AN:
Sorry para sa napakatagal na update. Nasira kasi yung lappy ko. So now nandito ako sa comp shop. Nagtitiis XD.
===
noelle's POV
"Ano nga pala gagawin mo dun?" tanong nya
Naku! Baka makalaya na ako. Pwede rin akong makatakas ngayon diba? Kasi wala naman akong bantay? Pero anong sasakyan ko -_-.
Pwede namang sabihin ko kay Zyke tulad ng naisip ko kanina diba? Pero sino kaya maniniwalang kinidnap ako kung nakakalabas-pasok ako dun sa bahay nung kidnapper ko diba? Magmumukha lang akong tanga.
*snap*
"Hey!"
"Ay! Ano... A-ano yun?" bulol kong sabi. Kita ng may iniisip ako eh -_-
"Lalim ata iniisip mo?" sya sabay tingin sakin.
"Ah hindi noh. May na-alala lang. Ano nga ulit yung gusto mong sabihin?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Sabi ko, ano bibilhin mo sa bayan." sya atsaka inayos ang upo atsaka hinipan yung bangs pataas. Omy! Astig!
"Ah- kahit ano lang. Eh ikaw?" sabay iwas tingin! oh my G! Ang lakas ng appeal niya!
"Ako? Mamimili lang ng panglagay sa ref. Wala na kasi laman ref namin eh. Haha" tawa nya.
"Ahh. Teka Mike-... Este Zyke! Sorry makakalimutin talaga ako."
"Ayos lang. Ano yun?"
"May kapatid ka ba dito or kamag-anak? Bukod sa tita mo?" ako.
Tinignan nya muna ako saglit bago sumagot.
"Oo nandito ang mga Kapatid ko. Yung mga magulang namin nasa ibang bansa eh." Sagot nya na tinanguan ko lang.
"Ilang taon ka na dito?"
"Siguro mga 6 yrs. Simula nung may bumili nitong Isla eh libre kaming pinatira nung may-ari dito. Dati kasi binabayaran pa namin yung Lupa eh. Makakatira ka dito sa isla sabi ng may-ari basta wag lang daw magtayo ng bahay sa gubat." Sagot ni Zyke.
"Huh? Eh paano si Darrhius at yung Tita mo?" ako. Kung bawal pala sa gubat bakit nandun kami diba?
"Yung tita ko nagpaalam naman dun sa may-ari dahil yung tatay nung may-ari eh Bestfriend ng tita ko. Yung kay Darrhius, ewan ko eh"
Omyghad! Lalo lang ata gumulo sa kwento ni Zyke eh -_-.
"Nandito na pala tayo" sya atsaka nag-abot ng bayad.
"Naku! Ako na lang magbabayad!" dali dali kong sabi
BINABASA MO ANG
He's My Kidnapper
RomanceNoelle Nakahara has been kidnapped. At first she can't accept everything. Until one night something happened and it lead her to escape from her kidnappers. She became a tool for revenge. What to do?