Pinasok ko ang loob ng kwarto ni Noelle at hinalughog ko ito pati narin ang closet nya kaso mga damit nya lang ang nadatnan ko. Gusto kong isipin na baka may pinuntahan lang pero fuck! Hindi ko alam pero may nabubuo ng ideya sa isip ko pero ayoko paring tanggapin. She can't escape from me.
Nanlulumo kong isinara ang pinto ng kwarto ni Noelle bago ko mabilis na tinungo ang banyo atsaka ako kumatok
"Noelle" I knocked three times pero hindi pa din bumubukas ang pintuan kaya pinihit ko na ang seradura na hindi naman nakalock kaya binukas ko na ito at wala pa ding Noelle na lumalabas.
Mabilis akong bumaba at inikot ang buong bahay pero wala, walang Noelle na nagpapakita.
Nag-intay ako hanggang sa dumilim na at hindi ko narin pinansin ang gutom ko sa pagbabaka sakaling uuwi na si Noelle dahil gusto ko sabay kami. Kahit na kalahati na ng utak ko ang nagsasabing na hindi na sya babalik at baka umalis na nga ito at kalahati naman ang nagsasabi na baka nasa bayan lang sya o baka naligaw lang sa gubat dahil wala namang tutulong sa kanya na umuwi.
"Bullshit!" Sinimulan ko ng magwala. Hinagis lahat ng nadadampot ko, baka sakali na marinig ni Noelle at bumalik sya dito. Baka sakali na hindi nya kami narinig. Baby... please come back
But no one came.
*
Dalawang linggo na ang nakakalipas and Im still waiting for her to come back pero wala talaga. Siguro narinig nya nga lahat at sabagay may karapatan syang umalis after hearing those words. Fuck! Im nothing but a damn fucking douchebag.
Napatingin ako sa bahay ko. It is a mess, totally damaged. Hindi ko parin pinapalinis. Para san pa? Wala naman nang babalik dito. Pati sila Eve hindi na bumalik
"Tanga ko! Damn!" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagbukas ng gate. Isa lang ang pumasok sa isip ko
"Noelle..." I jumped out of my couch bago salubungin si Noelle pero nawala ito dahil hindi naman sya ang tao na pumasok
"Oh my Ghad? What happened to your house?!" Autry exclaimed. Tinignan nya ang buong bahay ko at isa isa nyang pinulot ang mga gamit na nagkalat sa daraanan nya.
Mabilis ako bumalik sa pagkakaupo sa couch. What am I expecting? Na si Noelle ang dadating?
"Oh my. Dalawang linggo lang akong nawala Darry! What- I mean, anong kabaliwan ang ginawa mo sa loob ng dalawang linggo na wala si Noelle?" Nahihisterical nyang sabi. Dalawang linggo... Araw din kung kelan umalis si Noelle tulad ng sabi nya-... then I realized something.
"Nagkita kayo ni Noelle nung araw na umalis ka." Hindi iyon patanong kaya nakita ko ang pagkagulat nya. I know her, hindi nya napipigilan ang sarili nya kapag natataranta
"W-what?! Bakit ko naman makikita si Noelle sa bayan? Hello? Baka nasa Manila na ako ng mga oras na yon no!" Aniya at mabilis na iniwas ang mga tingin nya saki kaya sinundan ko ang mga mata niya. Hindi sya makatingin sakin. I knew it
"Really? Paano mo nalaman na wala si Noelle?" Sabi ko at mabilis kong hinatak ang pulsuhan nya. Alam ko na alam nya kung nasan si Noelle.
"H-hey! Ano ba! Hands off nga Darrhius!" Aniya at mabilis na hinaltak ang kamay nya pero di ko ito binitawan
"Where is she?" I asked through my gritted teeth. Hindi na ito bumubuka sa sorang pagpipigil ko. I need damn answers.
"Hindi ko nga alam! Ano ba?!" She stepped on my foot kaya nabitawan ko sya at agad syang tumakbo papunta sa kusina.
"Autry!" Mabilis akong tumakbo papuntang kusina para habulin sya. I need Autry para matunton si Noelle.
"Ano ba!? Stop chasing me"
"Then stop running" sigaw ko pabalik and she stopped. Hinubad nya ang sandals nya atsaka binato sa gawi ko, buti nakaiwas ako.
"Eh adik ka pala eh. Nakakatakot ka kaya? Tsaka pwede ba? Chupee nga. Kukuha lang ako ng damit ko tapos aalis ako pauwi sa Manila" Aniya at hinubad ulit ang natitirang sandals papunta sa gawi ko and she entered her house
Napailing na lang ako. Bumalik ako sa loob ng bahay para mag-impake. Bahala na.
BINABASA MO ANG
He's My Kidnapper
RomanceNoelle Nakahara has been kidnapped. At first she can't accept everything. Until one night something happened and it lead her to escape from her kidnappers. She became a tool for revenge. What to do?