hindi mo lang siya gugustuhing makalimutan, gugustuhin mo rin siyang gantihan."

 

"Anong...ibig mong sabihin?" Ganun ba siya kasama sa side na yun? Side na gaya ng karamihang lalaki? Ang manloloko, babaero, o casannova? 

 

"Nethan is still a guy. He do what other guys used to do. Play with girls or whatever. Before! Kaya buti na lang hindi ka natuloy." Great. Just great. Bakit hindi ko alam to? Tsaka bakit ngayon lang sinabi ni Ani ang mga to?

 

"Why you didn't tell me?"

 

"You're not asking." I glare. "Ang akala ko kasi nagbago na talaga siya. Tsaka hindi ko naman alam ang buong story. Nakwento lang sakin nun ni...Zoren." Speaking of Zoren. Hindi pa ako nakapag-isip. Tanungin ko kaya si Ani kung anong palagay niya? 

 

"Okay. Haaay, ganun pala si Nethan. Ang akala ko perfect siya." Sabagay, nobody is perfect nga naman pero bwisit siya.

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon