Papansin 13: New Memories

219 6 6
                                    

"Huy, anong ginagawa mo jan?"

"May sinesearch lang ako."

"Ano naman yun?" Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagsesearch. "Gusto mo?" Inalok niya ako ng chichiria na kinakain niya.

"No thanks." Patuloy lang ako sa pagtitig sa tablet at pagsesearch.

"Ano ba yang pinagkakaabalahan mo jan?" Tanong niya ulit. Ang kulit talaga ni Josh.

"Hinahanap ko kasi ung mga latest limited edition na mga book na pinublish." Hindi ko parin siya nililingon.

"Anong title ng libro?"

"Ano..." Teka, ano nga ba? Ang tagal ng nakukwento yun ni Ani pero hindi niya sinasabi yung title. O baka nasabi na niya pero nakalimutan ko lang? Ay ewan.

"Hindi mo alam? Mas mahihirapan kang hanapin niyan." Tama si Joshua. Haay mabuti pa itatanong ko muna kay Ani para mas madali.

"Asan pala yung iba? Bakit parang walang tao dito ngayon?" Nasa sala kasi kami ni Joshua. Siya nanonood ng TV ako nagtatablet.

"Ewan. Di ka nila sinama?"

"Sinama, kaya nga andito ako eh."

"Pilosopo ka rin no?"

"Biro lang. Ikaw di ka sinama?" This time, siya naman ang namilosopo.

"Sinama, kaya nga andito rin ako." -____-

"Ha ha ha. Nakakatawa." Inirapan lang ako at saka sumubo ng chichiria niya. Nakinood na lang rin ako sa kanya ng TV tutal ay wala rin naman akong gagawin. Pero saan nga kaya sila nagpunta? Kami lang ba ni Joshua nandito? Si Nethan kaya, sumama rin?

"Joshua, tayo lang ba nandito?"

"Oo, bakit?" Ewan, pero pabulong niya 'un sinabi. Ultimoy sikreto lang ang sasabihin. Pero bago pa man ulit ako makapagsalita ay bumulong ulit siya, 'ung mas mahina at mas malapit sa tenga ko.

"Rerape'n mo ko?"

*tugsssh*

"Aray! Matigas kaya yang tablet!"

"Matigas? Pasubok nga ulit.."

"Wag tama na!"

"Kasi eh, ang pilyo pilyo!" Lumayo siya sa akin ng upuan para hindi ko na siya mabatukan ng tablet.

"Asan yung iba?" Waaa! Nethan is that you?

"Oh Nethan, hindi ka rin sumama?"

"Sumama kaya nga andito ako eh."

"Pfft.." Nagtinginan kami ni Josh na parehong pigil ang tawa.

"Oh ano? Tawa lang." Napansin niya sigurong pigil na pigil kami kaya naman,

"Hahahahaha!" Tumawa na rin kami ni Josh. Nakakatawa lang kasi pareparehas kami ng sagot sa tanong ni Josh na obvious.

"Alam niyo," Tumayo si Josh at lumapit kay Nethan at umakbay ito. "..parehas tayong mga pilosopo." Natatawang sabi ni Josh pero si Nethan, seryoso lang ang mukha.

"Ikaw lang." Tinanggal ni Nethan ang pagkakaakbay sa kanya ni Josh at umupo sa tabi ko? O.o

Kaya naman agad akong umayos ng upo, pasikreto ko ring inamoy ang sarili ko kung mabaho ba ko, pero mabango naman. Inayos ko rin ang buhok ko para mas maliwanag tignan ang mukha ko.

"Ano gusto niyong kainin? Magluluto ako." Alok ni Joshua na siyang kinagulat naman ni Nethan.

"Nagluluto ka? Marunong ka?" Tanong ni Nethan kay Josh.

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon