Chapter 28

3.3K 52 5
                                    

Sabado ngayon at wala si Autry dahil may gathering daw ang angkan nila. Nandito na kasi sa Pilipinas ang lolo nya kaya ang ibig sabihin ay nandoon din si Darrhius. Isa pa yang lalaki na yan! Asaan na ang 'But you'll hear my side before the end of this week' nya? Limang araw na ang nakakalipas at wala pa akong nakikita ni anino nya. Bwisit paasa talaga

Bumuntong hininga muna ako bago haplusin ang maliit na umbok sa tyan ko

"Baby pakalmahin mo ko palagi okay? Baka mapaanak ako ng maaga dahil sa papa mo" bulong ko dito. Damn this hormones! Parang nung isang araw lang ay galit na galit ako dito. Bakit ngayon parang isa akong teenager na nagtatampo sa kanya.

Isinantabi ko na ang isiping iyon atsaka pumunta sa sala. Naglilipat ako ng chanel at nakita ko na nagsisimula na ang isang romcom na palabas ng may kumatok sa pinto ng condo kaya agad ko itong tinungo para buksan. Nadatnan ko si Philip na kasama ang kambal nya

"Anong hangin ang nagdala sayo dito?" pambungad ko sakanya. Binuksan ko ng maluwag ang pinto at inanyaya silang pumasok. Naunang pumasok yung kambal bago kami sumunod ng kapatid ko

"Can I leave them here? May pupuntahan lang ako" Napatingin ako kay Philip bago tignan ang kambal

"Hi babies!" Ginulo ko ang buhok nilang dalawa bago bumaling kay Philip

"Sure. Eh san ka ba pupunta? Anyways bakit hindi mo iwan sa nanay nila itong kambal mo?" Tanong ko dito

"May pupuntahan nga ako and it's about their mother kaya ikaw muna ang magbantay" Aniya.

"Ah ok. Sino ba kasi ang nanay nito" nginuso ko ang kambal na ngayon ay nanonood ng spongebob sa tv. Paano nila nalipat sa Spongebob ang palabas? Oo nga pala, may remote control pala.

"You really asked me that stupid question?" Aniya na parang pangtanga ang tanong ko. Bakit? Kilala ko ba mama nila Zek? Ba't hindi ko alam na kilala ko?

"Hindi ba obvious na hindi ko kilala?" Tanong ko dito pero inirapan lang ako. Aba!

"Tss. You know her, siguro ay wala ka lang idea kung sino sya and I won't tell you who is she" tinignan ko sya ng masama. Isa pang aba! Kailan pa naglihim sakin to?

"Damot. Kilala ko naman pala e, bakit ayaw mo pang sabihin? Kahit clue na lang." Pangungumbinsi ko parin. Nakita kong tumikom ang bibig nya at parang nag-iisip. Ayan! Sasabihin na nya!

"Clue?"

"Oo" sagot ko na parang excited na bata

"Sorry pero hindi uso ang clue. Sige bantayan mo ang mga anak ko. Bye" Sabi nya at lumabas na ng condo. Napaismid na lang ako at inirapan ang pinto kung saan lumabas si Philip

Damot, akala nya walang paraan? Huh! Yung kambal na lang ang tatanungin ko

"Hi Zia. Can I ask you something?" Nilapitan ko sya at umupo din sa sofa

"Yes po tita" sagot nya. Tinignan ko si Zek na busy sa panonood ng TV. Baka ayaw paistorbo kaya sana ay sumagot ng maayos si Zia

"Ano name ni mom nyo?" Ani ko bago ngumiti.

