Papansin 26: Sam's Decision

47 1 0
                                    

Nagsimula na kong maglakad papunta kung saan. Halos lahat ng madaanan ko napapatingin sa akin. Sino nga ba ang hindi mapapatingin sa babaeng nakadress, nakayapak at umiiyak? Para akong tinakasan ng date. 

Wala akong maisip na lugar kung saan pwedeng maglabas ng sama ng loob. Hindi pwedeng sa condo dahil alam kong kapag napansin nila Ani na wala ako, dun nila ako mahahagilap, ganun sa bahay. Wala na kong ibang alam na lugar maliban na lang sa playground. Hindi naman alam ni Ani yun, at alam kong hindi rin maiisip ni Zoren yun. 

So in the end, sa playground ako nagpunta. Iyak lang ako ng iyak dun. Iniisip ang kwento ni Ani sa akin na tungkol daw sa libro pero tungkol lang pala sa kanya yun. Baliw talaga, nagawa pang mag-imbento na limited edition lang ang libre yun pala ay ayaw niya lang ipaalam. Naalala ko kung gaano siya kalungkot habang ikinukwento sa akin yun noon. Kaya pala ayaw ng prinsesang sinasabi niya na ipaalam ang nararamdaman sa prinsipe ay dahil sa prinsesang iniibig nito na wala akong kamalay malay na ako pala yun.

It's good to hear that he cares for me and he cares most for Nethan but it's not that good to hear that he forgot her happiness just for the happiness of her love one. 

Kaya idol ko si Anica eh, she do things without thinking of her own sake.

Pero nakakainis, ang unfair talaga! I am her bestfriend pero ako pa ang huling nakaalam ng tungkol dun. Edi sana sa una pa lang nilayuan ko na ng tuluyan si Zoren. Edi sana hindi ko na naramdaman ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon. 

Mabuti na lang pala at hindi pa niya nasakop ang buong puso ko dahil kung hindi mas lalo akong masasaktan.

"Dapat umuwi ka na lang." Saglit akong natigilan sa boses na yun. "Nilalamok ka tuloy." Hinubad niya ang coat niya at nilagay sa balikat ko.

Bakit siya nandito? I thought hindi na siya babalik pa dito?

"Why are you here?" Naiiyak na tanong ko.

"I want freedom." Diretso niyang sagot at umupo sa tabi kong swing.

"Do you have handkerchief?" Tanong ko. Eh kasi naman puno na ng uhog ilong ko. Kinuha naman agad niya ang panyo sa bulsa at inabot sakin. "Pasinga ha?" At saka ako suminga. Ibabalik ko na sana kaso umiling siya na wag na lang.

"Ikaw, bat ka nandito?" Pagbabalik niya ng tanong.

"I also want freedom." At nagsimula na naman ang mga mata kong lumuha. Aish, I'm such a cry baby.

"Freedom to cry?" Tanong niya ulit saka lumingon sakin. Tumango lang ako habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. "Why?"

"I'm hurt." Matipid kong sagot. I am really hurt.

"Samantha, I will do something. Please don't stop me." Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero bago pa man ako makapgreact sa sinabi niya ay mabilis niyang iniharap ang swing na inuupan ko sa kanya at agad agad akong niyakap.

"Just cry. Don't mind my hug." Pag-uutos niya.

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon