A/N:
Malapit na pala tayong mag 10k reads noh? hahaha thanks! atsaka Nasa page 10 na tayo ng NTF! Salamat hahaha. Improving XD
Osya WALANG QUOTA. Nagbibiro lang ako.
========================Noelle's POV
3 Weeks later.
"Dadaan din ba tayong market?" Tanong ko sa kanya. Kasi pumunta ulit kami dito sa may bilihan. He bought me a hat lang. Request ko eh XD
" Oo nga pala! Wala na nga pala tayong stocks na mga pagkain" Bulong nya sakin. "Manong. Daan na nga rin tayo sa palengke" dugtong pa ni Darrhius.
Lumiko naman agad si manong."Meron din bang bilihan ng cellphone dun?" tanong ko sabay tagilid para makita sya. Araw-araw yan ang lagi kong tinatanong sa kanya.
Tinignan nya ako ng masama.
"Oo na. Sabi ko nga eh. Wag ng bumili eh" pagsuko ko.
Huminto na muna yung kalesa bago nagsalita si Darrhius. Haba! Darry na lang.
"Good. Dito ka lang ahh. Ako na ang bibili" Pagkatapos nyang sabihin yun eh bumaba na sya.
Nakaka bored naman dito! Tutunganga lang ako?
"Kuya manong!" tawag ko kay manong na nasa harap ko.
"Bakit hija?" sagot nya sabay lingon.
"Ilang beses nyo pinapaliguan yang kabayo nyo?" tanong ko pa."Anim na beses sa isang linggo. Bakit mo natanong?" Sabi nya.
"Balak ko ho kasing mag-alaga ng pony. Eh pwede ho bang araw araw paliguan?" ako.
"Depende hija. Kung napakainit eh araw araw talaga dapat" si kuya manong.
"Ahhh. Salamat *Smile*" pagtatapos ko ng conversation namin. Okay back to tulala mode ulit.
Nangalumbaba na lang ako at pinagmasdan ang mga tao sa loob ng market.
"Noelle?"Tinignan ko yung tumawag.
"Oh! Mike!" Tawag ko din. Mike nga ba name nya? Sya nga ba yun? Tagal na eh.
"Zyke ang pangalan ko" sabi nya pa sabay smile. Aba? Palangiti siya.
"Ganun ba? Hehehehe sorry. Madali lang talaga akong makalimot" Sabi ko na lang sa kanya. Tsk. Nakakahiya talaga!
"Nakakatuwa ka naman hahaha" tawa nya. Pati ba naman tawa gwapo?
"Cute mo!" sabi nya pa tapos inabot ako para kurutin sa cheeks.
"Awww" Kunyari nasasaktan ako pero di naman XD
"Ay? Sorry!" malumanay na sabi nya sabay bitaw sa cheeks ko at hinimas.
"no. It's okay na" Sabi ko sabay iwas. Shet! Napaka kapal ko talaga."Excuse nga pare" may biglang singit na naging dahilan ng pagtanggal ng kamay ni Zyke sa cheeks ko.
Ay lintik na sagabal.
Tinitigan ko lang ng masama si Darrhius pero sya inirapan lang ako.
Bakla talaga.
"Tara na manong." sabi ni Darrhius. Sus! Sino pa ba?
"Wait lang manong." sabi ko at bumaba.
BINABASA MO ANG
He's My Kidnapper
RomanceNoelle Nakahara has been kidnapped. At first she can't accept everything. Until one night something happened and it lead her to escape from her kidnappers. She became a tool for revenge. What to do?