Papansin 2: Speechless

343 11 0
                                    

"Thank you" Kinuha ko na ang sukli ko sa counter ng dress shop. I bought new clothes since Anica told me na dapat magstick muna ko sa pagiging chick. Yeah, chick as in nung kagaya niya. Yun na rin ang tawag ng ilan sa akin. Since matagal na rin akong nagsusuot ng mga kagaya ni Anica. Mag-isa lang ako ngayon, gusto ko kasing makapagpalipas ng oras na mag-isa. At gusto kong makapag-isip ng susunod kong gagawin para sa atensyon na gusto kong makuha kay Nethan. Ano na ba gagawin ko? Haaaay! Buti pa kumain muna ko, since nasa tapat na ako ng Mister Donut. Pumasok ako at nag-order. 

"Limang Bavarian Doubles tapos isang box na ganyan." Hindi akin lahat yan. Ibibigay ko kay Anica ung isang box.

"Drinks Ma'am?" tanong sakin ng babae.

"Aaah, iced tea na lang." Ayoko ng softdrinks, sabi nila nakakabilbil daw? Ganun kasi si author eh. HAHAHA!

"Here Ma'am." inabot saken ng babae ang tray at nung box. I smiled at her as a sign of saying "thank you" then umupo na ko sa isang table. Habang ngumunguya ako ng donut naisip ko na naman ang dapat kong isipin. Bakit ba kasi ang hirap mag-isip ng paraan para sa antensyon na gusto mong makuha?

Alam ko may mga bagay na pwedeng gawin para mapansin pero  ang gusto ko is ung talagang talaga na mapapansin ako na mag-i-stick ako sa isip niya. Aaah! Nakakabaliw! Kumagat ulit ako ng donut ko ng galit, eh kasi naman, walang laman ang utak kaya di makapag-isip! Buti pa ang tiyan kayang magkalaman pero bakit ang utak ang hirap??!

Napalunok akong bigla at nagkaroon ng bumbilyang umiilaw sa ulo ko.

"Aha!" sambit ko sa sarili ko na tuwang tuwa. Kinuha ko ang phone ko at nagdial. "Mom!" bati ko agad pagkasagot ng phone ko.

"What is it honey?" sa tono ni Mommy parang nabigla siya.

"I want a tutor now. Call Miss Samonte to come later at 7pm." Diretso kong sagot kay Mom. Alam niyp kung ano naisip ko? Gusto kong maging magaling at mahusay na studyante sa school. And by that, maybe Nethan will Notice me. Kasi sa bawat exam na nagaganap, ang mga results ay ipinopost sa bulletin board ng school. At kapag sakaling makapasa ako sa top8 highest scores sa year level namin, makikita niya pangalan ko. Di man ako makita niya atleast manlang yung pangalan ko diba? ^_^

"Are you sure? or are you sick?" nagtataka siguro si Mommy.

"Hahaha! No Mom, I'm okay. Just call her." Siguro hindi akalain ni Mommy na ipapagawa ko un. Matagal na siyang rinrecommend ni Mom saken para maging tutor ko kasi ng hindi kataasan ang grades ko pero hindi ako pumapayag. Lalo lang nitong pinapamukha saken na bobo nga ako. Pero ngayon, I need to do this, for me, and for Nethan.

"Okay honey, I'll call her." Tuwang tuwa na siguro si Mommy dahil tataas na ang mga grades ko.

"Okay Mom. Thanks!" Enend call ko na at dahil excited na kong umuwi, di ko na tinapos ang pagkain ko at tumayo na ko. Palabas na sana ako ng pinto nang may biglang humawak sa balikat ko.

"Naiwan mo." inabot niya sakin yung box ng mister donut na ibibigay ko kay Anica. Dahilan para mapatulala ako.  Alam niyo kung sino ang taong 'to? Si Nethan! Oo, Hindi ako maaring magkamali. Kahit sampalin niyo pa ko ngayon, siya talaga. Nakashades sya pero halata ko ito sa mga labi niya. Hello? Marami siyang picture saken no! Hahaha! Siya talaga! OW-EM-GEE!

Kinuha ko ang inabot niyang box ng wala sa sarili as in tulala lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na siya talaga 'to. Hanggang sa nag-imagine na ko na nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ayan na! Malapit na malapit na! Pinikit ko na mata ko dahil hahalikan na ko. *Pikit mata* 

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon