Chapter 23

3.2K 59 6
                                    

“What!”

Nabigla kaming dalawa ng magring nanaman ang phone ni Autry

"Oh tignan mo tumatawag ulit. Sasagutin ko ba?" tanong nya at pinakita pa ang nakaregister na number ni Darrhius.

"Huwag!" sigaw ko. Hindi nya pwedeng sagutin. Hindi ko pa kayang marinig ang boses nya o ang sasabihin nya dahil malamang ay mamimiss ko nanaman sya

"Hinahanap ka nya sakin Noelle" sabi nya pa at tinitigan ang phone nya hanggang sa namatay ito

"Bakit naman nya ako hahanapin? Nagpapatawa ba sya. Umalis na nga ako dahil masakit na at kahit kailan hindi na ako babalik" yumuko ako pagkatapos kong ilabas ang sasaloobin ko. Bakit ganon? Sinubukan kong hindi umiyak at nagawa ko naman

"Sorry. Dapat pala di ko na sinabi" bulong nya na sapat lang para marinig ko

"Masakit kasi yung nangyari at gusto ko ng kalimutan. Alam mo yung ayaw ko na syang makita pero may parte parin na gusto ko. Ang gulo!" Ilang araw palang pero ganito na. Paano pa pag nagkita kami? Baka hindi ko kayanin

"Ayan ka nanaman. Feeling ko tuloy wala akong kwentang kaibigan dahil wala akong maipayo sayo" aniya at umupo sa tabi ko. Hinaplos-haplos nya pa ang likod ko

Tinignan ko sya at nginitian nya lang ako

"Salamat"

 

"Oo nga pala. Nagluto ako dahil alam kong gutom ka" Sabi nya makalipas ang ilang minutong katahimikan. Hinatak na nya ako sa kusina at nagsimula na kaming kumain

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sya at babalik daw sya sa resthouse nila kaya naman naiwan akong mag-isa dito.

May kalakihan ang condo ni Autry kaya nagkalikot na lang ako ng gamit nya buong maghapon. Nang kinagabihan ay ininit ko na lang yung ulam kanina at yun ang kinain ko at pagkatapos ay natulog na

Kinabukasan ay wala pa din si Autry. Siguro nagbarko sya o kaya naman sumakay ng eroplano kaya napagdesisyunan ko na dalawin na lang si Philip sa N-hotel. Yes Hotels ang main business namin, mayroon din kaming other business and that is restaurant wherein si mama ang namamahala

"Sa N-hotel po kuya" sabi ko sa taxi driver. May iniwang pera si Autry sakin kahapon kaya yun ang ginamit ko

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa loob at pumasok sa loob ng main hotel namin.

Dumiretso ako sa elevator na para lang sa mga big boss kaya di na ako nagtaka nang hinarang ako ng guard na nagbabantay

"Noelle Nakahara" sabi ko sa kanya at halatang nagulat sya. Hindi nya ba natandaan ang mukha ko?

He's My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon