Papansin 15: He Can't

170 3 1
                                    

SAM'S POV

 "Sam!" Papasok na ako ng gate nang may isang gwapong boses ng lalaki ang narinig ko. Medyo familiar.

"Sam." Hingal na hingal niyang sabi.

"Blake?" Tumakbo ba 'to? At kilala pa niya ko.

"Saan room mo?" Bigla niyang tanong. 

"Sa room205, 2nd floor." Nakatulala lang ako sa kanya. Si Blake ba 'to? Yung lalaking tinulungan ko na uhm baduy? Bakit, bakit ang gwapo na niya? Bakit....bakit iba na siya?

"Hatid na kita, Sam." Wow. Blake. You're so....attractive? "Sam." Natigilan lang ako sa pagtitig sa kanya ng inalog niya ang balikat ko.

"Blake, ikaw na ba yan? Ibang iba ka ah. Tanda ko may bowtie ka pa nun sa leeg." Sa sinabi kong yun natawa siya. Iba na rin ang way of laughing niya. Para na siyang, hearthrob.

"Haha. Ayos ba?" Tanong niya.

"Ayos na ayos. Ang cool mo na tignan." Di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nagkakasala na ko kay Nethan. Huhu. Echos.

"Hatid na kita." Tumango na lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Halos lahat nga napapatingin sa kanya. Ang gwapo talaga kasi niya.

"Yow Sam!" Sa kabilang hallway, nakita namin ang Top8, yun ang tawag sa grupo nila, namin.

"Hi guys!" Bati ko naman sa kanila. Lumapit bigla sakin si Ciara,

"Uy girl, sino yang kasama mo? Ang gwapo!" Kinikilig na bulong ni Ciara.

"Hoy Ciara baka nakakalimutan mo, boyfriend mo ko." At hinila ni Josh si Ciara palapit sa kanya at saka inakbayan.

"Tssss. Nakalimutan ko na nga eh, pinaalala mo pa." Naiinis na sabi ni Ciara. Kaya ginulo na lang ni Josh ang buhok ni Ciara.

"Guys, si Blake. Blake, friends ko." Tumango lang ang boys at ngumiti naman ang girls.

"Hello." Matipid na bati ni Blake. "Tara na Sam, baka magsstart na klase mo."

"Ako na maghahatid sa kanya, brad." Lumapit si Zoren at kinuha ang bag ko. 

"Ah...eh-"

"Ako nauna." At binawi naman ni Blake ang bag ko kay Zoren.

"Wala akong pakialam." Binawi ulit ni Zoren ang bag ko.

"Ako meron. Ako na maghahatid." At kinuha niya ang bag ko kay Zoren saka ako hinatak. Ngayon ko lang narealize, ang haba ng hair ko!

"Nethan, bakit?" Hila hila niya ko. Hawak niya ang kamay ko, oo kamay.

"Anong bakit?" 

"Bakit ikaw?"

"Wala lang. Mukha kasing hindi sila matatapos sa pagtatalo. Saan ba room mo?"

"Sa 205."

"Anong oras klase mo?"

"8. Wait! Anong oras na ba?"

"8:30."

"Ano?" Late na ko. Tapos yung teacher ko, masungit at hindi na nagpapapasok kapag late.

Tumigil ako kaya napatigil rin siya. At saka niya binitawan ang kamay ko.

"Di na ko papasok sa 1st class ko." Mahinang sabi ko at saka umupo sa hagdan. Nalulungkot kasi ako eh. I promised Ate Anda na hindi ako magpapalate o mag-aabsent. Pero, nangyari na. Haaaaay.

"Wag kang mag-alala. Hindi naman regular class ngayon."

"Ha?"

"Birthday ni Mommy, kaya magcecelebrate ang mga teachers." Sa sinabi niyang yun natuwa ako. At least buo parin ang promise ko. "Sam,"

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon