Papansin 11: ♫ I want you to be mine

180 6 8
                                    

Dinala niya ako sa isang lugar kung saan may makikita kang lawa. Sa ilalim ng puno ay may bench kaya dun kami umupo. Ang payapa ng lugar, ang sarap magdaydream, ang sarap ipatong ang ulo ko sa balikat niya, ang sarap hawakan ang mga kamay niya, ang sarap umupo dito kasama siya.

"Sam," Ang sarap pakinggan ng boses niya.

"Sam," Sige na, ulitin mo pang bigkasin ang pangalan ko. Ang sarap pakinggan.

"Oy Sam,"

"B-bakit?" Tsk. Gusto ko pa sana ipaulit eh.

"Ang ganda dito no?"

"Oo."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo." Teka, bakit parang alam na niya ang lugar na 'to? Di ba ngayon pa lang siya nakakarating ng Baguio? Ako nga ilang beses na kong pumunta dito pero hindi ko pa nakikita itong lugar na 'to.

"Alam mo Sam, hindi naman totoo na hindi pa ko nakapunta dito." Eh? Sabi mo kanina....aish, sinungaling ka pala.

"Sinabi ko lang yun kina Monique para ipilit na dito pumunta. Dahil gusto kong balikan ang lugar na ito mismo."

"Ganun ba. Ano bang meron dito sa lugar na 'to Nethan?"  Bago siya sumagot, may gumuhit na ngiti sa labi niya. Hindi yun sincere, dahil ang mata nito, may lungkot. You can tell if a person is sincerely smiling if his eyes are also smiling.

"Anong meron ang lugar na 'to? Marami."

"Gaya ng?"

"Mapagkakatiwalaan ka naman di ba?"

"Ah? O-oo naman!" Basta ikaw Nethan. Tumahimik muna siya ng mga ilang segundo bago pa muli magsalita.

"Dito ko nakilala ang isang taong nagkaroon ng malaking parte sa puso ko. Pero dito ko rin siya huling nasilayan."

"Anong nangyari?"

"Nilayuan ko siya."

"Ha?" Pero hindi na siya muling sumagot. Pinatong niya na lang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Secret yun ah. Wag mong ipagsasabi." Tumayo na siya at sumakay sa bisekleta.

"Teka! Bat mo siya nilayuan?"

"Sasakay ka ba o lalayo na rin ako?" Natatawang sabi niya.

"Wag! Wag mo kong lalayuan Nethan!"

". . . ."

"I mean....wag mo kong iwan dito, hindi ko alam pauwi eh." Shems! Nakakaloka ako!

"Hahaha! Eh di halika na, sakay na."

"Hey! Saan kayo galing?"

"Nagdate kayo no?"

"Hindi."

"Ay, sabay sumagot? Pinag-usapan?"

"Hindi nga."

"Kailagan talaga sabay?"

"Bahala nga kayo."

"Hahaha. Ilang oras niyong prinaktis ang magsabay?"

"Oh? Sabay rin ang pagwalk-out? Wow! Kayo na! Hahaha!"

Pumunta ako ng sala, ewan ko kay Nethan. Mejo nakakapagod kaya umupo dun sa ano ng bisekleta. Ang sakit sa pwet.

"So saan kayo galing?" Haaay si Monique talaga.

"Wala nga."

"Sus! Pero bakit parehas kayo ng sinasabi? Plinano niyo no?"

"Hala! Hindi ah."

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon