Chapter 29

3.5K 53 6
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dahil narin siguro sa maaga akong nakatulog kagabi.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na nadatnan si Darrhius sa sahig. Siguro kanina pa umuwi yon. Mabuti naman at nakaramdam na hindi sya welcome dito.

Patungo na sana ako sa sala ng makarinig ako ng tilansik ng mantika sa kusina kaya agad ko itong tinungo at nakita ko si Darrhius na nagluluto habang nakahawak sa sentido ang mga kamay. Tss hang-over?

"Sht" I heard him cussed

"Anong ginagawa mo dito?" Agad syang napalingon sakin kaya naman natalsikan ng mantika

"Aw! Fck sht" Aniya pero tinignan ko lang sya at hindi dinaluhan. Napatingin naman ako sa lamesa, may nakahain doon ang sinangag at yung tira kagabi pero ang napansin ko don ay ang sunny side up na itlog at isang scrambled egg

Tinignan ko ulit sya na ngayon ay pinapatay na ang kalan bago ako nagtanong

"Ano kako ang ginagawa mo dito?"

Tinignan nya muna ako bago sumagot

"Pinagsisilbihan kayo. Come on lets eat" Aniya habang binabasa ng tubig ang parte na natilansikan kanina. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Hindi na. Busog kami" Sabi ko pero ang totoo ay gutom na kami ni baby

"Weh? Yung anak ko gutom na kaya pakainin mo" napanganga ako sa sinabi nya. Aba! Lakas talaga.

"Baka anak ko?"

"Bakit? Ikaw lang gumawa?" Aniya at napanganga nanaman ako. Nakita ko sya na nagsisimula ng kumain at naramdaman ko na lang na napapalunok na lang ako na bawat subo nya

"Kumain ka na. Alam kong gutom ka Noelle, gusto mo atang subuan pa kita?" Napangiwi ako. No way!

"Hindi na. Kakain na ako" Sabi ko bago umupo sa upuan sa harap nya

Katahimikan ang namayani samin hanggang sa natapos ang aming agahan. Buti naman dahil baka mag burst out nanaman ako kung dadaldal sya. Hindi rin ako tumitingin sa kanya

"Masarap ba?" Nagkibit balikat lang ako at hndi parin lumilingon

"Pwede na" sabi ko habang nilalagay sa lababo ang pinagkainan. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin. Sobrang ganda ko ba para titigan?

"Ako na maghugas" Aniya kaya iniwan ko na ang pinggan don. Bahala sya

Dumiretso na ako sa sala at binuksan ang tv pero wala pang limang minuto ay naramdaman ko na lang ang paglundo ng sofa kaya alam ko na magkatabi na kami. Agad akong tumayo para sana lisanin ang sala pero agad nya akong hinatak kaya napaupo ako sa kandungan nya

Nanlaki ang mata ko ng dahil sa kapangahasan nya "A-anong ginagawa mo?!" Sabi ko pero tinignan nya lang ako at niyakap kaya agad kong hinampas ang kamay nya

"Brutal" bulong nya

"Pake mo? Tsaka ano ba?! Bitaw nga" mahina pero pasigaw kong sinabi. Oo pwede yan basta ako ang gagawa

"Stay still" Aniya at nag-angat ng mukha. Nang matignan ko sa malapitan ang mukha nya ay may nakita akong pasa sa gilid ng pisngi nya at sugat din sa labi nya na parang pumutok ito kaya agad ko itong hinaplos at kinurot na din kaya napangiwi sya

"Aray ko naman"

"Anong nangyari dyan? Sino ang gumawa nyan? Papasalamatan ko lang" sabi ko pero nginitian nya lang ako na hindi umabot sa mata

"Wala. Nasubsob ata ako kagabi?" Nanlaki ang mga mata ko. Ako ba may gawa nyan? Impossible! Sinipa ko lang yan

"Yung totoo" Sinuri ko sya at pinanliitan narin ng mata para effective. Kaya nasiyahan ako nung bumuntong hininga sya

"Kinausap ako ni Philip at ni Mr. Nakahara kaya sorry hindi agad ako nakapunta dito" Si Philip at si papa? Why would they do that?

"Usap lang? Eh bakit may pasa?" Ani ko bago tampalin ng mahina yung pisngi nya

"Syempre kasama na yan sa pag-uusap" sabi nya bago alisin ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko

"Anong katangahan kasi ang ginawa at sinabi mo." Sabi ko at pilit na umaalis sa kandungan nya pero mas humihigpit ang yakap nya

"Basta ginawa ko yon para sayo" Napa-irap ako sa sinabi nya. Sinungaling. Baka nagsumbong si Philip... pero knowing Philip? Hindi sumbungero yung isang yon e. Baka umamin sya?

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Ang higpit na kasi ng yakap nya

"Ang higpit ng yakap mo Darrhius. Baka masaktan si baby"  Sabi ko sa kanya at naramdaman ko na agad nyang niluwagan ang yakap nya.

"Sorry baby" bulong nya bago halikan ang maliit na umbok sa tyan ko. Sht kinikilig ba ako?

"Masakit pa?" Tanong nya. Umiling lang ako.

Tila may dumaang anghel sa pagitan namin dahil bigla kaming tumahimik na dalawa at dahil sa katahimikan na yon ay napaisip ako. Hindi naman siguro masamang makinig sa kabilang side diba?

"Mag-explain ka na" sabi ko at agad syang napatingin sakin. Kumislap ang mga mata nya na parang ang sinabi ko ay kakaiba

"You sure?" Tanong nya

"Oo"

"Baka napipilitan ka lang" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Bakit ngayon parang ayaw na nya?

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto ko. Kaso baka napilitan ka nga lang pero ayaw mo naman talaga" Aniya. Agad ko sya sinampal ng mahina

"Kung ayaw mo edi wag" Sabi ko bago umalis sa kandungan nya pero hinila nya ulit ako. Bumuntong hininga sya na parang nagpipigil kaya napairap ulit ako. Bakit ang hilig kong mang-irap?

"Sorry na. San ko ba sisimulan?" napatingin ako sa sinabi. Seriously? Ang gulo nya

"Aba malay ko" Sabi ko na lang. Nawala na ata ako sa mood

"Sht. I don't know that this thing would be this hard" Bulong nya pero narinig ko naman

"Ang arte mo kasi" Bulong ko din

"Sorry na nga kasi. Sige, san ko ba sisimulan?" Tanong nya kaya naman napaisip din ako kung saan nga ba.

"Eh San ba nagsimula ang lahat?" Tanong ko sa kanya.

"Oh I remember... It started when I kidnapped you right?" Aniya at tumango ako. Kahit na alam ko na kung bakit nya ako kinidnap ay gusto ko paring makinig sa side nya. Thanks to Philip for the infos

"Last chance na ito Darrhius. Ayusin mo yan" pananakot ko sa kanya pero alam kong huli na talaga to para sakin at sana ganoon din sa kanya

"Yes colonel"

He's My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon