Papansin 17: Heart beats fast

167 4 5
                                    

 Sam's POV

Ang tagal naman ni Nethan, para kukunin lang yung bola eh.

"Ate, asan na ung mama? Baka tinakbo na ung bola namin." Nag-aalalang sabi ng bata.

"Mayaman yun, wag kayong mag-alala."

"Ate, boypren mo yun?" Tanong ng isa.

"Ha? Hindi. Hehe." Wish ko nga oo eh. 

"Eh bakit kayo magkasama?" Tanong ulit ng isa. Okay, interview?

"Kasi...magkaibigan kami." Pero gusto ko, higit pa dun! Sharot!

"Sayang." Sambit ng isa with matching iling pa.

"Bakit sayang?" Tanong ko.

"Bagay kayo eh."

"Ayeeeeee." Haaay, tong mga bagets na to, pinapakilig ako. Hahaha! Stop it, you little cuties! 

"Ssssshhhh. Baka marinig kayo, kiligin pa yun. Hihi."

"Hahaha. Harot mo ate, joke lang yun. Hanapin mo na ung mama." Cute na mga bata. Nakakabadvibes. -__- Masundan na nga lang yung love of my life ko. Dun may kiligvibes.

"M-Marianne?"

Ha? May kausap siya? 

"Nethan."

Sinilip ko muna kung sino ang kausap ni Nethan. Kaso hindi ko makita kasi nakaharang si Nethan. Iniba ko ang posisyon ko at dun nakita ko ang isang babaeng ubod ng ganda.

Magkaharap sila. Hindi sila nagsasalita pareho pero....ramdam kong nag-uusap ang mga mata nila. Gusto kong sumigaw para madistract sila kasi hindi ko kaya, bumibigat ung loob ko. At wala akong karapatan at lakas ng loob para manggulo. Kaya in the end, napabalik ako sa mga bata.

"Oh, anyare ate? Tinakbo na niya no? Ang sama ng mama na yun!"

"Kapag nakita ko yun, babaliin ko ang mga buto at ugat niya."

"Tsaka kakalbuhin namin!"

"At itatali saka isasako at papaluin ng dospordos."

"Tapos itapon natin sa Pasig river!" Sabat ko naman. Hahaha. Naiinis ako sa kanya eh. Or let's just say, nagseselos ako. Bakit? Hindi ko alam. *sigh*

"Sino ang itatapon sa Pasig river?"

"IKAW!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata kay Nethan. Okay, mga cute talaga sila.

"Bola niyo." Inabot niya yung bola.

"Yeheeeey!"

Nagtakbuhan sila at muling naglaro. Naiwan kaming dalawa. Nakaupo ako sa isang swing. Naupo rin siya sa kabila.

Katahimikan.

Katahimikan. 

Ayoko nitong katahimikan na 'to, pero anong magagawa ko? Ayokong magsalita. Anong oras na ba? Magsisix na ng gabi. Yung mga bata! Kailangan na nilang umuwi!

"Kids! Kailangan niyo ng umuwi!" Sigaw ko sa kanila. Enjoy na enjoy parin sila sa paglalaro. Masunurin naman sila kaya huminto sila sa paglalaro at lumapit sakin.

"Ate, pwede ba kaming bumalik ulit dito bukas?"

"Oo naman."

"Eh sa makalawa Ate, pwede ulit?"

"Of course."

"Kahit sa susunod na linggo?"

"Kahit araw-araw."

"TALAGA?" Ouch! Mabibingi ata ako sa kanila. Sabay sabay ba namang sumigaw?

"Oo. Hehe. Wag kayong sumigaw."

Ang Dakilang PAPANSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon