Isang malutong na what the fuck lang ang nasabi ko pagkarinig ng sinabi nya. Hindi ko maibuka ang bibig ko
"I tried to stop him pero desidido na sya. Sabi nya na pa na baka tinatago daw kita dito sa Manila pero syempre I denied it kasi mas kampi ako sayo"
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya sinabi ko na lang ang mga gustong iparating sa kanya
"Pero Autry. I'm not yet ready to face him. Hindi pa pwede! Tatlong linggo palang akong nakakalayo at hindi pa sapat yon para maghilom ito" turo ko sa may dibdib ko. Bakit parang napaka-aga naman ata?
"I know okay! I know. Kaya namomroblema din ako kasi I'm so sure na ngayon o kahapon pa ang flight nya at kapag nalaman nyang nandito ka ay pupunta agad yun dito" aniya. Ayokong umasa na kaya nya ako pupuntahan dito ay para sakin mismo, hindi para mapabagsak si Philip kungdi dahil mismo sakin. Dahil miss nya na ako. Pero sino bang niloloko ko? Malamang gagamitin nila ako
"Maybe aalis ulit ako okaya babalik ako sa resthouse nyo para magkasalisihan kamo o kaya uuwi sa amin" dama na ang taranta sa sinabi ko. Maybe natatakot ako- no not maybe! Natatakot talaga ako
"Stop thinking Noelle. You're safe here okay? You are safe! Diba sabi ko sayo na hindi alam ng pamilya ko na may condo ako? So stop worrying okay?" hindi parin ako mapalagay sa sinabi nya. What if sundan sya ni Darrhius? O kaya makita niya ako sa labas? Dapat hindi muna ako lumabas ngayon
"Don't panic okay? I'm here to help you" niyakap nya ako pero parang babaliktad ang sikmura ko sa amoy nya. Nagpalit na ba sya ng pabango? Baka maawkward sya kapag sinabi ko na ayaw ko ng amoy nya kaya naman kumalas ako sa yakap nya
"May problema ka pa ba? Share mo naman" mapagbiro nyang sabi pero hindi man lang ako nangiti dahil gusto ko na talagang masuka
"Ahm-... CR lang"
"Ok" yan ang tugon nya kaya dali-dali akong tumayo at half run na nagpunta sa banyo
Umupo agad ako sa sahig at tinapat ang mukha ko sa toilet bowl at sumuka pero wala namang lumalabas kungdi mapait na tubig lang kaya nagmumog na lang ako at lumabas ng banyo
"Hey, okay ka na?" Nakita ko si Autry na kumakain na sa lamesa kaya naman dinaluhan ko na sya
"Ah medyo nahihilo lang"
"Baka gutom ka?" Inabutan nya ako ng plato kaya tinanggap ko at nilapag sa harap ko
Kukuha na dapat ako ng ulam pero nang naamoy ko ito ay napangiwi ako. Hindi kaya panis na ito?
"Autry, sira na ata itong niluto mo? Baka napanis na sa ref dahil dalawang linggo ka ring nawala" sabi ko sa kanya
"Huh? Eh kakabili ko lang nyan sa supermarket kanina so I'm pretty sure na fresh yan"
"Pero amoy panis" ulit ko. Hindi naman ako nag-iinarte pero ayoko talaga ng amoy
Tinignan nya muna ako na parang may alam sya na hindi ko alam bago sya bumuntong hininga.
"Ok fine. I'll cook you eggs" tumayo na sya mula sa upuan nya at pumunta sa harap ng kalan
ISANG linggo na rin ang nakalipas ng mangyari ang insidenteng yon at sa kabutihang palad ay hindi na naulit ang pagsusuka at biglaang hilo ko pero hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako dahil baka biglang sumulpot si Darrhius
"Maliligo lang ako. Huwag ka nang lalabas okay?" sabi ni Autry sakin. Ang alam ko ay aalis ulit sya pero hindi nya sinabi kung saan sya pupunta
BINABASA MO ANG
He's My Kidnapper
RomanceNoelle Nakahara has been kidnapped. At first she can't accept everything. Until one night something happened and it lead her to escape from her kidnappers. She became a tool for revenge. What to do?