"Uhm. Zaira Evereen po" Aniya. Zaira Evereen who? Hindi ko naman pala kilala pero todo tanggi si Philip

"Ok. Thanks sa sagot baby" sabi ko sa kanya bago pumunta sa kusina. Pinaghanda ko sila ng meryenda para kung saka-sakali man na magutom sila ay may makakain sila dito

Bumalik ako sa sala dala-dala ang mga bicuits at tatlong juice para samin at umupo ulit sa upuan atsaka nakinood na lang din sa spongebob

"Tita bakit ayaw mo pang umuwi sa house nyo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Zia pala

"Wala lang baby. Mas gusto ko dito eh" sagot ko sa kanya

"Sayang naman po. May mga surpris-..." Napahinto si Zia ng kalabitin sya ni Zek. Nakalagay sa bibig nya ang hintuturo nya

"Quiet ka lang. Its a secret right?" Bulong nya kay Zia pero rinig ko naman. Anong secret?

"Anong secret yon babies? Promise hindi ipagsasabi ni Tita" Sabi ko pa sa kanila pero nagtinginan lang silang dalawa

"Ayan! Ang ingay mo kasi eh" sabi ni Zek kay Zia

"Sorry na kuya" Ani Zia at niyakap si Zek na ngayon ay yumakap na din sa kapatid. Tumingin sakin si Zek bago nagsalita

"Sorry tita kasi secret talaga yon and we wont tell you because its a secret nga po" Baling ni Zek sakin habang pinagdidiinan ang salitang secret na tatlong beses nya atang binanggit

"Oo nga tita. Kasi kapag sinabi namin sayo edi hindi na iyon secret. Diba?" Ani Zia

"Yeah" nag-apir ang kambal at tumawa silang dalawa. Pinagkibit balikat ko na lang yon kasi alam kong hindi ko na sila mapapaamin.

"Ok sige. Hindi na mamimilit si tita" sabi ko na lang

kinahapunan ay sinundo na ni Philip ang kambal kaya naman naiwan nanaman akong mag-isa sa bahay. Nilinis ko na lang ang mga kalat na naiwan ng kambal bago ako nagluto ng hapunan ko

Siguro hindi makakauwi si Autry. Mukhang busy don sa party at hindi na nakapagtext kaya naman ako na ang nagtext sa kanya pero naudlot iyon dahil pagkabukas ko palang ng phone ko ay may isa ng message galing sa isang unknown number

Unknown:
Opertn the dooir

Huh? Sino naman to? At bakit may typo pa.

Hindi ko na pinansin kasi baka nant-trip lang kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Patapos na sana ako ng makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto kaya agad ko itong tinungo. Sinilip ko muna kung sino kaso ay may nakaharang kaya hindi ko makita

"Sino yan?" Tanong ko sa labas

"Noelle o-...pen the door. Shorry na" yun lang ang narinig ko mula sa labas. Sino ba kasi to?

Binuksan ko na ang pinto at bago ko pa luwagan ang pagkakabukas non ay bigla na lang itong naitulak at isang bugto ng katawan ang bumagsak mula dito kaya napatili ako

Napangiwi din ako dahil mukhang masakit ang pagkakabagsak nya. Sakit non a? Agad kong dinaluhan ang lalaki atsaka ko ito tinuwad at nang makita ko ang maamong mukha ni Darrhius ay agad ko itong nabitawan

Anong ginagawa nito dito?

"Hoy!" Tinampal ko ng mahina ang pisngi nya pero tanging ungol lang ang narinig ko. Magsasalita pa sana ulit ako kaso naunahan nya naman ako

"Noelle..." Aniya. Mabilis akong tumayo at sinipa ko ang tyan nya. Bwisit! Pangalan mo lang yan Noelle. Wag kang kiligin

Iniwan ko sya sa may sala pero agad din akong bumalik nung napagtanto ko na bukas ang pinto. Kaya naman hinila ko ang paa ni Darrhius papasok bago isara ang pinto.

Bumalik ako sa kusina at tinapos ko na ang pagkain ko. Hinugasan ko na din ang mga nagamit ko at inilagay sa ref ang natirang pagkain bago lumabas ng kusina. Sinilip ko si Darrhius at ganoon parin ang posisyon nya, nakahiga parin sa sahig

"Manigas ka dyan" Bulong ko bago pumasok sa kwarto ko. Bahala sya don.

-

A/N: If you're interested in Philip's story then read it hahaha. Happy New Year :) I love yah all

He's My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon